CHAPTER 24

558 37 0
                                    

CHAPTER 24: Aime's Birthday Celebration


Zandra Kielce Santiago


“Twinnie! Dali na!” sigaw ng kapatid ko na kanina pa atat. Napaerap na lang ako sa kawalan at lumabas na ng kwarto ko.

“Hell, you’re hot brother.” Sabi ko sa kapatid habang pinag mamasdan siya.

“Syempre ako pa.” nakangiting sagot niya at inalalayan akong makalabas at makasakay ng sasakyan niya. So lucky to have a brother like him. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Aime agad na sumalubong sa amin si Ej.

“Ganda mo.” Nakangiting sabi nito sa akin at tuluyan na akong inalalayan papasok ng bahay nina Aime.

“Wait lang.” Paalam ko sa kaniya at lumapit kina Tita Tiff na siyang magulang ni Aime.

“Hi my Princess.” Napaerap naman ako ng makita si William sa harap ko.

“Even your fake boyfriend is here pala. Akala ko ‘di siya kasama.” Dugtong pa niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Mind your own business.” Sagot ko at tinalikoran na siya at pumunta sa p’westo ng mga kaibigan.

“Naks nag mukha kang tao ngayon Dex.” Sabi ni Stacey na ikinangisi ko.

“Matagal naman na kasi akong tao, sadyang ‘di mo lang na aapricate ang gwapong mukha ko.” Sagot ni Dexter kaya napa oww naman kami at nag simulang mag tawanan.



Elthon John Torres


“Happy Birthday my love, my princess, kahit napakatigas ng ulo mo mahal na mahal ka namin ng mommy mo. Enjoy your party again I love you always.” Nakangiti ako habang pinag mamasdan ang Daddy ni Aime habang si Aime naman nakangiti.


“Ang ganda mo.” Sabi ko naman kay Zandra at hinalikan ito sa pisngi.

“You too. Ang pogi mo.” Nakangiting sabi niya.

“I love you. I love your hugs, your kisses, your smile, everything about you.” Sabi ko na mas ikinangiti niya.

“I love you more.” Sagot niya at hinawakan ang kamay ko.



Marami pa ang bumati at nag message kay Aime sumunod naman ay sina Zandra at nang matapos si Zandra bumalik na rin siya sa tabi ko.


“Happy birthday Aime. Grabe na lasing agad ako e, anyway isa ka sa pinaka magandang babaeng nakilala ko, stay healthy and strong. Before I end my speech asan si Zandra? Ohh, she’s with her toy.”  Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni William pumunta naman si Aime sa tabi ni William at pilit na kinukuha ang mic.

“Anong ginagawa ni William?” rinig kong tanong ng isang school mate namin.

“Wait lang birthday girl. Tutal he already kiss and for sure nag sabi na rin siyang I love you sa ‘yo, Zk my baby, come back to me.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni William at tumingin kina Zandra.

“Zandra ano pang ginagawa mo. The bet is over mahal ka na niya so come h–“  Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tuluyang maagaw ni Aime ang Mic kay William. But what? The bet is over?

“Ano ‘yun? The bet is over na ano?” kunot noong tanong ko kay Zandra.

“Elt–“

“Totoo? Pinag laruan mo lang ako?” putol ko sa sasabihin niya, naiiyak sa nangyayari.

“Elthon tapos na ‘yun.” Sabi ni Stacey na ikinatawa ko.

“So totoo?” tanong ko ulit kay Zandra na naiiyak na rin.

“Hindi niya ‘yun tinuloy Ej!” Sabi naman ni Shena na muling ikinatawa ko.

“Zandra ikaw ang sumagot ng tanong ko!” marinig sabi ko sa kaniya pilit na hindi tinataas ang boses.

“Oo per–”
“The fuck? Ginulo mo ako for nothing? It’s just a bet? So everything is not real?” tanong ko sa kaniya at nakita ko naman na tuluyan na siyang naiyak.

“Thank you for telling the truth.” Sabi ko at tumalikod na pero sinundan niya ako hanggang labas.

“Ej!” tawag niya ring ang nginig at iyak sa boses.

“Isa pang hakbang mo papunta sa akin kakalinutan ko na minahal kita!” Sabi ko sa kaniya at muling tumalikod.

“Okay fine! Magalit ka! Pero Ej mahal kita, totoong mahal kita! Nangyari ‘yun oo, no’ng una bet lang ang lahat pero nang matutunan kong mahalin ka tinigil ko rin. Mahal kita Ej “ umiiyak na sabi niya na ikinaiyak ko na rin.

“Hindi ko alam Zk. Ewan ko. Bahala na.” tuluyan ko siyang tinalikoran at pumunta sa kotse ko at doon binuhos ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas masakit ‘to kesa kay Jea, pero mas okay na rin siguro ‘to kesa mas masaktan namin ang isa’t-isa. Pero makita siyang umiiyak hindi ko alam mas nasasaktan lang ako.





I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon