CHAPTER 15

625 42 10
                                    

CHAPTER 15: Kiss In The Sunset



Zandra Kielce Santiago


Katatapos lang ng last subject namin at napag-usapan namin ni EJ na tatambay muna kami bago niya ako ihatid pauwi, habang nag hihintay ako dito sa labas ng gate may nakita akong isang babae. Maganda siya pero mas maganda ako, matangkad siya pero mas matangkad ako, morena siya at sexy siya pero mas sexy ako. Imbis tingnan siya sa ibang dereksyon ko na lang tinuon ang paningin ko.


“Hi.” Bati sa akin nitong babaeng pinupuri ko kanina, ano namang kailangan nito?

“O?” sagot ko sa kaniya.

“Alam mo ba kung saan ang room ni El–“ naputol ang sasabihin niya ng may tumawag sa kaniya.

“Ma’am Jea, ayos na po ang kotse.”

“Ah, sige una na ako.” Aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa like wtf? Pero dahil sumulpot na rin agad si Elthon nawala na ang inis ko doon sa babae.

“Saan mo gustong pumunta?”  tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin.

“Nood tayong sunset?” tanong niya pabalik na ikinatango ko. Nang makarating kami sa destination namin unang una kong ginawa ay nag picture, nag kuha akong picture ko, picture niya at picture naming dalawa. Yes, new memories with him na naman.

“Malapit na.” aniya kaya napatingin na rin ako sa kaulapan. Kasabay ng alon mas lalong gumaganda ang paligid, pakiramdam ko rin tuloy cinocomfort ako ng paligid. Tumingin ako kay Elthon at titig na titig naman siya sa papalapit na pag lubog ni Haring araw, ang sarap pag masdan ni Ej, mas lalo ko tuloy siyang minamahal.

“Elthon..” tawag ko sa kaniya at ng tumingin naman siya sa akin nabigla ako ng bigla niya akong higitin palapit sa kaniya at hinalikan ako. Shit, ito ba ‘yung sinasabi nilang kiss in the sunset?

“Ikaw ah nabigla ka.” Tumawa pa ako ng bahagya sa sinabi at nilagay naman niya ang ulo niya sa balikat ko.



Elthon John Torres


    Nagising ako sa ingay ng aking telepono tsk! Sino ba itong isturbong ito?

“Hoy ang aga-aga tumawag k? Wala ka bang utak at tatawag ka ng ganito maaga?!” Bulyaw ko sa kabilang linya.

“The hell kuya! This is Sabrina!” napabalikwas naman ako ng malaman kong kapatid ko pala ang tumatawag.

“Oh? I’m sorry pero Sis it’s four o’clock palang!” inis na sabi ko.

“Uuwi na kasi ako ulit, mommy want me to go home na naman.” Kung anu-ano pa ang dinaldal niya hanggang sa mag alas singko kaya ako heto sabog na sabog argh! Kainis!



Pag dating ko sa room itong mga kutong lupa kong kaibigan pinag tatawanan ako ke kuno mukha raw akong zombie tss hiyang hiya naman ako sa mga pag mumukha nila.

“Ayos lang, pogi pa rin.” Sagot ko sa kanila.

“C’mon naimbento lang naman ang salitang gwapo ng maging kaibigan niyo ako.” Sabi ni Kenly kaya nag kunyare naman akong umubo.

“Lakas ng hangin ah” Sabi ni Zandro na ikinatawa namin.

“Pero ang tanong bakit kanina pa tahimik ang Noah?” tanong ni Dexter kaya napatingin naman kami Kay Noah.

“It’s about Jea.” Sagot niya kaya naging seryoso ang lahat sa amin.

“What about her?” tanong ni Zandro sabay tingin sa akin.

“She’s here. Noong isang araw pa siya umuwi ng Pilipinas.” Muling sagot ni Noah.

“Pumunta rin siya sa bahay at balak ka niyang balikan no matter what happens.” Dagdag pa niya kaya napatiim bagang naman ako.

“Kung balak mong balikan si Jea, Ngayon palang sinasabi ko na sa ‘yo, umalis kana sa buhay ng kapatid ko.” Sabi ni Zandro kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

“Wala akong balak balikan si Jea, at mas lalong wala akong balak na iwan ang kapatid mo.” Sagot ko at tumango na lang naman siya sa akin.


Malaking gulo ‘to sa Oras na nang gulo si Jea, kilala ko ang babaeng ‘yun gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto. Pero alam kong lalaban si Zk at ilalaban ko si Zk

    


I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon