CHAPTER 17: I love you po
Zandra Kielce Santiago
Kararating lang namin dito sa bahay walang imikan habang nasa byahe nakakainis lang kasi e’ kung ano ang kinaganda ‘yun naman ang kinasama ng ugali tsk bwesit na bruhang ‘yun.
“Good night.” Sabi niya at ngumiti pa talaga sa akin.
“Bababa na ako, ingat ka pauwi sa inyo.” Sagot ko pero hinahawakan naman niya ang braso ko.
“I said good night.” Malambing na sabi niya kaya napaismid ako.
“Okay. Good night.” Sabi ko at pumiglas sa pag kakahawak niya pero muli lang niya akong hinawakan.
“I love you.” Ayan na nag I love you na ang siraulo. Bumuntong hininga ako at tiningnan siya.
“I love you.” Sabi ko at ngumiti naman siya.
“I love you po.” Nakangiting aniya.
“I love you more po.” Sagot ko at doon naman na niya ako pinakawalan, pinanood ko rin kung paano umalis ang kotse niya sa harap ng bahay. Bakit kaya sila nag hiwalay ng Jea na ‘yun at bakit naman gustong bawiin ngayon ni Jea si Elthon?—
“Good evening Veronica.” Bati ko sa pusang sumalubong sa akin.
“Hi Dad, Hi Mom.” Bati ko sa dalawang magulang na nanonood ng Ang Probinsyano tss ewan ko ba sa palabas na ‘yan hindi mamatay matay si Cardo habang itong dalawang ‘to gustong gusto ang movie.
“Good evening Baby, asan pala kuya mo?” tanong ni Daddy.
“Baka kasama po mga kaibigan alam niyo naman ‘yun. Akyat na po ako.” Sabi ko at tuluyan ng umakyat papunta sa kwarto ko. Hayst this days ang daming nangyayari nakakapagod. Nang mabasa ang text message ni Ej napabuntong hininga ako.
“I love you Elthon John Smith Torres.”
Elthon John Torres
I’m so proud of Zk, mukhang isa ang babaeng ito sa mag va-valedictorian dito sa AU. Hindi na rin naman ako mag tataka dahil alam ko naman na sa likod ng kasamaan niya nasa gitna pa rin ang katalinohan niya.
“Para sa reyna ko.” Sabi ko sa kaniya sabay bigay ng isang bouquet na chocolate.
“Woah! Chocolate! Thank you Love!” masayang sabi niya.
“Wanna date?” tanong ko at tumango naman siya kaya hinawakan ko ang kamay niya sabay hila sa kaniya papunta sa parking lot. While dating her kitang kita ko ang saya sa mga mata niya, napakadaldal na rin niya, kitang kita ko na ang kakulitan niya. Maaga ko na rin siyang inuwi mahirap ng pagalitan ng kapatid niya.
“Good night love.” Sabi ko sabay halik sa noo niya.
“Good night rin po.” Nakangiting sabi niya.
“I love you.” Muling sabi ko.
“I love you more.” Sagot niya at biglang ngumuso hudyat na gusto niya ng kiss kaya tumawa naman ako ng bahagya bago ko siya halikan.
“Ingat ka po pauwi mwuah.” Nakangiting sabi niya sabay labas ng kotse ko kaya ng makapasok na siya ng gate nila pinaharorot ko na ang sasakyan pero medyo malayo pa lang sa bahay may nakita akong kotse na nakaparada sa tabi nito.
“What the hell bakit andito ang babaeng ‘yan?!” tanong ko sa sarili ng tuluyang nakita ang may ari ng sasakyan.
“What the hell? Nag aano ka rito?!” Galit na tanong ko sa kaniya.
“Hindi ba p’wedeng pumasok na muna ako?” tanong niya pabalik.
“I don’t have time for you, so please go to the point.” Walang buhay na tanong ko.
“I want you back.” Sabi niya na ikinatawa ko.
“You want me back? Why and for what? Sa tingin mo ba babalikan pa kita? Hindi na Jea ni hindi na nga kita mahal e matagal na.” Sabi ko sa kaniya at lumapit naman siya sa akin.
“Hindi kita titigilan. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin.” Sabi niya at nakipagtitigan sa akin.
“I don’t care.” Sagot ko at ng akma niya akong sasampalin bigla namang lumabas si Sab.
“Subukan mong saktan ‘yan makikita mo ang hinahanap mo! Hayop na malanding kabayo na ‘to!” Sigaw ni Sab na nag pangisi sa akin.
“Makikita mo Ej. Babalik ka sa akin.” Sabi nito bago sumakay sa kotse niya at umalis.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...