SEVEN

575 28 0
                                    

PASULYAP SULYAP si Sky sa dalagang kaharap lamang niya sa hapag kainan. Gusto niyang matawa kanina sa reaksyon nito nang makita siya.

"Hindi man lang nabanggit sa akin ni Nikki na may bago pala siyang kaklase." ani Mrs. Ramirez pagkatapos sabihin rito ng sariling ina ang paglipat niya ng school. At magkaklase pa sila ni Nicole.

"I was busy Mom." tanging sagot ni Nikki.

Alam niya ang dahilan. Dahil naiinis ito sa kaniya.

Pinigilan niyang mapangiti.

"Sky, i really like your name." ani Mrs. Ramirez sa kaniya.

"Thank you Tita."

"I like your daughter too Tita." gusto niya rin sanang sabihin.

"Hindi ka ba tinatarayan ni Nikki sa school?" biglang tanong ni Mr. Ramirez.

"Dad!"

Natawa na si Sky. Tumingin siya sa dalaga bago sumagot sa ama nito.

"Medyo po Tito." aniya.

Natawa rin ang lalaki.

Nakita niyang pinandilatan siya ng mga mata ng dalaga, pero kindat lang ang isinagot niya rito.

Nagulat ito sa ginawa niya, pagkaraay hindi na umimik.

"Sana magkasundo kayo ng anak ko Sky. Mabait naman yan si Nikki kapag nakaclose mo na." ani Mrs. Ramirez.

"Yes po Tita."

"Gusto ko po talagang mapalapit sa anak niyo Tita. Yung close na close po." habang iniisip ito, sa dalaga lamang siya nakatingin.

"Tahimik lang ang anak ko pero mabait din yan." sabad rin ng sariling ina.

Tumango naman ang sariling ama bilang pag ayon sa sinabi ng ina.

.

.

.

.

.

.

.

Hindi alam  ni Nikki kung nananadya lang ba si Skylar or nagkukunwaring  mabait.

Basta ang alam niya, gusto niyang makilala pa ito ng husto.

Gusto niyang maging kaibigan ito.

Pagkatapos nilang maghapunan, tumuloy sa labas ng bahay ang mga magulang at parents nito. Nagbukas ng wine bottle ang ama sa tabi ng pool, kaya hindi na sila puedeng makisali sa mga ito.

"Do you want to see my room?" tanong niya sa babaeng tahimik na nakaupo sa sofa.

Parang kidlat itong tumayo agad.

Di niya mapigilang matawa.

"Let's go." anito.

Sumunod ito sa kaniya paakyat sa second floor ng bahay kung saan naroon ang kaniyang kwarto.

Napatingin siya rito.

"Sa taas ang room nila Mommy at Daddy.This entire  floor is mine."

Binuksan niya ang pinto.

"Come in."

Sumunod ito sa kaniya.

Kitang kita ang paghanga nito sa ganda ng room niya.

"That door, behind it is my own library and study room." aniya nang dumako ang tingin nito sa isang pinto.

"Ang ganda." anito nang lumapit sa malaking painting na nakasabit sa wall malapit sa dressing table niya.

"Thank you." aniya dahil mukha niya ang nasa painting.

"Puede ko ba tong iuwi?" anitong tinutukoy ay ang painting.

Natawa si Nikki.

"I didn't know you're funny." aniya.

"Ang ganda mo dito." puri uli nito.

"Thank you again." sagot rin niya.

"Pero mas maganda ka sa personal." anito nang sa kaniya na tumingin.

Humakbang ang dalaga at tumayo sa harapan nito.

.
.
.
.
.
.

.
.
.
Nagulat si Sky sa biglang paglapit ni Nicole sa kaniya. Napaatras pa siya nang tumayo ito sa harapan niya at tumingala sa mukha niya.

Napatingin rin siya rito,nagtataka kung ano ang ginagawa nito.

Wait.

Ang bilis ng tibok ng puso niya.

"What are you doing?" tanong niya sa tonong hindi mapakali.

"Panay puri mo sa akin ngayon. Samantalang lagi mo akong ini snob this past few days. Check ko lang kung ikaw ba talaga si Skylar." anito na sinasabayan pa ng pagtataas nito ng kilay.

Pinisil pa nito ang pisngi niya.

Nagulat siya sa ginawa nito. Naramdaman niyang bigla siyang pinawisan.

"You are real." anito.

"I'm Skylar Almonte." aniya sabay kuha sa kamay nito at hinawakan.

Ang sarap hawakan ng kamay nito.

"Hmmm. I'm Nicole Marie Ramirez." anito at nakipag shake hand sa kaniya.

"Nice to meet you crush." gusto niya sanang sabihin.

"Sorry kung naging snob ako." aniya na lamang.

Hawak niya parin ang kamay nito.

"Kalimutan na natin yun. Let's start over." sagot nito.

Ngumiti si Sky.

Ngumiti rin ito.

She's hoping na sana yun na ang simula ng pagkakaibigan nila.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon