CHAPTER 13: In love
Zandra Kielce Santiago
Twenty days na pala. Twenty days ko na siyang niloloko at pinag lalaruan, pero bakit ganon? Bakit parang gusto ko na siya? 11 days na lang tapos na ang laro pero what if ngayon pa lang taposin ko na? What if sabihin ko na kina Stacy na ayaw ko na sa larong ito dahil gusto ko na si Zandra?
“Hi babe?” masayang bati ko ngumiti rin siya sa akin pero ramdam ko na may mali, pakiramdam ko may problema siya.
“Sino ‘yung kasama mo no’ng Friday?” biglang tanong niya pag sakay ko ng kotse niya.
“Si Calix, best friend namin ni Kuya simula bata. Why?” sagot ko at ngumuso naman siya kaya napangiti ako.
“Seselos ka ano?” tanong ko at tumawa ng bahagya.
“Eww.” Sagot niya na mas ikinatawa ko.
Elthon John Torres
Medyo nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na ‘yung Cal pala ay kaibigan lang nilang mag kapatid, no'ng tenext ko naman kasi si Zandro hindi siya nag reply sa akin. Nang makarating na kami sa bahay sinabihan ko muna si Manang na ipagluto kami ng Carbonara. Pag katapos non ay hinila ko si Zandra papunta sa kwarto ko at ni luck ko ‘yung pintuan tapos pag tingin ko nakahiga siya sa kama ko na naka dekwatro pa tsk parang lalaki kung humiga.
“Ganyan ka ba humiga sa inyo? Para kang lalaki.” Sabi ko at ng tumango inilingan ko siya tapos bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin.
“Ano? Mang hahalik ka na naman, nasa rules ‘yan.” Sabi ko at sinubukang umiwas sa kaniya pero mas lalo niya lang akong hinawakan at mas lumapit pa sa akin hanggang sa tuluyang na akong mahalikan. Hinawakan ko ang labi ko at tumingin sa kaniya.
“Kawawa naman ikaw lips, you’re being abused by this freak bastard.” Tumawa lang siya sa akin bago ako tuluyang iwanan. Grabe talaga ‘tong babaeng ‘to, pero paano ko kaya sasabihin sa kaniya na gusto ko na siya?
Zandra Kielce Santiago
Grabe, nakaka adik talaga ang labi niya, hindi nakakasawa e. Haayy buhay. Bukas na bukas sasabihin ko na sa kanila na e clo-close ko na ang larong ito, bahala na matalo. I’m taking this risk.
“Who is your first kiss?” biglang tanong niya habang sumubo ng Carbonara.
“Wow, ‘di ko alam may Q and A pala tayo. Ikaw.” Sagot ko habang sa pagkain rin nakatingin.
“Imposible.” Sabi niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Im not like you, kung sinu-sino ang ikinakama.” Umerap pa ako ng sabihin ko ‘yun. After my last relationship hindi na ulit ako tumanggap ng sunod na manliligaw, hindi dahil ayaw ko o broken pa rin ako, kundi dahil walang makakapantay sa kaniya but I think, ngayon meron ng hihigit doon.
After naming kumain nag movie marathon rin kami, talk and talk and talk and then eat again. Nagawa ko pa ngang mag basa ng libro ng kapatid niya hanggang sa tuluyan na akong umuwi ng bahay. And then I realize na I’m happy when I’m with him.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...