CHAPTER 11: Friends.
Zandra Kielce Santiago
Haayy salamat tapos na rin ang event, masama ang tingin sa akin ng mga magulang ko pero nginitiaan ko na lang sila. Habang ang mga kaibigan ko tuwang tuwa sa nangyayari at nagawa pang ayain ang grupo nina kuya na sumama sa amin sa pag kain sa isang restaurant.
“Hoy pare naman upuan ko ‘yan!” Sabi ni Noah kay Kenly. Kung alam ko lang na ganito sila kagulo kasama hindi na ako pumayag na kasama ang mga ito.
“Sa kanan ako ah” sabi naman ng kapatid ko na ikinailing ko.
“Hoy mga bakulaw! P’wede ba hinaan niyo naman bunganga niyo ang iingay niyo hindi ba kayo nahihiya?!” Sabi ko at tumahimik naman sila pero muli akong napa irap sa muling pag iingay nila daig pa mga bata!
“Oy paabot no’ng tinidor.” Utos ni Kuya na ibinigay naman ni Dexter.
“Paabot rin ng tissue.” Utos naman ni Noah kay Kenly.
“May kamay ka abotin mo mag isa” Sabi sa kaniya ni Kenly kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko at napapikit na lang sa reaction nila tila hindi rin makapaniwala na ganito kagulo ang mga basugalirong ito.
“Itatahimik niyo ‘yang mga bunganga niyo o lalagyan ko ‘yan ng tape?” inis na sabi ko sa kanila.
“Harsh mo naman Mommy!” pabirong sabi ni Ken na tinaasan ko ng kilay.
“May sinasabi ka Chinito?” ang akala mo babae sa subrang daldal.
“Chi-chinito?” tanong niya.
“Halfy Japanese, half Hito.” Biglang singit ni Stacey.
“What?!” tanong ni Ken sa kaniya tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan ko.
“What? Don’t get me wrong kamukha mo naman kasi talaga‘yung hito.” Sabi ni Stacey na nag patawa sa bawat grupo.
“Manahimik na nga kayo, Shena e order mo na lahat ng gusto mo ako na mag babayad ng para sa ‘yo.” Sabi ni Kuya Kay Shena na ikinangisi ako.
“Stacey can I get your number?” tanong ni Dexter.
“Sorry wala akong sim e.” simpleng sagot ni Stacey.
“E ikaw Carla baka p’wede ko makuha number mo?” tanong ni Noah at masama naman siyang tiningnan ni Carla.
“Ililibing muna kita ng Buhay bago ko ibigay number ko.” Natawa naman kami sa isinagot ng kaibigan.
Kahit papaano masasabi kong masaya pa rin silang kasama kahit subrang gulo at ingat nila, sila rin ang nag bayad ng kinainan namin, hindi ko akalain na sa mga katarantadohan na ginagawa nila may ganito silang side. Mukhang mag kakasundo kaming lahat.—
“Zandra ano ‘yung pinagsasabi mo kanina sa stage?” salubong na tanong sa akin ni Daddy. Tumingin ako sa pwesto ni Mommy at mukhang nag hihintay rin siya ng isasagot ko.
“Boyfriend niya ‘yun Daddy.” Si kuya ang nag sagot.
“Boyfriend? Ikaw ang nanliligaw?” gulat na tanong ni Mommy.
“No! Of course not!” sagot ko sa kaniya.
“Hayaan mo na Hon, for sure alam niya ang ginagawa niya. How about you Zandro may girlfriend kana ba?” tanong ni Dad.
“Wala turpe ‘yan e.” nakangising sagot ko.
“Gwapo naman.” Sabi niya sa akin na ikinairap ko. Kung anu-ano pang biruan ang ginawa naming pamilya na mas lalong nag pasaya sa akin. This family this is my home. My life and my everything.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...