TWENTY-SIX

1K 32 9
                                    


KINAKABAHAN si Sky habang seryosong kaharap ang mga magulang ni Nicole.

Hinawakan ni Nicole ang kamay niya, at nagpasalamat siya sa nobya dahil pinapalakas nito ang loob niya.

Matapos ang mahabang katahimikan, ngumiti ang ina ni Nicole. Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan ni Sky.

"Come, Sky, give me a hug," anito, na ikinagulat ni Sky. Akala niya makakatikim na naman siya ng masakit na salita mula rito.

Binitawan ni Nicole ang kamay niya saka siya tumayo at yumakap sa ginang.

"I'm sorry sa mga nasabi ko sa'yo noon, Sky. I was just protecting my daughter," anito.

"Ako po dapat mag-sorry, Tita. Naduwag rin po ako," aniya.

Tinapik nito ang likod niya. "Don't hurt my daughter again. Hinding-hindi na kita mapapatawad pa pag inulit mo pang saktan siya," anito nang tingnan siya sa mga mata.

"Promise po, Tita, aalagaan at hindi ko sasaktan uli si Nikki," pangako niya.

Tumango-tango ito.

"Tito," tawag niya sa ama ng nobya na nakatingin lamang sa kanila.

Seryoso itong sumagot. "Paano niyo kami mabibigyan ng apo?" seryosong tanong nito.

Muntik na siyang matawa dahil tama nga si Nikki. "Nasimulan na po naming bumuo kagabi, Tito," gusto niyang sagutin.

"Dad, ano ba," salo ni Nikki sa panahimik niyang bigla dahil hindi niya alam ano ang isasagot rito.

Nagkibit-balikat lamang ito. "Nagtatanong lang. Wala naman problema sa akin, Sky, kung nagmamahalan kayo ng anak ko. Kaisa-isa kong anak si Nikki, pero hindi ko siya puwedeng diktahan kung anuman ang gusto niya o kung sino ang mahal niya. Mahalin mo lang ang anak ko, katulad ng pagmamahal namin ng Mommy niya sa kaniya, magiging maayos ang relasyon natin."

Lumapit rito si Sky at kinuha ang kamay nito at nagmano.

Nagulat naman ang ama nito. "Pangako po, Tito. Wala po akong ibang gagawin kundi ang mahalin si Nikki."

Ngumiti na ang lalaki. "Mabuti naman kung ganun. Okay, I'm hungry. San tayo magla-lunch?"

---

YUMAKAP si Nicole sa bagong kasal na kaibigan. "I'm so happy for you. I love you, Loi. Congratulations."

Naluluhang gumanti ng yakap si Loisa sa kaniya. "Thank you, Nik. I love you too. Sunod kayo ni Sky ha?"

Natatawa siyang kumalas rito. Inakbayan siya ni Sky. "Susunod kami, Loi," sagot nito sa kaibigan.

Iniwan rin sila nito kasama ang asawa nito para mag-entertain sa mga bisita.

"She looks so happy," ani Sky.

Tumango siya.

"Tita-Ninang!"

Napalingon si Nicole sa tumawag at abot tenga agad ang ngiti nang makita ang guwapong mukha ni Xander.

Bahagya siyang yumuko para pisilin ito sa pisngi. "Yes, baby Xander. What can I do for you?"

"I'm not a baby anymore, Tita-Ninang," reklamo agad nito.

Natawa siya.

Lumapit sa kanila si Trisha. Naipakilala na niya kay Sky si Trisha noong gabing nasa bar sila.

"Kelan ang balik niyo sa Manila?" tanong nito.

"Mamaya, after reception. Sasabay na kami kila Mom at Dad," sagot niya rito.

"Sasama ka, Sky?" tanong nito sa katabi niya.

"Yes. It's time for me to face reality," seryosong sagot ni Sky.

𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️‍🌈𝐆𝐗𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon