CHAPTER 4: The Bad Girl orders. (day 4)
Aime Vega
Apat na araw na ngayon ng punishment ni Zk, Hmm kumusta kaya 'yun?
“Hi dad I need to go bye.” Paalam ko sa Daddy. Mag ti-time na pero mga wala parin ang mga kaibigan ko kahit kailan talaga ang kukupad nila kumilos. Habang busy ako sa pakikipag kwentuhan napatitig ako sa crush ko, maya-maya lang rin nakisingit sa usapan ang taong patay na patay kay Zk. Sabagay sino ba naman ang hindi mag kakagusto sa kaniya? She’s perfect enough. Mayaman, maganda etc. pero sa tingin pa lang niya talagang katatakotan na. Ako aaminin ko takot rin ako sa kaniya, hindi mo talaga gusta na makalaban siya. Pero sa amin siya lang ‘yung ayaw makipaglaro sa love para kasi sa kaniya dapat pag dating sa love dapat seryoso ka kasi minsan daw ‘yung taong niloloko natin ‘yun daw ‘yung taong para sa atin.
“What the fuck? Anong ibig sabihin niyan? Bakit kasama ni Zandra ‘yang Elthon na ‘yan?” takang tanong ni William kaya napatingin naman ako sa gawi ng kaibigan at napangisi ako ng makitang naka akbay si Elthon kay Zk.
“It’s her punishment.” Walang ganang sagot ko.
“Punishment?” parehong tanong ni William at Alfred.
“Yep one month lang naman kapag nag I love you back na si Elthon tapos na ang game” sagot ko sabay kabit balikat.
Elthon John Torres
“Nag da-date ba talaga kayo ni Zandra?” tanong ni Samantha. Tumango ako sa kaniya at nakita ko naman ang naiinis niyang Mukha.
“Ang unfair mo. Bakit ako inayawan mo? Bakit sa masamang babae ka pa pumatol?” inis na tanong niya.
“Bitch, watch your words.” Agad na singit ni Zandro. Gustohin ko mang mambabae hindi p‘wede dahil ‘yun ang utos niya.
“Tandaan mo Elthon. Bawal kang mambabae dahil kapag nahuli pa kitang may kalandiang iba lagot ka talaga sa akin.” Sabi niya habang nasa ferries wheel kami. Mag sasalita na sana ako para mag reklamo pero inunahan na niya ako.
“‘Wag ka ng mag reklamo this is an order of the beautiful Bad girl mwuah I love you.” Argh bwesit na babae na ‘yan!
Zandra Kielce Santiago
Sometimes, love make you shit, but love make your life colorful also. Depende kung paano ka mamahalin ng taong gugustohin mo. Pero karamihan gago ang pinipili ano bang mapapala nila sa gago? Lulukohin sila? Sasaktan? Nah nasan ang pag mamahal doon? Habang nag lalakad papasok ng University napamsin ko ang isang babae na masama ang tingin sa akin, I forgot her name but she’s the Campus Queen epal naman ‘tong babaeng ito, akala mo maganda para samaan ako ng tingin.
“What?” Tanong ko dahil hinarangan niya ako sa dinadaanan ko.
“Bakit kayo nag da-date ni Elthon?” napangiwi naman ako sa tanong niya. As if naman gusto kong e date ang lalaking ‘yun.
“Dahil girlfriend niya ako.” Walang emosyon na tanong ko.
“What?! You’re in relationship with him?! Kailan pa?!” iritadong tanong niya.
“I think it’s none of your business.” Sagot ko.
“He’s mine bitch! Hindi siya magiging sa ‘yo!” Sigaw niya na inirapan ko naman attention seeker.
“Hindi mo siya pag mamayari. He is not yours and will never be your dahil akin lang siya tanga!”
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...