CHAPTER 1

1.3K 74 3
                                    

CHAPTER 1: Who are you? (Day 1)


Elthon John Torres


Sino naman 'itong nag text sa akin? At paano nito nakuha ang number ko? Wrong send? Spam message? Grabe naman ang ka gwapohan ko. Pero sino ba kasi 'to replyan ko na lang pag tripan ko na lang rin.


From: Unregistered Number

"Sino ka?" tanong ko.

To: Unregistered Number

"Yehay! Pangatlo ka" malayong sagot niya sa tanong ko.

From: Unregistered Number

"Huh?" Sinilip ko ulit 'yung text niya at napanganga naman ako sa nabasa ko.


3rd-- magiging akin HAHAHA nag papatawa ba ito? Magiging sa kaniya ako? Hind ito spam message, pero paano niya nakuha ang number ko?




To: Unregistered Number


"I am Zandra Hi Elthon, See you tomorrow enjoy your night mwuaahh"


Is she serious? Come on bitch! Hindi ko na lang siya nereplayan bahala siya sa buhay niya binabawi ko na ang sinabi kong gusto ko siyang sabayan parang mas baliw pa ito sa baliw baka sa kakapatol ko dito ako ang mabaliw.



Zandra Kielce Santiago



Lunes ngayon at ito ang unang Araw ng pag lalandi ko sa kaibigan ng kapatid ko, hindi na rin ako nahirapan na hanapin ang room niya dahil same naman sila ng room ni Kuya. Nang mapunta sa tapat ng room nila agad namang napataas ang kilay ko ng makita ko 'yung Isang babae na nakayakap sa kaniya. May pag kalandi nga talaga.


"Hoy babae! Alam mo ba 'yang lalaking yakap yakap mo ay boyfriend ko?" mataray na sabi ko habang tinitingnan sila.

"Me?" turo niya sa sarili niya.

"Ayy hindi si Elthon" pelyong sagot ko, Tumingin ako kay kuya at kinindatan siya.

"Hi babe" bati ko sa kanya at hinila siya palabas ng room pero nag pupumiglas siya.

"Wait lang ikaw 'yung nag text sa akin?" tanong niya na nag tataka.

"Yep, and in one month you are mine" sabi ko at ngumiti pa ng matamis.

"What? Are you crazy?" gulat na tanong niya na patagong nag pangisi sa akin.

"Crazy sa 'yo" sagot ko at muling ngumiti.

"Diba ikaw 'yung kakambal ni Zandro?" tanong niya at ako naman itong hawak na hawak sa braso niya like ewww!

"Yes, ako nga babe" sagot ko at tumingin ulit sa kanya.

"Hatid mo ako sa room" aya ko at hinila na siya papunta kung saan ang room ko. Pinag titinginan kami pero wala akong pakialam sa kanila, nang makarating na kami sa tapat ng room nakita ko ang apat kong kaibigan at kinindatan ko naman sila.

"Hanggat akin ka hindi ka pwedeng mambabae" babala ko sa kanya bago siya iwan na mag isa.

"O.M.G!! Ikaw na talaga girl nasisiguro ko na wala pang one month nahulog na siya sa 'yo" bungad ni Stacey at Aime.

"So ito 'yung sinasabi niyo?" tanong ni Carla.

"Yep!!" sabay-sabay na sagot nina Stacey, Aime, Shena.

"Oww by the way Shena siguro simula ngayong araw muli ka nang liligawan ni kuya kaya be prepared" sabi ko at sakto namang dumating na ang teacher namin.


Elthon John Smith Torres you are going to be mine!


___


"Hi my beautiful twinnie" bati sa akin ni kuya ng makapasok ako sa kwarto niya.

"Tawag ka ni Daddy" sabi ko at nilayasan rin agad siya, mahirap na baka mag tanong na naman siya tungkol sa gagawin ko sa kaibigan niya.


From: Ej

"Good evening. Kain na Iloveyou." Text ko sa kaniya then I realize ang sweet ko palang maging girlfriend. Ilang minuto lang rin nag reply na siya sa akin na ikinangisi ko.


To: Ej

"Pwede bang tigilan mo ako? Kairita ka." Natawa naman ako sa reply niya napaka arte naman nito!


From: Ej


"Ayaw ko nga, see you tom. Mahal kita, te àmo, Iloveyou mwuah<3" mabilis na reply ko. Ilang minuto na akong nag hintay sa reply niya pero wala. Grabe naman 'tong si Elthon hindi ko malaman kung choosy o ayaw lang talaga sa akin.



(2nd Step)



"Sis what if si Zk ang mafall doon kay papa Ej? Anong mangyayari?" Tanong ni Stacey kay Aime.

"Ede talo siya, kasi ang usapan lang sa larong ito make him fall in love with Zk. Hindi ko sinabing si Zk ang mafall. Pero kung mafafall siya kay Elthon p'wede naman niyang e-close ang deal at ako naman ang panalo" sagot niya.

"So may punishment na naman para kay Zk?" tanong naman ni Shena at kung anu-ano pa ang pinag usapan nila kaya imbis makinig lumabas na lang ako para puntahan si Elthon.

"What the!" sabi ko at lumapit sa kalandian niya, sinamaan ko nang tingin 'yung babaeng humaharot kay EJ at 'yun natakot ang gaga. Nang makaalis na 'yung babae humarap naman ako kay EJ at siya naman ang sinamaan ko nang tingin.

"Diba sabi ko bawal kang mambabae hanggat akin ka!" Sabi ko sa kaniya na inirapan lang niya.

"P'wede ba wala kang pake kung mambabae ako! At una hindi ako sa 'yo! Pangalawa 'di ako papayag na pag bawalan mo ako sa kung ano ang gagawin ko." sabi niya sa akin at nakipag titigan naman ang mukong sa akin.

"Let me go" utos niya pero 'di ako umimik.

"Hindi ako sa 'yo kaya pwede ba tigil tigilan mo ako, ayaw kitang patulan dahil kapatid ka nang kaibigan ko" sabi niya at umiwas ng tingin eh? Takot ba ito kay kuya? HAHAHA hindi pa rin p'wede!

"No. Akin ka lang Elthon, hangaang 'di natatapos ang buwan na ito sa akin ka lang. 'Pag sinabi kong akin ka, akin ka at bawal kang lumandi sa iba." Sabi ko bago siya talikuran. Ang corny oo pero kailangan kong panindigan ang bagay na ito.






I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon