CHAPTER 9: Inlove.
Elthon John Torres
“Akala ko ba bati na tayo?” tanong ko Kay Zandra. Apat na araw na niya akong Hindi pinapansin nakakairita.
“Oo nga bati na nga tayo.” simple na sagot niya.
“O? Bakit mo ako iniiwasan?” muling tanong ko tapos sagotin ba naman ako na busy siya. Saan? Saan siya busy?
“Date na lang tayo?” Aya ko kaya tumingin siya sa akin.
“Sa linggo?” tanong niya kaya ngumiti na ako akala ko pa naman tatanggi siya.
“Oo.” Sagot ko at tumango naman siya at ngumiti sheet ‘yung puso ko!
“Baby, bakit ganyan ka, bigla kang naging ganyan? Naging sweet ka bigla?” tanong niya kaya napaurong naman ang dila ko ano nga ba ang rason? Gusto ko na ba talaga ‘to?
“Wala naman, normal lang naman ito ah” sagot ko sabay tingin sa ibang gawi. Nang muling tingnan ko siya nakakunot ang noo niya at masama ang tingin sa akin. Napaka iksi talaga ng pasensya nito.
“Galit ka na naman. Normal lang naman talaga ang ganitong gawain ng boyfriend ah, hindi mo ba gusto? Saka hindi ko rin alam kung bakit ako ganito sa ‘yo e ang sama nga ng ugali mo.” Sagot ko na mas lalong nag pakunot ng noo niya.
“Ede alamin mo.” Sabi niya sabay tayo at iniwan ako. May tupak ang babae, wala sa mood.—
“Pare umamin ka nga sa amin. May gusto kaba kay Zandra?” tanong ni Kenly kaya napatingin naman ako Kay Zandro.
“I don’t know, hindi ko alam” sagot ko. Maski rin naman kasi ako hindi malaman kung gusto ko ba siya, nag tataka na nga ako sa ikinikilos ko pag dating sa kaniya e.
“Mahal mo pa ba si Jea?” tanong ni Noah sa akin kaya tumingin rin ako sa kaniya.
“Hindi lol!” sagot ko. All this years alam kong nakamove-on na ako.
“Bakit hindi mo alam kung gusto mo si Zk?” tanong ni Zandro kaya napangiwi ako.
“Hindi ko alam. Basta kapag kasama ko siya kinakabahan ako, minsan hinahanap hanap ko siya at hindi ko alam kung bakit basta!” sagot ko sa kanila at panay tukso naman nila ako na talagang gusto ko na raw si Zandra. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko pero kung sakaling tama sila. I’m willing to take a risk for Her.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...