Kanina pa siya hindi mapakali. Panay ang bukas niya ng mobile phone para tingnan kung may text messages na ba siyang natanggap.
Pero wala pa rin.
Malapit na mag-alas-diyes ng gabi.
Biglang nag-ring ang phone niya. May tumatawag sa number niya.
Sarah.
Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin ba niya o hindi.
Pinili niyang sagutin ang tawag. Baka importante ang sasabihin nito.
"Hello," aniya.
"Hi Sky. Sorry kung naistorbo kita," anang babae sa kabilang linya.
"It's okay. Napatawag ka?"
Tumingin siya sa suot na relo.
"Gusto ko lang sabihin na matutuloy ang practice natin sa Sabado."
"Oo, na-text na sa akin ni Coach Randy."
"Okay, good. Anong ginagawa mo ngayon?" pag-iiba nito ng usapan.
"Hinihintay ko tawag ni Nikki," sagot niya.
"Ahhhh, ganun ba. Nakaistorbo ba ako?"
"Hindi naman."
"Masyado kayong close ni Nikki ano?"
"Oo, since fourth year high school," sagot niya.
"Siya nga pala, pasyal ka naman minsan dito sa bahay. Bonding tayo minsan."
"Sure, bakit hindi. Kapag may time, pasyal ako sa inyo. Pero puwede bang isama si Nicole?"
Tumawa ang kausap.
"Hindi mo talaga maiwan-iwan si Nicole noh? Naiinggit ako sa closeness niyo."
"Malalim na kasi pagkakaibigan namin," aniya.
Napaisip siya sa sinabi. Mahigit apat na taon na silang magkaibigan ni Nicole. At hanggang ngayon, palihim pa rin siyang humahanga rito.
Paghangang mas lumalim sa paglipas ng mga taon.
"Then, good night na Sky. Hindi na kita iistorbohin," paalam ng kausap.
"Good night, Sar."
"Aasahan ko yung sinabi mo ha. Pasyal ka sa amin next time."
"Oo. Good night uli. Bye, Sar."
"Bye, Sky."
Pinindot niya ang end call button ng phone.
Bigla namang itong tumunog uli.
Tumalon bigla ang puso niya nang makita ang pangalan sa screen.
"Nikki," sagot niya sa boses na kunwaring wala sa mood.
"I've been calling you so many times. Busy ang linya mo," salubong ng galit na boses.
Nawala tuloy ang pagkukunwari niyang wala sa mood.
"Si Sarah tumawag. About sa practice namin sa Sabado," sagot agad niya.
"That long?"
"Ilang minuto lang naman. Huwag ka na magalit."
"Okay," pabagsak na sagot nito.
"So, kumusta ang date mo?"
"Ouch! That hurts!" aniya sa isip.
"It was okay. Henry is a gentleman, kind, and guapo, but I can't feel anything. It was boring. Iba pa rin kapag ikaw ang kasama ko."
Biglang nagdiwang ang puso niya sa narinig.
Nawala bigla ang naramdamang takot kanina habang kasama nito ay iba.
Takot na baka ang date na gusto nitong subukan ay mauwi sa totohanan at tuluyan itong magkagusto sa lalaki.
Hindi niya kayang mangyari yun.
"Bakit, ano pala pag ako ang kasama mo?"
Humiga siya sa kama at niyakap ang unan habang nakangiti.
"I'm happy, syempre. I can be myself whenever I'm with you. Hindi ako nabo-bored."
"Hindi ka naiinlove sa akin?" pabiro niyang tanong kahit na deep inside, yun talaga ang gusto niyang itanong.
"Sky!" tili nito. "Stop joking around."
Tumawa siya, ngunit may halong lungkot.
"Sorry, Nik, nagbibiro lang," aniya.
"But you know I love you, right?" anito.
"Oo naman, best friends eh," sagot niya.
Kaya wala siyang lakas ng loob magsabi rito ng totoo, dahil sa magiging reaksyon nito.
Kaya niyang tiisin na mahalin ito ng palihim, kaysa sabihin rito ang totoo at mawala ito sa buhay niya.
Kaya niyang tiisin ang sakit kapag nakikita itong pinapaligiran ng mga tagahanga nitong mga lalaki, pero hindi ang iwasan siya nito.
"Excited ka na ba sa bakasyon natin next month?"
"Yes, I'm excited," sagot niya na pilit tinatago ang sakit na nararamdaman.
"Hindi na rin mapakali ang tatlo."
Sina Patricia, Eliza, at Loisa ang tinutukoy nito.
"Kasama ba ang boyfriend ni Eliza?" tanong niya.
"Oo. Kaya nga hindi na mapakali si Eliza eh. This will be their first out-of-the-country vacation na magkasama silang dalawa. Next week na magpapabook ng hotel si Daddy for all of us."
"I can't wait," aniya.
"Mag-eenjoy tayo sa Bali. We need to get drunk and just have fun."
Baka puwede niyang lasingin si Nicole at sabihin rito ang totoong pagkatao niya? Baka sakaling hindi siya nito huhusgahan.
Napabuntong-hininga si Sky.
Sana nga ganun lang kadali.
BINABASA MO ANG
𝐎𝐍𝐋𝐘 𝐘𝐎𝐔- 🏳️🌈𝐆𝐗𝐆✔️
Romance𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗦 𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #𝟮 COMPLETED ***** Nicole gets lost in Davao after driving alone, with a dead phone, a broken-down car, and heavy rain leaving her stranded. Desperate for help, she flags down a passing car, only to discov...