CHAPTER 6: Mall or My Place? (Day 7)
Zandra Kielce Santiago
Grabe talaga ‘yung lalaking ‘yun, araw-araw may babae, yak kadiri for sure nagamit na rin niya ‘yung mga babaeng ‘yun. Dahil nabobiring muli kong chinat si Ej na mag date kami hindi na rin naman siya nag reklamo, pumayag na rin siya at sinabing maliligo muna bago ako puntahan.
“Wow, may lakad?” tanong ng kapatid ko.
“Yep, with Elthon” kumindat pa ako sa kaniya at ngumiwi lang naman siya sa akin.
“Iha may nag hahanap sa ‘yo sa labas.” Sabi ni Manang kaya tumakbo ako palabas ng bahay at nakita ko naman siya, simple lang ang suot niya pero kitang kita ang kagwapohan.
“Where us? Mall or my place?” napahinto ako sa pag lakad at napangisi ako ng tumingin sa kaniya.
“Your place” malanding sagot ko at kinailing niya.
Wow! Ang ganda rin ng bahay nila, napatitig pa nga ako sa Family picture nila ngayon ko lang nalaman na may kapatid siyang babae, sa picture niya dito sa family picture nila mukha pa siyang bata pero hot! Nasa Canada raw ang kapatid at magulang niya. Grabe napakaganda rito sa kanila!
Elthon John Torres
“Anong gusto mong kainin?” tanong ko sa kaniya habang nanonood siya ng Tv dito sa kwarto ko.
“Ikaw.” Sagot niya kaya pinitik ko naman ang noo niya.
“What?! Ikaw bahala! Ang epal naman nito!” aniya na masama ang tingin sa akin. Umiling na lang ako sa kaniya at iniwan siyang mag isa sa kwarto ko. Minsan ang kalandiang niya nakakadala pero kung maganda lang kalooban nitong babaeng ‘to talagang mas marami pa ang manliligaw sa kaniya, hindi naman kasi siya mahirap gustohin.
“Bakit ang tagal mong bumalik—O my! Nag babake ka?!” bigla siyang tumakbo palapit sa akin at pinagmasdan ako.
“Gagi marunong ka palang mag bake?” manghang tanong niya.
“Gusto mong e try?” tanong ko sa kaniya at nag yes! naman siya. Hindi siya mahirap turuan, mukhang nag eenjoy rin siya sa ginagawa niya ngayon kaya hinahayaan ko na lang, kapag mukhang maamo ang itsura niya ang ganda niya pagmasdan.
“Ang sweet niyo naman” Nabigla ako ng biglang sumulpot na lang si Nanay Cherry.
“Hi po.” Wow marunong palang manganupo ang babaeng ito?
“Ang ganda mo naman iha, boyfriend mo ba ang alaga ko?” tanong ni Nanay sa kaniya at ngumiti naman si Zk sa matanda.
“Opo!” masiglang sagot ni Zk kaya napasapok na lang ako sa noo ko.
“Ikaw Elthon ‘di ka nag sasabing may girlfriend ka na ulit.” Tukso ni Nanay, napansin ko rin ang pag tingin sa akin ng katabi ko.
“Nay naman e” sabi ko sa kaniya na tinawanan niya lang bago kami iwan sa kusina. Ang babae tumahimik hindi ko alam kung bakit, dahil ata sa sinabi ni Nanay kanina.
“May naging Girlfriend ka na?” biglang tanong niya matapos ang mahaba niyang pananahimik. Kinuha ko ang binake namin sa Oven at inilapag ito sa lamesa hindi ko na lang siya sinagot dahil ayaw kong maalala.
“Masarap ba? P’wedeng patikim?” tanong niya ng matapos akong mag subo.
“Hm, ang sarap ng gawa natin. Pero parang mas masarap ‘to kung titikman ko sa labi mo” tumawa pa siya bago tuluyang kumain. Landi talaga.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...