CHAPTER 18

626 35 2
                                    

CHAPTER 18: Pretending to be good


Zandra Kielce Santiago


Argh! Dahil talo nga ako sa pustahan at may kapalit ‘yun, gusto nila akong mag pretend na Good Girl like me? Pretending to be a good girl? Mabait ako sa sarili kong paraan, and being a good girl is not my personality!

“Ano tapos na bang ayosan ‘yan?” mataray na tanong ni Aime.

“You know what? You should know the word patience.” Sagot sa kaniya ni Carla.

“Wah! She’s done! Ang ganda mo talaga girl!” masayang sabi ni Stacey.


Naandito kami ngayon sa canteen, nasaktohan na recess ang pag papanggap ko kaya ang mga gago ako ang pina-order.

“Ay! Hala! Sorry po! H-hindi ko po sinasadya!” mangiyak-ngiyak na sabi ng isang junior high, napanganga naman ako at hindi agad naka react. Tiningnan ko ang damit ko at naramdaman ko na rin ang panlalamig nabubuan lang naman ako ng orange juice!!

“S-sorry po talaga!” napatingin ako sa batang kaharap ko na tila ba hindi alam ang gagawin, pakiramdam ko rin ay pinagtitinginan kami.

“It’s.. it’s okay. As long na hindi mo sinadya it’s okay, be careful next time.” Sabi ko at napasinghap naman ang iba dahil sa narinig. Kilala ako bilang mataray, war freak kaya ganon na lang siguro ang action nila.

“Good mood ata siya?”

“Sana ganyan na lang siya araw-araw para mabawasan naman ang bully sa paaralang ito.” Mga narinig kong bulongan, medyo na hurt ako sa sinabi ng babaeng ‘yun na bully ah! Habang nakapila muli kong tiningnan ang cellphone ko pero wala pa ring text message ni Ej, tss mamaya ko na nga intindihin ‘yun napakalagkit ko na! May kailangan pa akong taposan!



Carla Point Of View


Maski ako hindi makapaniwala sa ginawa ni Zk sa nakabangga sa kaniya. Pag katapos niya mag order nag pasama siya sa akin para mag bihis.


“Kaya mo naman palang maging mabait e.” Sabi ko sa kaniya, tiningnan naman niya ako at tinaasan pa ng kilay.

“Ang lagkit ko na!” tanging sabi na lang niya kaya tumawa naman ako. Alam naming lahat na mabait naman talaga siya, hindi nga lang showy ang babaeng ‘to.



Elthon John Torres


Napabuntong hininga ako ng makita si Zandra na katawanan abg kaibigan niya, ayaw ko mang pansinin pero bilang lalaki alam ko at nararamdaman ko na may gusto si Calix kay Zk. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at sakto namang napansin na rin ako ni Zandra.


“Hi love!” masiglang sabi niya kaya ngumiti naman ako sa kaniya.

“Let’s go na, hatid na kita sa room mo?” tanong ko sa kaniya at tumango naman siya bago mag paalam sa kaibigan. Hinawakan ko na ang kamay ni Zandra at hinala paalis sa Calix na ‘yun.

“Galit ka ba?” tanong niya at umiling naman ako sa kaniya.

“You’re not mad? Ano lang? Nag seselos?” nakangiting tanong niya, kung tutuusin nakakaselos naman talaga dahil ako ang kasama niya pero puro siya Calix.

“Hindi. May tiwala naman ako sa ‘yo.” Sagot ko.

“Pero nag seselos ka?” tanong niya na bahagya pang tumawa, huminto naman ako sa pag lakad at ganon rin siya. Hinawakan niya ang mag kabilang pisngi ko at ngumiti sa akin.

“Sorry.” She said and kiss my nose. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti.

“Hindi ka na galit?” tanong niya kaya natawa naman ako.

“Hindi naman ako galit.” Sagot ko at hinaplos ang pisngi niya sabay halik sa labi niya.

“Ang ganda mo.” Sabi ko at tumawa naman siya. Being in love with her is best thing I’ve ever done.


I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon