ANG LAKAS NG KABA ni Sky.
Nakatayo siya habang buong klase ay nakatuon ang pansin sa kaniya.
"So, Skylar, can you tell us about yourself?" tanong ng teacher nila.
Huminga siya ng malalim bago sumagot. Gusto niyang ipakita sa babaeng nagugusgutan na may confidence siya sa sarili.
"My name is Skylar Almonte. I came from San Agustin High," aniya, ang boses ay medyo nanginginig ngunit pinilit na maging matatag.
"Why is your name Skylar?" tanong ng isang kaklase na nakaupo sa harapan niya.
Napatingin siya sa nagtanong. Nagtama muli ang kanilang mga mata.
Ilang hakbang lamang ang layo nito sa kaniya, and she could clearly see how beautiful she was.
Nagtaas ito ng kilay, tila nag-aabang ng sagot.
Agad nahimasmasan si Sky. Nagtataka marahil ito dahil ang tagal niya sumagot.
"My father thought I was a boy noong ipinagbubuntis pa lang ako ng mother ko. Kaya pinangalanan niya akong Skylar at hindi na niya binago pa," sagot niya, ang tono ay puno ng determinasyon.
Tumalikod din agad ang babae pagkasagot niya, parang wala nang interes.
Nadismaya siya dahil hindi na niya makita ang magandang mukha nito kahit na tila lagi nang naiinis kapag nakaharap sa kaniya.
Pinaupo na siya ng teacher.
"Welcome, Sky," anang lalaking katabi niya, na tila nagbigay ng suporta.
"Salamat," sagot niya, ang kaunting saya ay bumabalik sa kanya.
"Sky, I'm Julia," sabi ng batang babae sa tabi niya.
Sa katabing babae naman tumingin si Sky, ang ngiti ay tila nagbigay sa kanya ng kaunting ginhawa.
"Nice to meet you," aniya rito, na may ngiti na hindi niya maikontrol.
"Puede mo akong maging tour guide," anito, ang tono ay puno ng saya.
Ngumiti si Sky, ang mga mata ay nagliliwanag. "Thank you."
Muli niyang sinulyapan si Nicole. Abala ito sa pakikipag-usap sa katabing lalaki, at nasaktan siya nang makitang tumawa ito dahil sa sinabi ng katabi.
---
UMUPO si Nikki sa bakanteng upuan kaharap ng babaeng tahimik na kumakain ng sandwich.
Nag-angat ito ng ulo at saglit na tumingin sa kaniya bago nito muling itinuon ang pansin sa hawak nitong pagkain.
"May problema ka ba sa akin?" naiirita na niyang tanong rito, ang inis ay hindi na kayang itago.
It's been three days na tila akala nito kung sino itong maka-dedma sa kaniya.
"Nope," matipid nitong sagot, ang tono ay tila walang pakialam.
"Then why are you ignoring me every time I tried to talk to you?" tanong niya, ang boses ay naglalaman ng pagkadismaya.
"Hindi ko lang type sagutin ka," sagot nito na tila walang pakialam sa nararamdaman niya.
Lalong kumulo ang dugo ng dalaga.
"Oh God, I can't stand you," gigil niyang wika, ang galit ay umaabot na sa kanyang dibdib.
Tumingin ito sa kaniya, ang mga mata ay puno ng paghamak.
"Baka naman kasi sanay kang iniidolo ng lahat. Yung unang approach mo sa akin, mukha kang masungit. Hindi lang mukhang masungit, masungit talaga. At hate kong ugali yan sa isang tao. Kaya pasensya ka na kung mas gusto kong dedmahin ka kesa makikita lagi ang katarayan mo," mahabang sagot nito, tila ang bawat salita ay may bigat.
Napanganga si Nicole, naguguluhan at nagalit sa sinabi nito.
"Are you kidding me? I'm not mataray," depensa niya sa sarili, ang boses ay nanginginig sa galit.
"Talaga? Eh bat nakataas lagi ang mga kilay mo?" tanong ni Skylar, tila nag-eenjoy sa kanilang usapan.
Napahawak tuloy siya bigla sa mga kilay, naguguluhan.
"No, I'm not," giit niya, ngunit ang kanyang boses ay tila nagdududa.
Tumayo ito at walang sabi-sabing iniwan siya sa mesa.
"Uggghhh!" inis niyang turan, ang galit ay tila umaabot na sa kanyang ulo.
Lumapit sa kaniya ang mga kaibigan.
"So what happened?" tanong ni Eliza, ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala.
"I hate her," sagot naman niya, ang tono ay puno ng sama ng loob.
Padabog siyang tumayo at nagmartsa palabas ng school canteen, ang kanyang damdamin ay tila nag-aalab.
---
LIHIM na napangiti si Sky habang palabas ng canteen.
Ang sarap pala inisin ni Nicole. Kahit sa katarayan nito, mas lalo itong gumaganda sa paningin niya.
Pinipigilan lang niya ang sariling kurutin ang pisngi nito sa sobrang gigil niya rito.
Lumingon siya at nakitang palabas na si Nicole ng canteen na hindi maipinta ang mukha.
Hindi siya nagpakita rito; mabuti at may mga estudyante nakaharang sa kaniya.
Ngunit dahil sa tangkad niya, kita niya pa rin ang dalaga.
Abot tenga ang ngiti niya, kay lakas ng pintig ng puso habang sinundan ito ng tingin habang padabog na umalis.
Konting konti na lang, ipapakita niya na rito na hindi naman talaga siya umiiwas dito.
Dahil kabaliktaran ang totoong nararamdaman niya para rito.
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...