CHAPTER 22: I love you
Zandra Kielce Santiago
Hanggang ngayon ‘di ko expected ang mga nangyari kahapon, ang saya, at sa tagal ng panahon hindi ko akalain na mag mamahal pa pala ako. Maaga kong ginising ang kapatid dahil sasamahan niya ako sa Veterinary.
“Hoy Zk hintayin mo ako!” sigaw ng kapatid ko na inirapan ko lang, napakabagal kasi. Haayy ilang Oras ko pa lang na hindi nakakasama si Ej pero namimiss ko na agad siya.
“Good morning Dr. Sancho.” Bati ko sa Doctor ni Veronica at iniwan na rin ito.
“Sa tingin mo ilan ang anak ni V?” tanong ng kapatid ko.
“Don’t know, next week pa siya e o-ultrasound.” Sagot ko naman.
“Bata pa ni V para mabuntis, bakit kasi sa rami ng pag mamanahan sa amo, kalandian pa.” tumatawang sabi nito kaya sumuntok ko naman siya.
Dalawang araw na lang birthday na ni Aime kaya after naming mag pa vet, nag punta kaming mall para na rin bumili ng regalo at ng damit.
“Anong mas bagay Red or Grey?” tanong ko kay Kuya habang siya nag susukat ng Grey Tuxedo.
“Okay lang naman sa ‘yo ang grey pero parang mas bagay ang red pero hindi naman ikaw ang may birthday para mag red.” Sagot niya kaya namili ulit sko ng ibang dress, walang color theme ang party ni Aime kaya available lahat ng kulay pero Tama rin naman siya hindi ako ang birthday girl para mag red.
“Fitted or not fitted?” tanong kong muli at ipinakita ang dalawang blue dress.
“Fitted.” Simple na sagot niya at after namin mag pa mall umuwi na rin kami at sa pag uwi naman namin unexpected na nasa Sala si Elthon.
“O? Andito ka ba’t hindi ka nag chat or text sana naka uwi kami ng maaga ni Kuya.” Sabi ko sa kaniya ng mayakap siya. Kinuha ni ang dala kong gamit at nag paalam na uuna na sa taas.
“Pinapasundo ka kasi ni Sab saka want ko rin na e surprise ka.” Nakangiting sagot nito. Nag paalam na ako sa kapatid at kay Nanay na aalis na muna at tulad ng inaasahan ko pag dating ko sa bahay nila mag papatulong si Sab mag bake.
“Ang ganda naman ng future wife ko.” Sabi ni Ej na kinangiti ko.
“Yabang.” Sabi ni Sab kaya natawa naman ako at napatitig kay Ej. Ano kaya ang mangyayari if malaman ni Ej ang totoo? Magagalit ka? Of course. Pero totoo naman na mahal ko siya gusto ko mang sabihin sa kaniya pero nawawalan ako ng lakas ng loob.
“Can I kiss you?” tanong niya na ikinabigla ko. Bigla akong kinabahan, pakiramdam ko kapag nalaman niya ang tungkol sa pusthan bigla niya akong layuan at iwan.
“I love you.” Wala sa sariling sabi ko at niyakap siya nag taka pa nga at napatanong kung anong problema pero isang iling na lang ang ibinigay ko at muling mahigpit na yumakap.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...