CHAPTER 12: The Mysterious Man
Zandra Kielce Santiago
Ang tagal naman ni Cal naiinip na ako kakahintay sa kaniya! 30 minutes na akong nag hihintay wala pa rin siya!
“Kiel!” napatingin naman ako sa kung sino ang tumawag. Argh salamat rin dumating na ang pagong!
“What the hell! Bakit ang tagal mo? Malalate na tayo!” salubong ko sa kaniya.
“Chill! Ganyan ba batiin ang isang Calix Axfel Domingo? Nakaka disappoint ah.” Sabi niya na ikinairap ko.
“Ewan ko sa ‘yo!” Bulyaw ko na naman. Nag lakad na kami papunta sa room tapos umakbat naman siya sa akin at kung anu-ano pa ang sinabi.
“Jay!!” Biglang kumawala sa pag akbay sa akin ni Cal ng makita ang kapatid ko.
“Cal!!” at ayon nag yakapan na ang dalawa at bigla rin naman akong hinila ni Cal.
“Buti pa si Jay niyakap ako ikaw hindi.” Kumalaw ako sa pag kakayakap sa kaniya.
“Yuck! Stop pouting para kang duck! Bahala nga kayo diyan!”
Elthon John Torres
Napahinto ako sa pakikipag kwentuhan sa kaibigan ng makita ko si Zandra na may kaakbay na lalaki at mas nabigla pa ng tumakbo si Zandro papunta sa gawi nina Zandra. Cal? Ito ba ‘yung katawagan ni Zk no’ng nakaraan? Anong relationship nila? Bakit kailangan niyang akbayan si Zk at bakit nag paakbay naman itong babaeng ito hindi niya ata tandan ang rule number 3. Mukhang hindi niya rin ako napansin dahil hindi siya tumingin sa gawi ko mukha rin siyang wala sa mood. Natapos ang klase na hindi ko siya pinansin, hindi niya ako pinansin kanina hindi ko rin siya papansinin. May dumating lang na asungot ‘di na niya ako nakilala ni hindi niya nagawang e text o e chat ako tapos kung makipag tawanan siya doon sa Cal parang ewan! Umuwi rin ako sa bahay na hindi niya ako nagawang kausapin! Tapos ngayon mag tetext siya ano pang gabi na ba ako? Christmas light lang? Nakailang text at tawag siya pero hindi ko pinansin. Kahit alas dose na ng madaling araw tenext ko pa rin si Zj para tanongin kung sino ‘yung Cal.
To. Zandra
Tulog na ako bahala ka diyan pasuyo kang masyado.
What? Pasuyo? Ako pa? Ako na nga ang hindi niya pinansin tapos ganito e tetext niya? Wow! Pero kahit ganito gusto ko na siya mag take a risk for her.
Pupunta ako ngayon sa bahay nina Zandra pero kung kailan malapit na ako sa bahay nila may nakita akong pumarada na kotse at nakita ko rin si Zandra na naka abang at mas kinaiinis ko pa ng makita ko kung paano sila mag yakapan. Mag kaanu-ano ba ang dalawang ‘yan?! Bahala na nga sila pupunta na lang ako kina Ken.
“Pre, alam mo ‘yung salitang katok?” inis na tanong niya sa akin.
“Ikaw nga alam mo, syempre alam mo rin.” Inis na sagot ko pabalik.
“Alam mo naman pala bakit hindi ka kumatok?!”
“Galit na galit bakit nag aano ka ba? May ginagawa kang milagro no?” nakangising tanong ko.
“Fuck you!” tumawa naman ako dahil sa sinabi niya.
“Andito ka? Dahil ‘yan kay Zandra no? Nag seselos ka don sa Cal.” Nilapag ni Ken ang bote ng beer at umupo sa harap ko.
“Sort of. Ewan ko ba nakakaselos na. Pare mahal ko na nga talaga siya.” Sabi ko habang nakapikit ang mata. Nakakainis mag mahal.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...