Janice's Point of View
"AAAAAAAAHHHHH!!"
Sobrang lakas talaga ng sigaw ko nung biglang may tumapik sa akin. Yung multo ba iyon? Nakalapit agad siya?
"AH........"
Itutuloy ko pa sana ang pagsigaw kaso tinakpan niya na ang bibig ko. Shet. Kelan pa sila naging ganoon ka aggressive? Pero bakit hindi naman malamig ang kamay niya? Hindi ba at malalamig ang kamay ng mga multo?
"Shhhhhh"
Nagsalita ang multo. Teka, lalaki yung nagsalita eh. Babae yung multo. Sino ba ito?
Kaya kahit na takot na takot na ako ay humarap parin ako sa nilalang na katabi ko ngayon at nakayakap sakin.
'Sir Gadreel?!'
Nakatitig siya sa akin habang ang kanang kamay niya ay nakatakip sa bibig ko at ang kaliwa ay nakatapat sa bibig niya para sabihing tumahimik ako. Nagpupumiglas kase ako ngayon.
"Sinong nanjan?!"
Napaayos kaming bigla ni Sir sa pwesto ng marinig na paparating si Kuya Guard.
Shet.
Kaso mabilis naman akong hinila ni Sir sa isang bukas na calssroom, pagkatapos ay isinara iyon.
"May tao ba jan?!"
Naaninagan ko na ang flashlight ni kuya Guard. Nagflashlight pa siya ,eh may ilaw naman sa hallway. Marunong pa ako sa trip ni Kuya.
Nang wala siyang nakitang tao sa hallway ay umalis na siya. Kaya nakahinga na ako ng maluwag. Napasandal ako sa pinto pero napatigil ako sa ginagawa kong paghinga. Kasama ko nga pala si Sir.
Dahan dahan akong tumingala para makita ang mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin ng mabuti. Hindi ko natagalan ang pakikipagtitigan sa kaniya kaya umiwas ako. Napatingin ako sa bintana.
"Sh*t"
Bigla akong napatago sa coat ni Sir. Nakasuit na kase siya eh. Baka galing na siya sa 13th floor. Bakit ba parang sinusundan ako nung multo na iyon? Ano bang ginawa ko sa kaniya. Huhuhu.
1minute
2minutes
3minutes
"Ehem. Wala na siya!"
Bigla akong natauhan. Nagsalita na kase si Sir. Parang naiilang yung boses niya.
"Ay baliw!" bigla akong umalis sa harapan ng coat niya. Nakasub sub kase ako sa katawan niya. Ang bango niya. Huhu. Lumuluha na din ako sa ilalim ng coat niya. Siguro nga basa na yung polo niya sa luha ko eh, or worst baka may uhog pa. Nakakahiya.
"Sorry po, Sir!" naiilang na rin ako ngayon. Pinunasan ko pa ang polo niya gamit ang kamay ko, ang tigas ng dibdib niya. Kelan pa naging pamunas ang kamay, Janice. Kaya tinanggal ko agad, nakuryente ako. Napatingin ako ulit sa bintana, wala na yung multo. Mabuti naman. Akala ko katapusan ko na. Nakakapanginig talaga ng laman lalo pag naaalala ko ang ginawa niyang pagsilip kanina sa CR.
Nagpunas na ako ng luha ko ng umalis ako sa damit niya. Pano ba ito? Napakatahimik. Sumulyap ako kay sir at nakitang nakatitig parin siya sa akin. Pero seryoso lang siya. Janice, do something. Ang awkward na. Kaya inayos ko na ang sarili ko.
"Ahem" pagbasag ko sa katahimikan.
"Sir, salamat po pala at dumating kayo. Hindi ko na po talaga kase alam kanina kung anong gagawin ko eh. Natatakot ako!" sabi ko sa kaniya. Pero poker face parin.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...