CHAPTER 21

582 33 2
                                    

CHAPTER 21: Monthsarry


Zandra Kielce Santiago



Grabe na babae na ‘yun, napakasama ng ugali. Hapon na kami natapos ni Sab kaya ng maiuwi siya at ng makauwi na rin ako humiga na ako sa sofa.


“Hi kitty.” Bati ng kapatid ko na nanonood ng SpongeBob.

“Hi Doremon.” Bati ko sa kaniya pabalik sabay kuha ng pusa ko na si Veronica.

“Bat kaya ang ganda mo, parang ako.” Sabi ko sa pusa ko at nag meow naman ito.

“Dama! Kadiri!” Sabi ng kapatid ko kaya binato ko naman siya ng remote ng tv na nasalo naman niya.

“Hoy babae kahit mag kambal tayo mas matanda pa rin ako sa ‘yo kaya gumalang ka pa rin!” aniya na tinawanan ko lang.

“I give my respect to the person who deserve it.” Sagot ko.

“Hayst, wala talagang tatalo sa katarayan mo.” Sabi niya sabay lipat ng channel nasaktohan naman na Tom and Jerry ang palabas.

“‘Yan na lang! Aha! Kuya naman!” iritang sabi ko ng bigla niyang ilipat.

“Immature!” Sabi niya na ikinangiwi ko.

“Maganda naman.” Sagot ko.

“Lakas ng tama mo pero sige kunayre totoo.” Sinapok ko naman siya dahil sa sinabi niya hanggang sa mag habolan kami papuntang kusina.

“Susunogin ko mga aklat mo!” aniya habang tumakbo papunta ulit sa sala.

“Sige lang tatapon ko naman lahat Ng Doremon stuff mo!” sigaw ko sa kaniya. Gustong gusto ko talaga ang bonding naming dalawang mag kapatid. Wishing na ganito pa rin kami after 10 years.



“Good morning.” Bati nina Aimee.

“Mukhang mainit ang ulo mo?” tanong naman ni Carla.

“Ewan ko ba wala pa rin kasing paramdam si Ej simula kahapon.” Sagot ko naman.

“Diba seven ngayon? One month na kayo diba? What if may surprise ‘yo?” Sabi naman ni Stacey.

“Oh.. oo nga pala! Pero awan nakakatamad.” Sagot ko at hiniga ang ulo sa lamesa ng upuan.




Elthon John Torres



Isang araw na ang nakalipas pero miss ko na agad siya, haype na babae na ‘yun lakas ng impact sa akin. Hay isang araw pa nga lang hinahanap hanap ko na siya paano pa kaya kung mag linggo at buwan?


“Ganda naman ng pag design nito. Sige na bye na sunduin ko na si Zk.” Sabi ni Ej. Alam nila kung anong nangyayari kaya habang p’wede pa lulubos-lubosin ko na. Sana mapatawad niya ako sa maaaring mangyari sa relationship namin.

Mag aalas-sais na tagal naman nila. Pero paano ko kaya sasabihin kay Zandra ang salitang hiwalay, bakit ba kasi kailangan pang bumalik ni Jea.


“Bakit ba tayo nandito? Mag aano ako rito may sarili tayong bahay.” Rinig kong sabi ni Zandra.

“Sa akin muna ang bahay, enjoy ka rito mag isa.” Sabi naman ni Ej.

“Argh! Bwesit ka!” inis na sabi ni Zk. Nang masagi ko ang basurahan napakagat labi ako dahil lumikha ito ng ingay.

“Who’s there?” tanong ni Zandra kaya kinuha ko naman ang isang bouquet flowers.

“HAPPY MONTHSARRY!” sigaw ko na nag pahinto sa kaniya ang gaga may dala pang pamalo.

“W-what the? Elthon?!” Gulat na tawag niya tapos bigla naman siyang yumakap sa akin.

“Kaya pala wala kang paramdam dahil may paganito ka, kayabangan mo!” natatawang sabi niya na ikinatawa ko rin.

“Ang ganda mo.” Sabi ko at hinimas ang pisngi niya.

“I love you.” Sabi niya sabay halik sa labi ko.

“I love you more. Ikaw ang pinakamaganda na nangyari sa buhay ko.” Sagot ko at niyakap siya. Napaka swerte ko dahil nakilala ko ang babae na ito, she change me, and she’s my only bad girl na subrang arte.




I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon