CHAPTER 3: First Date (Day 3)
Zandra Kielce Santiago
Kiniss ko siya. Hindi ko rin alam kung bakit. Nakakainis anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya? Pero bahala na ayain ko na lang siyang makipag date na boboring ako dito sa bahay. Wala rin naman siyang choice kapag naaya ko na siya. Na text ko na siya at tulad ng inaasahan ko nag reklamo pa siya pero in the end pumayag rin. Alas tres ng hapon ang usapan namin at ito ang unang araw na mag dadate kami. Magiging successful kaya itong plano ko ngayong araw o ako na naman ang talo? Bahala na si tadhana.
Elthon John Torres
Ang ganda niyang babae. Kaya 'di na ako mag tataka kung bakit ang daming nanliligaw sa kaniya. 'Di na ako mag tataka kung bakit maraming mga lalaki ang mapapanganga sa kanya. Pero sa likod ng kagandahan at katalinuhan niya siya lang at ang grupo niya siguro ang kinakatakotan nang mga studyante sa university. Tatlong beses na rin niya akong napatulog sa isang suntok lang. Kaya sa tuwing nakakasalubong siya ng karamihan talagang umiiwas sa kaniya, malaki rin ang respeto ng mga studyante sa kaniya dahil isa siya sa anak ng mayari ng Armiento University.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko ng makasakay siya sa kotse ko.
“Pupunta tayo sa isang lugar na maganda, pero parang mas maganda kung magiging tayo talaga” napangiwi ako sa sinabi niya at talagang nagawa pa niyang kumindat sa akin. Napailing na lang ako sa kaniya at pinipigilan na mairita. Naandito na kami Ngayon sa mall, inaaya nga niya akong mag rides pero inaya ko muna siyang kumain.
“The heck anong klaseng pag kain ‘yan?” Maarteng tanong niya habang titig na titig sa pag kain na nasa harap niya. Kaartehan naman nito.
“Gagawin mo ba akong hayop?” muling tanong niya na kinangiwi ko.
“Hoy babae gulay ‘yan, ‘di mo ikakamatay kapag kumain ka niyan.” Sagot ko at nag simula ng kainin ang pagkain ko pero ang nakakairita dito pinagmamasdan niya lang akong kumain.
“Kumain kana. Hindi tayo mag rirides kapag ‘di mo kinain ‘yang binili ko” sabi ko sa kaniya na inirapan niya lang.
“Zandra, hindi ka mabubusog kakatitig sa akin” sabi ko at tumawa naman siya.
“Busog na ako. Makita lang kitang kumakain feeling ko kumakain na rin ako.” Sabi niya habang nakangiti at tumingin naman ako sa kaniya na para bang nandidiri sa sinabi niya.
“Eat Zandra.” Mariing utos ko.
“No ayaw!” Sabi niya at para pang bata na umiiling uling.
“eat Zandra or else..”
“Or else what?” putol niya agad sa sasabihin ko.
“Or else i will eat you” nakangising sagot ko.
“Oh please, eat me Love” nakangiting sabi niya na ikinanganga ko. Gags! Kapatid ba talaga ‘to ni Zandro? Bakit naman ang lala ng sakit nito sa utak? Napairap na lang ako dahil na rin sa nakakairitang tawa niya. Next time dadala na ako ng tape para maitakip sa maingay niyang bunganga grabe makatawa na tingin sa amin ang ibang customer dahil sa bunganga niya hindi man lang mahiya!
“Kumain kana p’wede?” utos ko ulit.
“Oo kakain na, pero mukhang masarap kung ikaw ang kakainin ko” muli siyang humalakhak sa sinabi niya na mas lalong kinaiinis ko grabe pati kalandian walang preno!—
“Wahhh! Ang ganda na nakakatakot!” tili niya habang ako hanggang ngayon nag titimpi sa bunganga niya para siyang isip bata na hindi ko maintindihan, nakakapangsisi dahil pumayag pa akong makipag date sa kaniya! Ang dami naming trinay na rides maski mga laro sinubukan namin at tuwang tuwa naman siya ng makuha niya ang malaking T-T bear na napalalunan niya. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ito. Kung sa school palagi siyang nakasimangot ngayon kitang kita ko ang saya sa mukha niya at ito ang unang beses na nakita ko ‘yun so after all hindi rin pala nakakapangsisi na nakasama ko siya.
“Best night ever! Thank you Elthon. Thank you, you made my day” nakangiting sabi nito bago halikan ang pisngi ko at lumabas ng kotse ko. Grabe. Grabe talaga ang tinik ng babaeng ‘to. But yes Best night ever.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...