CHAPTER 2:

1K 56 6
                                    

CHAPTER 2: Kasi Gusto Kita (Day 2)


Zandra Kielce Santiago


Ang tagal matapos nang lesson ni Madame sarap mag cutting tsk! Gutom na gutom na ako kainis kakapangsisi na hindi ako kumain ng agahan sa bahay. 11:30 ng matapos ang klase, dali-dali kong inayos ang gamit ko at iniwan na sila balak ko kasing ayain si Elthon na sabay na kaming kumain at tulad kahapon ayon may nakasabit na naman sa kaniyang babae.


"Hoy!" sabi ko sa mga babaeng humaharot kay Elthon.

"Alam niyo ba 'yang nilalandi niyo ay pag mamayari ko?" sabi ko at agad naman silang umalis sa tabi ni Elthon. Grabe rin ang kaharutan nitong lalaking 'to!

"Bakit ba nambababae ka na naman? Grabe rin tinik mo ano?" tanong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya sa akin.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?" tanong niya na naka cross arm pa nag isip muna ako 'Gosh Zk utak nasan na? Ano ang isasagot ko?!'

"D-Dahil... K-kasi gusto kita" sagot ko. Zk, mamaya mo na taasan pride mo, saka mo na lang isuka 'yang sinalita mo. Pero lintik tinawanan lang niya ang sinabi ko sa kaniya! Hindi ba niya alam na hinalungkat ko pa 'yun sa utak ko para lang may kabulaanan na masabi sa kaniya?!

"Seryoso ka?" Tanong niya nang makita ang mukha kong galit.

"Kasi naman e, 'diba sinabihan na kita na bawal tumambay sa puso ko at isipan? Pero anong ginawa mo? 'Yun o ina Ej andito ka!" Sabi ko at tinuro pa ang puso at utak ko. Waah! Lupa kainin mo na ako now na! Bakit ko kasi tinanggap ang punishment na ito?!

"Huh?" kunot noong tanong niya.

"Isa pang suwayin mo ang utos ko lagot ka na talaga sa akin."

"An-" pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"May reklamo ka yayakapin kita"

"Kas-" muli kong pinutol ang protesta niya.

"Papalag ka? Hahalikan kita" mag sasalita pa sana siya pero inunahan ko na.

"Subukan mo pang muling mag salita stuck ka na sa akin" sabi ko at ngumiti pa sa kanya. Hindi na siya muling umimik kaya hinila ko na siya papunta sa cafeteria.


"O my! Bakit kasama ni Papa Elthon si Queen Zandra?"

"Sila ba?"

"Mamamatay na ata ako sa nakikita ko huhu" rinig kong bulong ng mga nadadaanan namin.

"Hawakan mo kamay ko." Utos ko sa kaniya.

"Ano ka boss?" tanong niya habang nakasimangot. Pogi pa rin niya kahit nakasimangot.

"Girlfriend mo." Maikling sagot ko.

"At ako ang poging sunod-sunoran sa 'yo" Sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

"Hindi dahil ikaw ang hari ko." Sabi ko at hindi naman na siya umimik pa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.


Elthon John Torres


Ako raw ang hari niya tapos ano, siya ang Reyna ko? Grabe rin ang sapak ng babaeng ito walang paawat.


"Hi Zandra, Can I court you?"


"Bawal pumasok sa eksena, bawal umextra sa puso at isip at kaluluwa ko dahil once na lumapit ka't pumasok sa isip at puso ko Ikaw na ang hari ng mundo ko." Grabe hanggang ngayon na aalala ko pa rin kung paano niya ako nireject dati tapos ngayon andito siya sa harap ko at kung anu-ano ang mga kalukohan ang sinasabi.

"May dumi ka Sa gilid ng labi mo." Sabi niya habang nakatingin sa labi ko kaya kinuha ko ang napkin table at pinunasan ang labi ko.

"Gwapo ka nga tanga ka naman." Sabi niya at umiilang pa. What the hell? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nakakainis ang babaeng 'to?



"Bro, bakit mo kasama kapatid ni Zj?" tanong ni Noah sa akin.

"Girlfriend ko siya ng isang buwan." Sagot ko at nag tawanan naman sila na para bang gustong gusto nila ang nangyayari sa akin ngayon.

"Ayaw mo noon, you got the Queen of the Bad girl?" tanong naman ni Kenly. Pero pakiramdam ko pinagtritripan rin ako no'ng babaeng 'yun e pero bakit parang seryoso siya? Ang saya-saya na sana ng buhay ko ngayon, marami na rin sana akong babae kaso umepal 'yung bruhang 'yun. Dahil tinatamad akong mag dalang motor nag lakad na lang ako papunta sa Bar ng pinsan ko gusto ko munang mag chill ayaw ko munang isipin ang babae na 'yun, pero tingnan mo nga naman tila pinag lalaruan ako ng tadhana.

"Bitiwan mo ako ano ba?!"

"Ang ganda mo naman Miss ano bang pangalan mo?" napailing na lang ako sa nakikita ko bakit ba kasi kababaeng tao nag iisa lang siya sa ganitong Lugar pa?

"Hoy! Bitiwan niyo siya" sabi ko habang lunalapit sa p'westo nila kung saan hawak hawak nila si Zandra mukhang may planong halayin ang babaeng 'to. Sumugod ang mga gago kaya wala akong choice kundi makipag suntokan sa kanila.

"Isa pang hawakan niyo ang babaeng 'to hindi lang 'yan ang aabutin niyo" sabi ko at kinuha ang kamay ni Zandra para ilayo sa kanila. Tulala lang siya at walang imik pero minsan nag tataka rin ako kung bakit tila may kakaiba sa mga mata niya, hindi ko alan kung bakit hindi ko magawang makipag titigan sa kaniya ng matagal. Hinawakan ko ang braso niya ng makita ko itong mapula.

"Ano ba masakit!" sabi niya at pinalo ang braso ko.

"Hindi ka-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan. One second lang 'yun pero parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Napakurapkurap ako at hindi namalayan na wala na pala siya sa harap ko.



"Shit. I'm stuck with her."



I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon