TWENTY-FOUR

542 27 1
                                    

TUWANG TUWA si Sky sa pagdating ni Sarah. Namiss niya ang kaibigan.

"Namiss kita." anang babae nang kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Miss rin kita Sar."

Lumapit sa kanila si Kyden, ang pinsan ni Gray.

"Bro." aniya at yumakap rito. Para na niya itong kapatid.

"Kuya Sky, muzta." anito.

"Mabuti naman. Ikaw? Ilang buwan kang hindi nakadalaw."

"Matagal tagal na rin. Bigla nagyaya si Ate Sarah na magbakasyon rito. Namiss ka raw niya." anito ngunit natigilan nang mapadako ang tingin sa pintuan ng bahay ilang metro ang layo sa kanila.

"Wow, chix kuya." anitong namumuso pa yata ang mga mata.

Napalingon si Sky sa tinutukoy nito.

Hindi niya napansin ang biglang pagkawala ng ngiti ni Sarah at biglang pamumutla nito.

"Huwag mo nang pagpantasyahan Kyden, taken na yan." ani Gray sa pinsan.

"Girlfriend mo Kuya Sky?" tanong ni Kyden.

Humakbang palapit si Sky sa kinatatayuan ni Nicole. Napakunot noo siya nang makita ang mga mata nitong may namumuong mga butil ng luha.

"Nik?" tawag niya rito na agad nag alala. May problema ba ito?

Tumingin ito sa kaniya. Matalim. Puno ng hinanakit.

Naguluhan naman siya bakit biglang nagkaganito ang dalaga.

Hahawakan sana niya ito sa balikat nang umatras ito para hindi niya mahawakan.

Mas lalo siyang naguluhan.

"Babe, may problema ba?" tanong niya rito.

Tahimik lamang itong nakatitig sa kaniya na puno ng galit.

Saka ito tumalikod para bumalik sa loob ng bahay.

Hinabol niya ito at hinawakan sa kamay at hinila paharap sa kaniya.

Nasaktan siya nang makita ang tila pandidiri nito sa paghawak niya sa kamay nito.

"Hindi ko alam kung bakit ka ganito. Ano bang problema?" tanong niyang nasasaktan na sa ipinapakita nito.

"So you two are still together."

It wasn't a question.

Napakunot noo si Sky.

Magsasalita pa sana siya nang may marinig silang sasakyang huminto. Pero hindi sila lumabas para alamin kung sino ang dumating.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin Nik." aniya rito

"Talaga Sky? Hindi mo alam? Or nagmaang maangan ka lang."

Natigilan sila nang biglang makarinig nang malakas na sigaw mula sa labas.

Pareho silang napatakbo palabas.

"Anong ginagawa niyo." sigaw ni Sky nang makitang nagkagulo sa labas.

Nagsisigaw sa sakit si Sarah habang sinasabunutan ito ni Loisa.

At nakatingin sina Patricia at Eliza.

"Loi stop it." sigaw niya sa kaibigan at hinila ito palayo sa umiiyak nang si Sarah.

"You bitch!" galit na galit na sigaw ni Loisa na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa beywang nito.

Lumapit si Nicole kay Sarah.

"Sarah." tawag niya sa babae na puno ng galit ang mga mata.

Tumingin rito ang babaeng luhaan at gulong gulo ang buhok.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon