BAGONG SIMULA, BAGONG MULTO?
Janice's Point of View
Ring
"Janice, halika na malalate na tayo sa next class natin!" natauhan naman ako ng biglang magsalita si Claire.
"Ano na nga next subject natin?" medyo lutang ako ngayon. Magdadalawang buwan na mula ng magsimula ang klase. Wala ako sa focus.
Hindi na mawala sa isip ko ang 13th floor, si Maam Lisa, Mang Efren at lalong lalo si Sir Gadreel. Namimiss ko na sila.
Ang mga naganap sa amin ni Sir. Hanggang doon nalang ba iyon? Gusto ko pang madugtungan ang amin ni Sir. Kahit na alam kong napakaimposible na magkatuluyan kami. Hindi kahit na kailan pwedeng umibig ang mga fallen angels. Dahil kapag nangyari iyon. Hindi na sila Fallen angel, hindi ba? Kaya nga sila itinapon dito sa lupa ay dahil nawala na ang pag-ibig sa mga puso nila simula ng magtaksil sila sa langit.
Pero bakit kahit na alam ko iyon ay nais ko parin siyang makita? Hayss. Janice. Umayos ka, babagsak ka sa kabaliwan mo eh.
"Theory of Structures lang naman" tila nahimasmasan naman ako sa sinabi niya.
"Sh*t" at pagkasabi ko noon ay tumakbo na kami.
Nakakatakot pa naman ang professor namin doon. Alam niyo iyong sobrang hirap na nga ng subject tapos ang terror pa ng prof.
Sakto naman at nakaabot pa kami. Kasabay namin siyang dumating.
Malapit na ang midterms namin, pero hindi pa ako handa. Nalulugaw pa utak ko haha.
Nagdidiscuss ngayon si Maam about sa deflections ng iba't ibang uri ng biga/beams pero parang utak ko ata yung nagdeflect. Grabe nakakalito, ang daming formulas.
Sa awa ng nasa itaas ay nairaos namin ang tatlong oras na klase na iyon.
Gutom na ako!
---
Narito kami ngayon ni Claire sa isang stall sa labas ng school. Vacant time kase namin ngayon ng two hours. Nakakaasar nga yung sched namin kase 11:00am-2:00pm ang klase tsaka after palang ang vacant. Eh nalipasan na kami ng gutom non.
Kaya pag minsan ay nagbabaon nalang kami ng biscuits or kahit na anong makakain sa bag.
"Anong ioorder natin?" tanong ni Claire sa akin habang tumitingin sa menu na nakapaskil sa taas.
Si Claire nga pala, bestfriend ko. Simula first year magtropa na kami. Paano parehas kaming maingay. Haha. Hindi ko nga lang siya nakakasama tuwing bakasyon dahil umuuwi siya sa probinsya nila.
"Siomai with rice nalang sakin. Hindi pa ako masyadong gutom eh" sagot ko nalang. Kumain kase ako ng cookies kanina sa klase. Pasaway. Haha.
"Sige ako din, ganon nalang. Kuya dalawang order ng Siomai with rice" sabi niya sa tindero.
Nakatayo kami ngayon habang kumakain. Ayos lang naman dahil karamihan ng stall dito ay ganon ang kalakalan.
Matapos namin kumain ay tumambay muna kami sa isang bench at nagkwentuhan. Daily routine lang. Next class pa kase namin ay 4:00pm-7:00pm.
---
"Okay class, get 1/4 sheet of paper. May quiz tayo ngayon diba?" pambungad sa amin ni Sir Agpayao ng magsimula ang klase. Humanities ang subject namin ngayon. Buti nagreview ako kanina kundi nganga nanaman.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...