CHAPTER 5: Love Quarrel
Elthon John Torres
Napapikit ako ng mariin ng may biglang yumakap sa akin, bigla na ring kinabahan dahil mamaya makita ako ni Zandra ede lagot ako d’on.
“P’wede ba bitiwan mo ako?” iritadong sabi ko sa babaeng ito, gusto ko itong ganito pero lagot naman ako sa kapatid ni Zandro!
“Ano ba Ej, ‘wag ka ng maarte alam kong gusto mo rin ito.” Sagot niya sa akin kaya pinalibot ko naman ang paningin ko at napanganga ng makita ko si Zandra na nag lalakad palayo panigurado nakita niya ang eksinang ‘to. Malakas kong tinulak si Jessa at tumakbo para habolin su Zk. Kainis naman o mahirap pa naman suyuin ang mga babae. Saan ko hahanpin ang babaeng ‘yun?!
Nang pumasok sa isip ko 'yung rooftop agad akong tumakbo patungo doon sana andon siya. Nang makarating na ako sa tapat no'ng pinto ng rooftop nag habol muna ako nang hininga kasabay ng dahan-dahan na pag bukas nito. Then I saw her, nakahiga siya sa malilom na gilid.
“Galit ka?” biglang tanong ko at ng tumingin siya sa akin kita ko naman na nagulat siya mukhang hindi niya inaasahan na susundan ko siya pero ayon muli siyang humiga at hindi ako sinagot.
“Oy, ‘wag ka ng magalit. Sorry na.” Nakagat ko pa ang ibabang labi ko ng sabihin ko ‘yun sa kaniya bakit ko ba sinusuyo ‘to?
“Ang sweet niyo kanina ng babae mo.” Sabi niya at umupo na.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Nakikipag laruan sa ‘yo? Elthon seryoso ako. Seryoso ako na gusto kita pero hindi ka marunong sumunod sa mga gusto ko.” Napakurap kurap naman ako sa biglang pag sabi niya noon.
“I hate you. Ang sama ng ugali mo. I hate you Elthon but my love for you won’t fade easily just because I hate you. Tinamaan na ako ng malala sa ‘yo.” Muli akong napakurap ng mag salita siya, hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko seryoso siya sa akin, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Zandra Kielce Santiago
Nasabi ko ang mga ‘yun sa kaniya?! OMG bakit ang corny?! Gusto kong masuka sa mga pinagsasabi ko eww derti! Iniwan ko siyang mag isa at tulala hindi ko rin kasi kayang manatili doon dahil nag sisisi ako sa mga pinagsasabi ko para akong mangingisay sa tuwing naaalala ko ang mga lintik na kalandian na sinabi ko!
“Ang aga Zk para sumimangot ka.” Napairap naman ako sa sinabi ni Carla.
“May problema ka ba?” tanong naman ni Aime habang nag lalagay ng liptin sa labi niya.
“Nahihirapan na ako kay Elthon. Kahit anong landi ang gawin ko makikita at makikita ko pa rin siya na may kayakapan na babae, napaka babaero niya nakaka turn off!” reklamo ko sa kaniya na tinawanan naman nila.
“So anong plano mo? Susuko ka na ba o lalaban pa?” tanong ni Aime sa akin. Kapag sumuko ako matatalo na naman ako sa pustahan pero kapag pinagpatuloy ko baka naman masiraan ako ng bait ng dahil sa lalaking ‘yun. Bumuntong hininga ako at tiningnan sila.
“I am Zandra Kielce Santiago, wala akong inuurungan syempre laban pa!” get ready Elthon, ipapakita ko sa ‘yo kung gaano tayo kabagay.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...