CHAPTER 23: This is love
Zandra Kielce Santiago
Naandito kami ngayon sa bahay nina Aime, nakaka excite dahil panigurado bungga na naman ang party ng babaeng ito.
“Hi Tita and Tito. Good afternoon po.” Bati ko sa parents ni Aime at ngumiti naman sila sa akin sabay tingin kay Ej.
“Uhm, he’s Elthon Torres po, boyfriend ko po.” Dugtong ko
“Buti naman at nag ka boyfriend ka na ulit. Akala ko ‘di ka na mag kakaroon ng boyfriend. Panigurado miss ka na ni Mark.” Sabi ni Tita at ngumiti naman ako sa kaniya bago sila tuluyang iwan para pumunta sa taas kung nasaan si Aime.
“Sino si Mark?” tanong ni Ej.
“My ex boyfriend.” Simple na sagot ko, pinaparamdam na ayaw nang ganong usapan ngunit nag tanong pa rin siya.
“Bakit hindi mo siya na e-kwento sa akin?” tanong niya.
“Hindi naman na kailangan dahil matagal na rin naman ‘yun.” Sagot ko.
“Pero bakit sabi ng Mama ni Aime miss ka na? Saka kahit past ‘yun dapat sinabi mo pa rin sa akin.” Muling sabi niya na ikinairita ko.
“Bakit ‘yung sa inyo ba ni Jea sinabi mo?” tanong ko sa kaniya dahilan para mapahinto siya, umerap na lang ako at iniwan siyang mag isa.
Nag paalam muna ako sa mga kaibigan na pupuntahan si Mark, hindi ko na muna kinausap si Ej dahil wala pa ako sa hulog ewan ko ba kung bakit pag dating kay Mark ang sensitive ko, ayaw na ayaw ko na napag uusapan namin si Mark.
Nang makarating sa sementeryo ng mga Chua, inilagay ko sa tapat ng lapida ni Mark ang bulaklak na dala ko.
“Hi Mark, sorry at ngayon na lang ulit ako nakapunta sa ‘yo. I miss you na, lalo na ang mga yakap mo. Birthday na naman ng kaibigan natin bukas, hay wala ka na naman sa memories of the year. Kumusta ka na? By the way tinupad ko na ang hiling mo na maging masaya akom. Love masaya na ako. Pero ayon tulad rin ng sabi mo ‘wag kitang kalimutan dahil ikaw ang pogi at first boyfriend ko. I’m happy with him, hope na he’s happy rin. I miss you love and I love you. Uuna na rin ako ah, mag iintidi pa kami para sa birthday party ni Aime, sa susunod ulit.” Hinawakan ko ang pangalan sa lapida niya at ngumiti ng bahagya bago tuluyang umalis.
Elthon John Torres
“Nasaan si Zandra?” tanong ko ng mapansin na wala si Zandra sa loob ng bahay ni Aime.
“Pumunta kay Mark.” Sagot ni Shena at napansin ko naman ang pag siko ni Carla kay Shena.
“Sino ba ‘yun?” tanong kong muli na ikinabuntong hininga nila na mas lalong ikinataka at ikinakaba ko.
“He’s Mark Liam Chua. Ang first boyfriend ni Zk, masasabi naming subrang perfect ng relationship nila pero dahil sa isang aksedente namatay si Mark at simula no’n mas lalong naging masungit si Zk.” Kwento ni Aime na ikinabigla ko rin, so he’s dead na? Pero mukhang subrang minahal ni Zk ‘yung lalaking ‘yun ah.
“Mahal pa kaya ni Zk ‘yung Mark?” tanong ko.
“Oo, mahal ko pa siya.” Napahinto naman kami sa iba pang ginagawa at napatingin sa pintuan.
“Hindi mawawala ang pag mamahal ko kay Mark, palagi siyang may puwang sa puso ko. But it doesn’t mean na hindi ako p’wedeng mag mahal ng iba. Mahal ko siya because he is my first love and my greatest love. Pero mas mahal kita dahil ikaw ‘yung paulit-ulit na pipiliin ko.” Sagot niya na kinangiti ko na nauwi naman sa tuksohan ng iba pang kaibigan. Swerte ko talaga sa babaeng to. Pero hanggang kailangan kaya kami ganito? Nakakatakot dahil baka isang araw matapos at mawala na lang ang lahat lalo na ngayon na may gumugulo sa relationship namin.
BINABASA MO ANG
I'M A BAD GIRL (TO BE PUBLISHED UNDER GSM))✔
RomanceHe hates you, and you hate him too. You hated each other. Pero paano kung sa isang pustahan bigla kang nagkaroon ng interes sa kaniya? He's a playboy-a campus king. And you are a bad girl-beautiful and spoiled brat. Para maipanalo ang pustahan, kail...