CHAPTER 7

800 41 2
                                    

CHAPTER 7: The Rules (Day 8)


Zandra Kielce Santiago


Habang nag kakain ako ng tanghalian bigla na lang nag ring ang phone ko at hindi lang kung sino ang tumawag si honey sweetypie my lovely babe ang tumawag sa akin at himala nag first move ang kupal nag ayang mag simba e hindi naman ako nag sisimba! Pero  mas mabuti na rin ‘yun para naman ‘di ako maboring.


Napanguso ako ng makita kong motor ang dala niya. Sira raw kasi ang kotse niya kaya nag motor na lang siya.


“Mag sisimba lang ba tayo, hindi ba tayo mag dadate?” tanong ko ng makaangkas sa motor niya.

“Church Date tayo” sagot niya kaya napa nguso naman ako.

“Hoy Pare! Iuwi mo ng buhay ‘yang kapatid ko!” pahabol na sigaw ni Kuya bago ipaandar ni Elthon ang motor niya.


Hayst kahit sa simbahan maraming napapatingin sa amin, maaaring dahil na rin kay Elthon ke-gwapo ba naman sinong hindi mapapatingin?

“Pogi mo daming natingin sa ‘yong chixs.” Bulong ko sa kaniya tapos nabigla naman ako at nanigas sa biglang pag hawak niya sa bewang ko. Yes! Shuta hinawakan niya ang bewang ko!

“Ang selosa mo naman” kangising sabi niya kaya siniko ko naman siya.

“Bagay kayong dalawa Iha” napangiti naman ako sa sinabi ng matandang katabi namin.

“Salamat po” sagot ko sa matanda at ngumiti naman siya sa aming dalawa ni Elthon. Grabe talaga ang chemistry naming dalawa pati matanda napapangiti sa pagiging bagay namin!



Nang matapos ang misa nag-aya siyang pumunta sa isang resort na malapit, gusto kasi niyang manuod ng sunset.  He is a man of God and a man of Nature huh.


“Ganito, habang lumulubog ang araw gawa tayo ng rules para sa Relationship na ‘to” napatingin naman ako sa kaniya at mukhang seryoso ang kumag, ang sarap ng simoy ng hangin ang gandang pag masdan ang karagatan. Pero ano  raw? Rules for our relationship?

“Rule number one. Ang tanging physical contact lang ay holding hands and hugs” Sabi niya at muli ko naman siyang tiningnan.

“What? No kiss?” tanong ko at pinitik naman niya ang noo ko.

“Physical contact, holding hands, hugs and kiss pero wala sa lips.” Arte naman for sure naman kapag hinalikan ko ‘to sa lapi hahalik rin ‘to pabalik.

“Rule number two, mag dadate tayo at least once a week” Sabi ko at nag agree naman agad siya. Ang dami niya ring pinag bawal maski pag inom ko pinatigil niya the hell!



Huminto na ang motor niya sa bahay, napakaganda ng sunset kanina nakakaadik!


“Thank you. Nag enjoy ako” nakangiting sabi ko ng makababa sabay halik sa labi niya.

“Hoy! Wala sa lips!” biglang sabi niya na kinatawa ko sabay talikod sa kaniya.


Nasan na ba ‘yung lalaking ‘yun? Baka may kasama na naman siyang babae?! Lagot talaga ‘yun sa akin. Nakarating ako sa lobby kakahanap sa kaniya at napahinto ng makita ko siyang may kayakap na babae at talagang masaya pa siyang kausap ito. Then I felt something in my heat, ang weird, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gumawa pa siya ng rules kung hindi naman niya susundin. Bawal daw mambabae manlalaki pero siya nanlalalaki.


Grabe na talaga ang mga Lalaki ngayon, mga walang isang salita! Pero it’s just a game bahala siya sa buhay niya.


“Zandra!” napatingin ako sa tumawag sa akin, napangiwi ng makita siya.

“Mag e-exolplain ka tapos ano mag sosorry? Tapos kinabukasan gagawin mo na naman?” nakapamewang na tanong ko.

“That’s Sabrina. She’s my sister Zandra.” Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya.

“Nasa Canada siya sabi mo?” tanong ko at lumapit naman siya sa akin.

“Hindi ko nasabi sa ‘yo na uuwi siya. Nasa bahay na siya ngayon gusto ka niyang makilala sa personal.” Napakurap naman ako sa sinabi niya at tuluyan ng kumalma. Okay nag over react ako sorry malay ko ba. Ngumiti siya sa akin ng hindi ko siya inimikan.

“Hatid na kita sa room mo.” Nakangiting sabi niya at sa mga ngiti na ‘yun hindi ko alam kung bakit bigla akong may naramdaman na kakaiba.


I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon