A ONE SPECIAL DAY
Janice's Point of View
Ting.
"Magandang umaga, hija" masayang bati agad sa akin ni Maam Lisa.
Ang ganda ng araw ko ngayon. I can feel it. Magsasaya talaga ako mamaya after work.
Sasagot na sana ako ng magandang umaga kay Maam ng bigla ulit siyang magsalita.
"Teka, Sir. Magkasabay ulit kayo?"
Paano kase, kasabay ko nanaman si Sir. Ilang beses na kami laging nagkakasabay. Ewan ko ba dito.
"Bumili lang ako ng coffee sa baba" pagkasabi noon ni Sir ay dumiretso na siya agad sa Office. Walk out Master.
Lumabas na rin ako ng elevator na sobrang nakangiti.
"Alam mo pansin ko lang. Napapadalas ang pagsasabay niyo ni Sir sa elevator." paunang wika ni Maam sa akin.
"Nagkakataon lang siguro Maam. Tsaka bumibili daw siya ng coffee eh." reasonable naman na siguro iyon. Atleast alam na natin ngayon na pati mga fallen angels ay nagkakape.
"Eh ngayon lang naman si sir nahilig sa kape eh." nako itong si Maam parang may gustong palabasin sa mga sinasabi eh.
"Huwag nalang po nating pansinin si Sir. Ang mahalaga po ay ang ngayong araw. Hihi" hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko. Ano ba yan, excited na ako.
"Oo nga pala. Unang buwan mo ngayon. Handa ka na ba sa unang sweldo mo?" nakangiti ring tanong ni Maam. Isang linggo na ang nakaraan noong hulihin namin ang demonyo sa Pampanga. Thrilling din ang experience na iyon, grabe. Nagtataka lang ako dahil nakay sir parin yung garapon kung saan nakakulong ang demonyo.
"Opo naman Maam. Excited na ako" kinikilig kong sagot kay maam.
Hays. Nakalista na agad ang mga bibilhin ko sa unang sahod. One hundred thousand iyon ha? Ang dami kong mabibili. Siyempre una na doon ang laptop. Okay na siguro yung mga 60k+ maganda na iyon pangrender ng mga plano at designs.
Pagkatapos naming magmorning talk ni Maam ay agad na kaming naghiwalay para pumunta sa aming mga trabaho.
Nakangiti ako ngayon habang naglalakad papasok sa office. First sweldo ko mamaya. Shet, hindi na ako makapaghintay.
Tila naman may nakita akong isang pamilyar na mukha sa kabilang pasilyo kaya agad ko siyang nilapitan.
"Mang Efren?"
Nakita ko kase siyang may dalang map at timba.
"Oh, Janice hija. Kamusta ka na?" Napangiti naman siya ng makita ako.
"Okay naman po. Ikaw ang kamusta na po. Ngayon lang kita nakita dito." napanguso ako habang sinasabi iyon. Akala ko kase lagi siyang naglilinis dito.
"Pasensya na hija. Mahihirapan talaga tayong magkita lalo at sobrang laki nitong lugar at sa dami ng kailangan kong linisin." medyo napaisip naman ako sa sinabi niya. Napakalawak at napakali ng linisin. Eh office ni Maam, office ni Sir, guest room at cafeteria lang naman ang lilinisan niya eh. Wala namang ibang nilalang dito kundi kaming apat lang.
"Eh? Ang liit lang kaya nito. At isa pa, tatlo lang naman po kaming narito eh, hindi kami nagkakalat." paliwanag ko naman sa kaniya.
Biglang nagiba naman ang itsura niya sa sinabi ko.
"Anong tatlo lang, ang dami niyo kaya dito. Palabiro ka talaga." pagkasabi niya non ay bigla niya akong hinatak sa gilid ng pasilyo. Maging siya ay gumilid din na parang may pinadaan. Medyo naguluhan ako sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HororHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...