**PRESENT TIME:**
Napatingin si Sky sa kumatok sa nakabukas na pintuan.
"Okay lang ka?" tanong ng ginang.
Nagpunas siya ng luha at ibinaba ang unan, tumayo para lapitan ito. "Okay ra ko." (Okay lang ako.) sagot niya, ang boses ay tila bumabagsak.
"Naa daw problema sa generator sa bukid. Makaadto ka?" (May problema raw sa generator sa bundok. Makapunta ka?) anito, ang tono ay puno ng pag-aalala.
Tumango siya, kahit na ang isip niya ay puno pa rin ng sakit.
Lumabas sila ng silid at lumabas ng bahay. Nakita niyang nag-umpisa nang dumilim ang langit. Pero kaya pa naman niyang puntahan ang kinaroroonan ng generator na nagsusupply ng kuryente para sa mga trabahador na nakatira sa bundok.
Mayamaya lang, umalis na siya, nag-drive ng motorsiklo paakyat ng bundok.
---
**"SEGURADO kang okay ka lang?"**
Tumango si Nicole sa tanong ni Patricia.
"Ready ka na?"
"I need to do this," sagot niya, ang puso ay tila nag-aalab sa takot at pag-asa.
"I think she still has feelings for you, Nik."
"Do you think so?"
"I know Sky. We all know Sky, kami nila Eliza at Loi. It's time na ikaw naman yung mag-open up about sa nararamdaman mo."
Tumingin si Nicole sa labas ng bintana, ang mga alaala ng nakaraan ay nagsimulang bumalik.
She can still remember seven years ago. Nang narinig niya ang mama ni Sky na kausap ang Mommy niya. Pumunta ito sa kanila, nagbabakasakaling nasa kanila si Sky.
Narinig niya ang kwento nito sa Mom niya—ano ang pinagmulan ng lahat.
Sarah.
Nong halikan ni Sarah si Sky. Kaya nalaman ng Papa ni Sky ang pagiging tomboy nito.
She was hurt even more.
Sarah again.
Ilang araw niyang hindi kinausap si Sky. She was hurt. Ayaw niyang marinig anuman ang sasabihin nito.
Ang alam niya lang, niloko siya nito.
Hindi siya naka-attend ng graduation niya that time. Dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Sarah at Sky.
But after all those years, naisip niya bakit hindi man lang niya binigyan ng chance si Sky na makapagpaliwanag. That was her biggest regret in life.
Ngayong nakita na niya uli ito, this is her chance to ask Sky bakit siya nito nagawang lokohin.
Handa na siya sa kahit anong sagot at paliwanag ang ibigay nito sa kaniya.
Nakikita niya ang pamilyar na tanawing puro palayan. Mayamaya lang, huminto ang sinasakyang kotse sa tapat ng bahay na tinitirhan ni Sky.
Pagkababa niya ng sasakyan, sinalubong agad siya ni Ate Tere.
"Nikki, bumalik ka."
"Hello po, Ate. Si Sky po?"
Bumaba rin ng sasakyan si Patricia.
"Si Patty nga po pala, kaibigan namin ni Sky," aniya, ang tono ay puno ng pagpapakilala.
"Magandang hapon po," bati ni Patty rito.
"Ay magandang hapon rin. Ang gaganda niyo mga anak," natutuwang wika ng ginang.
"Andiyan po ba si Sky, Ate?" tanong uli ng dalaga rito.
"Ay nahuli ka ng dating. Kakaakyat niya palang ng bundok. May problema kasi sa generator doon. Pero manaog, ay uuwi din siya mamaya."
Ibinaba ng driver ang maleta ni Nicole.
"Puede ko po ba siyang sundan, Ate?" tanong ng dalaga.
"Hala bundok yun, anak. Maraming lamok doon."
"Okay lang po. Pero pwede ko po ba siyang sundan?"
Lumingon ito sa binatang nakatingin sa kanila. Ito yung nag-drive ng kotse niya pabalik sa city habang siya ay sakay sa kotse ni Sky.
"Andy, ihatid si Nikki sa bukid. Muapas daw siya kay Sky," anang ginang rito saka tumingin sa kaniya. "Sinabi ko ihatid ka kay Sky."
Ngumiti ang dalaga. "Maraming salamat po," pasalamat niya rito.
Lumingon siya kay Patricia at yumakap rito.
"See you after three days," anito.
Tumango siya, ang puso ay nag-aalab sa excitement.
"Bring back Sky. Loisa won't forgive you if you don't bring Sky with you."
"I know. Ilang ulit ba ninyo akong iremind," natatawa niyang turan.
Niyakap siya nito nang mahigpit.
"Good luck, Nikki. Lasingin mo uli para maikama mo agad," bulong nito, ang boses ay puno ng pang-aasar.
Kumalas siya rito at pinandilatan ito.
"Patty, only Loisa can know that," aniya rito, may ngiti sa kanyang mga labi. Natatawa lamang itong sumakay muli sa kotse.
Kumaway pa ito bago tuluyang umandar ang sasakyan at iniwan siya sa kinatatayuan.
---
**"Hay salamat."**
Ngumiti si Sky sa matandang lalaki.
"Daghan kaayong salamat, Sky," anito, ang boses ay puno ng pasasalamat.
"Way sapayan, Manong Oscar." (Walang anuman.)
Nagulat sila nang biglang bumuhos ang ulan.
"Manong, silong sa ko sa payag." (Sisilong muna ako sa kubo.)
Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito. Tinakbo na niya ang pinakamalapit na kubo. Ang matanda naman ay tumakbo sa kabilang direksyon papunta sa bahay nito.
Basa na siya agad nang makarating sa kubo.
"Sky!"
Natigilan si Sky nang may tumawag sa pangalan niya. Napatingin siya sa babaeng tumatakbo palapit.
"Nikki?"
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...