CHAPTER 19

600 39 2
                                    

CHAPTER 19: I don’t want to lose her


Zandro Jay Santiago


What the heck! Anong nangyayari sa kapatid ko? Bakit parang nag iba ugali no’n? O maski pag bago ng ugali niya e gawa gawa lang ng grupo niya?


“Twinmie! Nag text sa akin sina Daddy next month na raw sila makakauwi. Anyways uuwi kana ba?” tanong niya sabay ngiti sa akin. Nakakakilabot naman ang babaeng ‘to!

“Oo uuwi na? Saka p’wede ba ayosin mo nga ang pag sasalita mo para kang tanga!” iritang sabi ko at tumawa naman siya.

“Bakit kaya ang sama ng ugali mo? Hindi ka gumaya sa akin, good girl” nakangiting sabi nito sa akin na siyang nag pangiwi sa akin. Lakas ng tama ng kapatid ko ‘di naman siguro ‘to nag dru-drugs.

“Lakas ng tama mo! Amakana!” Sabi ko sa kaniya na kinahalakhak niya.

“Sama talaga ng ugali mo! Iuwi mo na nga lang ako.” Aniya sabay pasok ng kotse ko. Pero tulad ng inaasahan ko gusto niya munang pumunta sa mall, mabili raw ng aklat, tss ‘di pa mag labo ang mata nito kakabasa! Habang nag lalakad naman kami papunta sa loob ng book store napapailing na lang ako sa pag lalakad ni Zk, patalon-talon parang bata! Kakainis! Habang hinihintay naman siya na makabili ng aklat niya napanganga ako sa nakita ko, si Elthon at si Jea mag kayakap.

“Anong ibig sabihin niyan Elthon?” tanong ko sa sarili at pinagmasdan ang dalawa. Putangina nag che-cheat ba ang gagong ‘yan sa kapatid ko?!

“Zandra, bakit ka pala hindi hinatid ni Ej?” tanong ko sa kapatid.

“May lakad raw siya why?” tanong pabalik na siyang nag pakuyom ng kamao ko.

“Nothing. Bilisan mo na diyan.” Sagot ko habang iniisip ang kagagohan ni Elthon.


Third Person Point Of View


“Paano ‘yan pare?” tanong ni Ken kay Elthon.

“Hindi ko rin alam, basta ginagawa ko ito para sa kaniya.” Sagot ni Elthon.

“Pero alam mong sa gagawin mo mas masasaktan mo lang ang kapatid ko.” Walang emosyon na sabi naman ni Zandro.

“Matigas ang ulo ng kapatid mo, at hindi rin siya basta basta maniniwala kaya ‘yun ang pinaka best way para layuan ako ni Zandra.” Sagot naman ni Elthon.

“Bakit kasi nangyayari ang bagay na ito? Pero mahihirapan naman tayo kung kakalabanin natin ang taong ‘yun.” Sabi ni Dexter.

“I don’t want to lose her. Pero kailangan para rin sa kaligtasan niya.” Sabi ni Elthon at tiningnan ang larawan ng babaeng mahal niya.



Zandra Kielce Santiago



Ngayon ako ipapakilala ni Ej sa kapatid niya, medyo kinakabahan ako dahil baka hindi ako magustuhan pero nevermind na lang.

“Where here na.” sabi ni Ej kaya napabuntong hininga naman ako.

“Kaya ko ‘to!” Sabi ko at tumawa naman si Ej.

“Chill, ‘di naman nangangagat si Sab.” Nakangiting sabi ni Ej. Nang makapasok sa bahay nila agad kong nakita ang babaeng mahaba ang buhok at kamukhang kamukha rin ni Ej.

“Omg! Ang ganda mo!” Sabi nito sabay takbo papunta sa akin at niyakap ako.

“Sab! Ang Oa mo!” Sabi ni Ej kaya binitawan naman ako ni Sab kaya napangiti ako.

“Hi ate! Alam mo ba na lagi kang kenekwento sa akin nito ni Kuya? And wow! Super ganda mo sa personal para kang model!” aniya na kinatawa ko.

“I’m Zandra. You’re pretty too.” Sagot ko at tumawa naman siya.

“Luh? Syempre maganda ako alam ko na ‘yun ano ka ba!” aniya. Grabe ang daldal pala ng kapatid ni Ej. Napakagaan sa pakiramdam na sa una naming pag kikita mag kasundo agad kami. Marami rin kaming similarities lalong lalo na sa pag babasa ng libro. Naging maganda ang hapon ko nag bake pa nga si Ej ng cake, nag movie marathon rin kami, swimming sa pool at kwentohan. Sarap rin pala sa pakiramdam na may bunsong kapatid. Nag pakwento rin ako about kay Jea at ayon tago rin pala ang ugali ng babaeng ‘yun. Pero para sa akin mahirap kalimutan ang first love, pero mukhang naka move on naman na si Ej kaya nevermind na lang.





I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon