"NAGISING si Nicole na may ngiti sa labi. Ngunit agad ring nawala nang makapa na wala siyang katabi.
"Sky?" tawag niya nang agad bumangon.
"Good morning," nakangiting bati ni Sky habang inaayos ang mga damit na hinubad kagabi.
Napahawak sa dibdib ang dalaga. "Akala ko wala ka na," aniya.
Lumapit sa kaniya si Sky at niyakap siya. "Andito lang ako. Takot kang mawala ako?"
Gumanti siya ng yakap rito. "Yes."
Ngumiti si Sky. Masaya siyang marinig mula rito na tulad niya, takot rin itong mawala siya sa tabi nito.
"Uwi na tayo sa bahay. Kailangan din nating kumain."
Natawa si Nicole nang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Natawa rin si Sky. "Hindi pwede na magkainan lang tayo. Kailangan natin ng totoong pagkain," aniya sabay kindat kay Nicole.
Napailing na lamang ang dalaga. Nagbihis na siya ng damit at naunang lumabas ng kubo si Sky.
Paglabas ni Sky ng kubo, nasa labas na si Manong Oscar.
"Maayong buntag Manong Oscar," bati niya rito.
"Maayong buntag sad, Sky. Kusog kaayo ulan gabii ba, kusog sad ang hangin." (Good morning rin, Sky. Ang lakas ng ulan kagabi, at ang lakas rin ng hangin.) anang matanda.
"Bitaw ui. Mao gani na diri nalang ko natulog gabii." (Kaya nga po. Kaya dito nalang ako natulog kagabi.) sagot niya.
Napatingin ang matanda sa dalagang lumabas ng kubo, saka napatingin kay Sky at ngumiti ng nakakaloko. "Hatdan unta tika og panihapon gabii. Unya kay nakit an naku ang payag ba, ga uyog uyog man. Dagan kog pinakalit sa balay kay abi nakug naay linog." (Hatiran sana kita ng pagkain kagabi. Pero nakita ko ang kubo na parang gumagalaw. Takbo agad ako sa bahay kasi akala ko may lindol.)
Namumula ang mukhang natawa ng malakas si Sky. Ang walang kaalam-alam na si Nicole, ngumiti pa ito sa matanda.
"Magandang umaga po," bati ng dalaga rito.
"Ay tagalog diay ka gang. Ngayon lang ako nakakita ng maganda gang ba sa tanang buhay ko. Tumanda na ako dito sa bundok na walang asawa." (Ay, Tagalog ka pala, iha. Ngayon lang ako nakakita ng magandang babae sa buong buhay ko. Tumanda na ako dito sa bundok na walang asawa.)
Natawa si Nicole. "Si Nikki diay, Manong Oscar," pakilala ni Sky sa dalaga.
"Uyab nimo, Sky?" tanong nito. (Girlfriend mo, Sky?)
"Ano pong uyab?" curious na tanong ng dalaga.
"Uyab gud. Jowa ba." (Girlfriend nga. Partner.) sagot ng matanda.
"Ahhhh," anang dalaga sabay tumango-tango.
"Oo, Manong Oscar, uyab naku."
Napatingin si Nicole kay Sky. Did she just say that girlfriend siya nito?
Ngumiti sa kaniya si Sky at hinawakan ang kaniyang kamay. "Ayaw mo?" tanong nito.
"Gusto," walang paligoy-ligoy niyang sagot.
"Swerteha nimo, Sky. Ayaw na buhii ha? Sayang og mailog sa lain." (Ang swerte mo, Sky. Huwag mo nang bitawan ha? Baka maagaw pa ng iba.) anang matanda.
"Dili na jud, Manong." (Hindi na talaga, Manong.) sagot ni Sky habang sa kaniya lamang nakatitig.
Nagpaalam na sila sa matanda.
Mayamaya lang, nakaangkas na si Nicole sa motorsiklo ni Sky habang pababa sila ng bundok.
Masarap pala kapag nakaangkas rito at nakayakap sa beywang nito.
Ngunit nagtaka siya dahil sa ibang direksyon sila pumunta.
"Saan tayo pupunta?" sigaw niya rito.
"May ilog malapit rito. Maligo muna tayo," sagot nito.
"I don't have a bikini."
"Maghubad ka nalang," sagot nito.
"Basta kasabay ka, okay lang."
Ngumiti siya nang tumawa ito. "Addiction mo talaga ang katawan ko noh?" biro nito.
"Nagsalita ang hindi nababaliw sa katawan ko," sagot rin niya.
"Well, pareho tayong baliw sa isa't isa."
Ngumiti ang dalaga. With Sky, she felt different. She felt free.
---
THEY played like kids.
Wala silang pakialam sa mundo.
Naghahabulan, naghahalikan.
They made love under the morning sun.
They laughed, never caring about their past which made them fall apart.
Ang mahalaga, kasama nila ang isa't isa.
But until when?
Hanggang kailan nila iwasang magtanong sa isa't isa tungkol sa mga naranasan nilang sakit? Mga dahilan kung bakit sila nagkalayo.
Ang dami pang tanong sa mga puso at isipan nila.
And it was Sky who made the first move.
Habang nagbibihis, tinanong niya ang isang bagay na hindi makapagpatahimik sa isipan niya.
"So, sino si Alex?"
Nagulat si Nicole sa tanong nito.
Napatingin siya rito. "Sa studio siya nagtatrabaho," sagot niya habang isinasara ang zipper ng suot na pantalon.
"Why ex?"
"Sinubukan kong makipag-relasyon uli," aniya, sinusuot na ang blouse. "It didn't work. She's in love with her best friend, and I haven't moved on from my ex."
Naupo siya sa isang bato at isinuot ang sapatos.
"At pumayag ang mommy at daddy mo?" tanong ni Sky. Nasa tono ng boses ang konting hinanakit.
"Yes. Hindi sila against sa pakikipagrelasyon ko sa isang lesbian. I'm old enough to decide what I want in my life."
Tumayo siya at tumingin kay Sky. "And if you haven't disappeared on me, tinanggap ka rin sana nila."
"Talaga? Bakit ang sabi ng Mom mo, hinding-hindi nila matatanggap na tomboy ang karelasyon ng anak nila?"
Natigilan si Nicole. Nagulat sa sinabi nito. "What are you talking about?"
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...