CHAPTER 14

618 34 9
                                    

CHAPTER 14: The Bet Is Over


Zandra Kielce Santiago


Maaga akong gumising para sabihin na kina Stacey na ayaw ko na, na susuko na ako sa larong ito at ang dahilan ‘yun ay dahil mahal ko na siya.


“Good morning guys.” Bati ko sa kanilang lahat, wala pang halos tao dito sa room kaya ngayon ko na sasabihin hoo kaya ko ito!

“May sasabihin ka ba?” tanong ni Carla na nag pabilis ng tibok ng puso ko.

“Ayaw mo na?” tanong ni Aime.

“Suko kana?” tanong naman ni Stacey.

“Kasi mahal mo na?” Sabi naman ni Shena na mas nag pabilis ng tibok ng puso ko. Umupo ako sa upuan ko at tumango sa mga tanong nila.

“Ramdam naman kasi namin Zk. The way you look at him, the way you smile at him ibang iba. Ganon ka rin tumingin at ngumiti kay Mark mas iba nga lang ngayon.” Sabi ni Aime.

“Yes. I love him na. Hindi ko alam pero nagising na lang ako gusto ko na siya e’ and alam niyo ‘yun gusto ko na ulit mag take a risk. Gusto ko na ulit buksan ang puso ko.” Sabi ko sa kanila.

“So. The bet is over?” tanong ni Aime na nakangiti kaya ngumiti ako sa kanila.

“Yes. The bet is over.” Sagot ko sa kanila at niyakap naman nila ako. Subrang saya. Subrang saya dahil meron akong mga kaibigan na kagaya nila.


Someone POV


Heto na ako, bumalik na ako at kukuhanin ulit kita. Whether you like it or not mapapasa akin ka ulit at hindi ako papaya na mapunta ka sa iba lalong lalo na doon sa Zandra. You’re mine, sa akin ka lang Elton.


Elthon John Torres


    Katatapos lang nang last subject namin sa umaga at dali-dali naman akong umalis ng room para sunduin na si Zandra sa room nila. Pababa na ako at ‘yun nakasalubong ko siya at tulad dati binigyan niya ako nang isang malaking ngiti, ‘yung ngiti na nakakaganda lalo sa kanya, ‘yung ngiti na pangalawa sa minahal ko sa kanya ‘yung ngiti na nakaka good vibes. Bumaba na ako at nginitian din siya tapos bigla naman niya akong niyakap kaya gumanti rin ako ng yakap sa kaniya.


“Anong meron? Ang saya mo ata? Mamaya mang halik ka na naman ah” tanong ko sa kaniya at tumawa pa.

“Bakit masama bang maging masaya kasi nakita na kita?” balik na tanong niya.

“You and your words.” Sabi ko at inilingan siya grabe talaga mag pakilig ang babaeng ito.  Ako na ang nag order ng kakainin naming dalawa pero sa hindi inaasahan makakasabay ko pa ‘yung Cal.

“What?” tanong ko sa kaniya dahil titig na titig ito sa akin.

“Do you like her?” tanong niya.

“No. I love her “ simpleng sagot ko at tumango naman siya.

“If you hurt her, I swear you’re going to hell.” Sabi nito sabay talikod sa akin. Hindi ko tuloy siya nasagot na wala akong balak saktan ang kaibigan niya kasi balak kong pakasalan si Zk, maybe not now but soon.

“Tagal mo naman!” napangisi ako sa sinabi niya ng ilapag ko ang kakainin niya napakaikli talaga ng pasensya ng babaeng ito.

“What if biglang ayaw ko na sa set up natin?” biglang tanong niya sa gitna ng pag kakain namin, mukhang seryoso rin siya kaya nakipagtitigan ako sa kaniya.

“Bakit? May problema ba?” tanong ko pabalik.

“Wala naman, na realize ko lang na ayaw ko na.” pinagloloko ba ako ng babaeng ito? Anong ayaw na niya?

“Ayaw mo ng ano?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa kaniya.

“Ayaw ko na ng ganitong set up, gusto kong totohanin na.” sagot niya na nag patigil sa akin.

“Totohanin? As in gusto mong gawin nating totoo ang relationship natin?” gulat na tanong ko.

“Oo. Let’s end this fake relationship and do the right thing. I like you Elthon.” Napakurap kurap ako sa sinabi niya, prinoproseso parin bawat katagang binanggit niya.

“What.. I mean. Zandra dapat ako ang nag sasabi niyan at tulad mo gusto rin kita. Gustong gusto.” Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin siya, hindi ko akalain na mapupunta kami sa ganitong setwasyon. We both like each other. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam.


Isang kasunduan lang pero nag mahal ako. Isang kasunduan lang pero muli akong naging totoo sa sarili ko and now this kasunduan is over.

    


I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon