2014
"Nikki!!!"
Napalingon agad si Nicole sa mga sumigaw sa pangalan niya.
"Girls," excited niyang sigaw nang makita ang tatlong kaibigang palapit sa kaniya.
"We miss you, Nikki," wika agad ni Loisa nang yakapin agad siya.
"Miss you, Nicole," ani Patricia na nakisali sa yakapan nila.
Tuwang-tuwa ring nakisali sa group hug si Eliza.
"I miss you too, girls," ani Nicole, ang init ng saya sa kanyang puso.
"Kumusta ang bakasyon?" tanong ni Patricia nang matapos ang yakapan.
Si Loisa ang unang sumagot.
"Mine was not good at all," aniya, ang tono ay puno ng drama. "Super layo ng bahay bakasyunan ng grandparents ko. And super old na nang bahay. That was the most boring vacation I ever had."
"At least nakasama mo grandparents mo," sagot rin ni Eliza rito, trying to be supportive.
"Well, sabagay. How about you, Nikki?" tanong ni Loisa.
"It was good. I spent the whole summer with Mom and Dad," sagot ni Nicole, thinking about the peaceful days they had spent together.
Si Patricia naman ang nagtanong kay Eliza tungkol sa bakasyon nito.
Ngumiti ang huli ng matamis at hindi maitago ang kilig.
"I met someone," aniya, her eyes sparkling with excitement.
Nanlaki ang mga mata ng tatlo, at sabay-sabay na tumili.
"Oh my God, sino siya, sino siya?" chorus ng tatlo, ang kanilang mga boses ay puno ng kuryusidad.
"Not yet. Mami-meet niyo rin siya," sagot ni Eliza, ang kanyang mga ngiti ay tila nagkukuwento ng mga lihim.
"Which school is he from?" curious na tanong ni Loisa.
"San Luis High," sagot ni Eliza, ang saya ay hindi maikubli.
Nagtilian na naman ang tatlo, ang excitement ay tila bumabalot sa buong paligid.
"Senior? Junior?" tanong ni Patricia, sabik na sabik.
"Senior."
"Kailan namin siya makikilala?" tanong ni Nicole na puno ng interes.
Tamang-tama namang tumunog ang bell.
"Ahhhhh," dismayadong chorus ng tatlo, parang sinira ng bell ang kanilang mga pangarap.
"Details, details later," natatawang wika ni Eliza, habang pumasok sila sa loob ng magiging classroom nila.
Bago pa man nagsimula ang school time, alam na nilang magkaklase pa rin silang apat at nasa top section pa rin sila ng kanilang Junior High.
First day of school kaya hindi pa seryoso ang mga estudyante.
Bumati agad kay Nicole ang mga dating kaklase last year na magiging kaklase niya pa rin this year.
"Hi Nikki."
"Hi Nicole."
"Good morning, Nikki."
Iyan ang mga pagbati para sa dalaga.
May isang di pamilyar na mukha ang lumapit at ngumiti sa kaniya.
"Ang ganda mo pala talaga sa malapitan, Nicole."
Napatingin siya rito, medyo naguguluhan.
"Bagong lipat?" tanong niya rito.
Halos hindi naman ito makapaniwala na kinausap niya ito.
"Oo, oo. Oh my gosh, kinausap mo ako! I'm Brian nga pala."
"Hi Brian," ngiti ng dalaga rito, feeling a bit shy.
Bumulong sa kaniya si Loisa.
"They don't even know na apat tayong dapat nilang pansinin."
Natawa si Nicole, amused by her friend's playful nature.
Alam niyang nagbibiro lamang ang kaibigan, pero since naging magkaibigan silang apat, all the attention has been directly thrown to her.
She can't help it anyway.
But sometimes, she didn't like it. Dahil ayaw niyang nasasaktan ang mga friends niya.
Halos lahat ng mga kaklase ay bumati na sa kaniya, ngunit may isang babaeng nakaupo sa bandang likuran. Abala ito sa pagbabasa ng libro, na hindi man lang tumitingin sa dako niya.
"Sino siya?" taas-kilay niyang tanong sabay turo sa kinauupuan ng bagong mukha.
"Ahh, si Skylar Almonte," sagot ni Brian.
"Skylar?"
Tumingin rin dito ang mga kaibigan, nagtataka.
"Panglalaki ang name?" ani Loisa, naguguluhan.
Tumitig siya rito.
Naka-tali ang mahabang buhok nito. Magaganda ang mga kilay.
At nang mag-angat ito ng mukha at salubungin ang tingin niya, nagulat siya sa sobrang lagkit ng mga matang nakatingin sa kaniya.
Ngunit agad din nitong binalikan ang librong binabasa.
Napakunot-noo uli si Nicole.
Did she just ignore her?
Who the hell is she?
Nang pumasok ang class advisor nila, kinalimutan niya saglit ang tungkol sa ginawa ni Skylar na iyon.
---
Her heart almost burst out from her chest when she looked at her.
And she was silently praying to all the gods that she did it perfectly; hiding her true feelings.
"Kalma, Sky. Kalma, Sky," aniya sa sarili habang pinapahupa ang nararamdamang kaba.
Nicole Marie Ramirez.
That name was even more beautiful now that she finally met her.
When did she first hear that name?
Four months ago, from her Mom. Nang accidentally na-meet nito ang mother ni Nicole after twenty years.
Naging magkaklase ang mga ito sa high school.
At nang isinama siya ng ina para bisitahin ang kaibigan, that was when she saw Nicole's photo frame sa bahay ng mga ito.
Dark hair. Fair complexion. High-bridged nose. Fierce eyes. Kissable lips.
That was when she decided to transfer schools.
Isang araw nagpaalam na lamang siya sa mga magulang na gusto niyang lumipat ng paaralan. Ang tanging paliwanag niya ay ayaw na niya sa dating eskwelahan.
Kahit ang totoo, gusto niyang makita at malapitan si Nicole Ramirez.
Ang swerte niya dahil magkaklase pa sila.
And finally, it happened.
It took all her powers to hold herself from standing up and going straight to her, introducing herself and telling her how much she wanted to meet her and be close to her.
How badly she wanted to get to know her.
Ngunit effective naman ang kunwaring pag-snub niya rito. Tila natuon ang interest nito sa kaniya.
Mapalapit kaya siya rito?
Baka dahil sa ginawa, hindi siya nito bibigyan ng chance.
At kung sakali mang magkaroon ng chance na maging magkaibigan sila, paano niya maitatago ang totoong nararamdaman? At posible kayAt posible kayang kaibiganin siya nito kahit malaman nito ang tunay niyang pagkatao?
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...