TWENTY

548 26 1
                                    

"NIKKI?"

Gulat na gulat si Sky nang makita ang dalagang tumatakbo palapit.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong agad niya nang makasilong na ito.

Hinubad niya ang suot na polo shirt na nakapatong sa suot na sando at pinunasan agad ang basa nitong mukha.

"Ibinaba lang ako ni Andy tapos bumalik rin agad siya," anang dalaga.

"At ano nga ang ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa city ka kasama sila?"

"Hinatid ako ni Patricia tapos bumalik rin siya agad."

Hinawakan ni Sky ang dalaga sa mukha at pilit na pinapaharap sa kaniya para makita niya ang mga mata nito. Dahil hindi siya nito sinasagot ng diretso.

"Anong ginagawa mo rito, Nik?" tanong niya, this time mahina at nakatitig siya sa mga mata nito.

"I wanted to talk to you."

They stand there, staring into each other's eyes. They can hear nothing but their own breathing and their own heart beating.

Kung hindi pa kumulog ng malakas, hindi pa sila matatauhan. Agad umatras ang dalaga.

Pero agad siyang nahawakan ni Sky sa beywang nang muntik na siya ma-out balance.

Napahawak si Nicole sa dibdib nito. Tumingala siya sa mukha nito habang umiiba ang paraan ng kaniyang paghinga.

She had no idea how much she missed this, being this close to Sky. She could feel her body reacting from just a simple touch, at alam niyang ganun din ang nararamdaman ni Sky.

Those burning eyes, full of passion. Only Sky can look at her that way.

"Kailangan nating pumasok sa kwarto," anito.

Napalunok siya ng laway, at gusto niyang kastiguhin ang sarili.

"Baka mabasa tayo ng ulan," pagtatapos nito.

Saka niya napansin na lalong lumakas ang ulan na may kasama pang malakas na hangin.

Binitawan siya nito mula sa pagkakahawak sa beywang at hinawakan ang kaniyang kamay at pumasok sila sa loob ng kubo.

Binuksan ni Sky ang ilaw dahil madilim na sa loob ng kubo.

Isang higaang gawa sa kawayan lamang ang andon sa loob. Isang maliit na lutuan sa isang sulok na may maliit na lababo sa katabi nito.

May isang maliit na cabinet malapit sa bintana.

Napayakap sa sarili si Nicole nang maramdaman ang lamig. Saka niya napansing basa ang suot na blouse, kalahati ng jeans na pantalon ay basa rin. Pati sapatos niya ay basa rin yata.

"Kailangan mong magpalit ng damit," ani Sky nang buksan ang cabinet at kumuha ng isang luma niyang t-shirt.

Lumapit siya sa dalaga at inabot ito.

"Saan ako magbibihis?" tanong ng dalaga.

"Tatalikod ako," ani Sky nang tumalikod at lumapit sa lutuan at naglagay ng uling sa kalan.

Napangiti siya sa sarili dahil nakikita niya sa sulok ng mga mata si Nikki na naghuhubad.

Kailangan niyang magpa-init muna ng tubig bago pa siya tuluyang uminit.

Napamura si Nicole. Basa rin ang suot niyang bra. Mabuti at hindi ang kaniyang panty. Baka sabihin ni Sky na sinadya niyang hubarin ang suot na panty.

Hanggang kalahati ng hita niya ang haba ng suot na t-shirt. Hindi na siya magtataka dahil higante sa height si Sky.

Buti nalang at wala siyang dalang phone, baka nabasa pa ng ulan. Iniwan niya lahat ng gamit sa bahay nila Sky.

"Tapos ka na?" tanong ni Sky nang humarap sa kaniya.

"Yes," matipid niyang sagot.

Kinuha nito ang mga damit niya at isinampay sa nakausling pako sa dingding ng kubo.

Napatingin ito sa hawak na bra.

Namumula ang pisngi habang inagaw ng dalaga ang gamit mula rito. Mabilis ding umilag si Sky para hindi niya makuha.

Isinabit rin nito ang bra niya saka sumulyap sa dibdib niya.

Nanlaki ang mga mata ni Nicole nang takpan agad ng mga kamay ang dibdib. Napansin niyang naninigas ang mga nipples. Marahil ay dahil sa lamig.

"Lumaki yata sila," ani Sky nang lumapit uli sa pinapainit na tubig sa takure.

"Nope," depensa agad niya.

Nilingan siya ni Sky.

"Patingin nga?"

"Skylar!" tili ng dalaga.

Tumawa si Sky.

Para namang tinunaw ang puso ni Nicole nang marinig ang tawa nito.

Namiss niya ang tawa nito.

Nagtimpla ng kape si Sky para sa kanilang dalawa. Naupo sila sa kama na walang sapin, dahil iyon lang ang pwede nilang maupuan.

She’s trying her best to seat properly while not showing her undies to Sky.

Napapailing naman si Sky sa efforts nito dahil nasisilip niya parin ang itim nitong panty. Mahilig parin ito sa itim na underwear.

"You stay here all the time?" tanong ni Nicole.

"Pag kailangan lang. Tulad nito, naaabutan ng ulan, at gabi."

"That explains why you have your own things here."

"Oo."

Katahimikan.

"Mukhang magda-diet muna tayo ngayong gabi. Kape at biscuits lang ang mayroon."

Ngumiti si Nicole.

"This is okay, don't worry," aniya.

Tahimik nilang tinapos ang iniinom.

Pagkatapos uminom, lumapit sa lababo si Nicole para maghanap ng toothbrush at toothpaste na extra.

"Gamitin mo muna ang sa akin."

Napatingin ang dalaga sa blue toothbrush na nakalagay sa isang baso.

Well, si Sky lang naman seguro ang gumagamit noon.

Pero kinilig siya habang nagsisipilyo ng ngipin. Knowing they are sharing one toothbrush tonight. It reminds her of their old times together.

Pagkatapos magsipilyo, nakita niyang naglalatag ng banig si Sky sa kama.

"One pillow?" tanong niya nang makita ang isang unan.

"No choice, Nik. Hindi ko kasi alam na magkaroon ako ng bisita. Ngayon lang 'to nangyari."

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Malong!?" gulat na naman niyang tanong nang makita ang hawak nito.

"No choice. Ito lang ang puwede nating gawing kumot."

Naimagine na niya paano sila maging parang suman sa loob ng malong lalo na at higante ang makakatabi niya.

Makakatabi.

Napakagat labi si Nicole sa naisip.

Nahuli agad siya ni Sky.

"Wag mong isiping makaka-score ka ngayong gabi, Nik."

Ang bilis niyang makalapit rito at hinampas ito sa braso.

"Ouch, Nik," hiyaw nito ngunit nakangiti.

"Naughty," galit-galitan niya pero deep inside, the butterflies in her stomach hadbeen awakened after seven years of being imprisoned.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon