WELCOME TO HELL!
Janice's Point of View
Magiisang oras na pero wala pa rin si Sir. Bakit ba ang tagal niya? Nanginginig na ako dito sa kaba eh.
Nasa impyerno po kami ano? Impyerno po. Sabi niya boundary daw, underworld. Wala na akong pake sa pagkakaiba basta itong lugar na ito ay impyerno, period.
Nagpalinga linga nalang ako para maglibot ng paningin. Hindi lahat ng buhay ay nakita itong lugar na ito kaya naman ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa inyo. Ako na ang magpapayo sa inyo.
Magpakabait na kayo, tayo. Maging mabuting tao na tayo. Huwag tayong maging ganid, sakim at makasarili. Mahalin natin ang kapwa natin, lalong higit ay ang pamilya. Huwag tayong magpasilaw sa pera at mga kasalanan. Ginawa sila para linlangin tayo. Maging wais tayo dahil ngayon palang sinasabi ko na sa inyo. Hindi ito ang lugar na gugustuhing mapuntahan ng kahit na sinuman pag namatay na sila.
Hindi sa tinatakot ko kayo pero hindi pa ito ang mismong impyerno pero nakakatakot na talaga, paano pa kaya sa loob ng gate iyon. Na napapalibutan ng napakatataas at napakalalaking bakal.
Medyo naiinip na ako ngayon kay Sir, ang tagal kase. Patuloy lang ako sa pagmamasid ng biglang may nakita akong lumilipad na apoy.
Woah
Kakaiba ang apoy na lumilipad ngayon sa labas ng kotse dahil kulay berde ito. Ang ganda, tila inaaya niya ako. Parang nalimutan ko naman ang bilin ni Sir na huwag akong lalabas kahit anong mangyari dahil tila nabighani ako ng apoy na nasa harap ko ngayon.
Kahit na napaka-init sa labas ay binuksan ko parin ang pinto ng kotse . Tila sumasayaw ngayon ang berdeng apoy sa harap ko. Ang ganda niyang panoodin.
Maya maya pa ay bigla na itong gumalaw at naglakbay. Sabik na sabik naman akong sinundan ito.
Nakarating ako sa lugar na kung saan naroroon ang isang napakalaking bato tila inukit upang maging wangis ng isang tao. Hindi ko ito pinansin dahil tutok ako sa bolang apoy sa harap ko ngayon.
Mas namangha ako ng biglang may mga dumating pang ibang bolang apoy. Ang ganda. Nakangiti na ako ngayon habang pumapalakpak.
Sabay sabay gumalaw ang mga ito na tila dumidikit sa isa't isa. Tila ginagawa nilang isa ang sarili nila. Namamangha parin ako.
Ngunit biglang nagbago ang lahat ng maintindihan ko ang imaheng binubuo nila. Napaatras ako sa kinatatayuan ko.
"Sh*t"
Naging halimaw ito na nagbabaga. Napakataaas ng mga sungay nito na napakatutulis. Sobrang tutulis din ng mga ngipin nito. Wala siyang ibang emosyon kundi parang nakangiti lagi ng nakakakilabot. Payat ang pangangatawan nito. At mahahaba ang mga kuko.
Tumalikod na ako at tumakbo ng napakatulin. Medyo malayo pa ako sa kotse dahil hindi ko napansin na napalayo na pala ako. Lumingon ako at napansin kong hindi siya sumusunod. Kung kaya't mas nabahala ako. Mukhang may iba siyang balak.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Limang metro
Apat na metro
Tatlong metro
Hindi na ako umabot sa kotse dahil bigla siyang bumagsak sa harap ko. Tumalon ata siya at nanggaling siya sa taas.
Nanginginig akong napatulala. Humakbang siya palapit sa akin kaya gumapang ako paatras. Basang basa na ako ng pawis ngayon sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...