HE IS MY BOSS!
Janice's Point of View
Nakatayo lang ako ngayon habang nakatulala. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya? Napatalon naman ako sa gulat ng biglang may nagbukas ng pinto.
"Oh hija, bakit namumutla ka?" si Maam Lisa pala ang pumasok. Napansin niya namang nakatingin ako sa dulo kung saan naroon ang lalaking magiging boss ko daw. Kaya naman napatingin din siya doon.
"Ikaw talaga sir, huwag mong takutin si Janice. Kabago bago gusto mo ata agad magresign" natatawang sabi niya kay Sir Gadreel.
Bigla naman akong hinawakan ni Maam sa magkabilang balikat para pakalmahin.
"Ganyan lang talaga yang si Sir. Mahilig ngumiti ng ganyan, akala ata magandang tignan" natatawa niyang sabi habang inaalalayan ako papunta sa magiging desk ko ata.
"Akala ko po ba hindi multo si Sir, eh bakit po nakakatakot?" pabulong kong tanong sa kaniya. Habang naglalakad.
"I heard it!" narinig kong sigaw ni Sir Gadreel. Narinig niya pa yon? Ang hina hina na nga.
"Hindi naman talaga multo si Sir. Mahilig lang talaga yan manakot, wag mo nalang pansinin. Ang mabuti pa ay samahan na muna kita para naman maguide kita sa mga dapat mong gawin dito" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Sasamahan niya ako. Sasamahan ako ng multo, hays.
Ilang oras din kaming nagpaliwanagan ni Maam Lisa sa mga kailangan kong malaman sa trabaho ko.
"O siya, mauna na ako ha. May aasikasuhin pa kase ako eh" pamamaalam ni Maam. Bigla naman akong nataranta sa sinabi niyo.
"Agad? Aalis na po kayo agad?" tanong ko sa kanya. Pano yan.
"Tatlong oras na kitang sinamahan, hija. Maiwan ko na muna kayong dalawa ni Sir para naman magkakilala na kayo ng mabuti at makapagkonek. Para sa trabaho" may point naman siya sa sinabi niya pero naiilang parin ako kay Sir. Nag aalangan man ay pumayag na rin ako.
Lumakad na siya palabas ng office pero bigla siyang bumalik.
"Maam, bakit po? May nakalimutan po ba kayo?" agad naman akong tumingin sa desk ko para icheck kung ano ang maaaring naiwan niya.
"Oo meron, heto o" napatingin naman ako ng may ibinigay siya sa akin.
Isang notebook na itim at ballpen. Ahh, dito ko siguro isusulat ang mga schedule at appointments ni Sir. Bilang kanyang Perosonal Assistant slash Secretary na rin.
"Salamat po sa planner" nakangiti kong tugon sa kaniya.
Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa don?
"Hindi 'yan planner! Isulat mo diyan lahat ng katangiang makikita mo kay Sir, mabuti at masama ha? Mahalaga yan. Kaya don't forget to write something everyday" pagkatapos niya iyong sabihin ay umalis na siya.
Ha? Ang weird naman non. Bakit kailangan kong isulat ang mga katangian ni Sir dito? Bahala na nga.
Ilang minuto na ang nakalipas mula noong umalis si Maam Lisa. Hindi pa ako tinatawag ni Sir kaya binuklat ko ang notebook at nagsulat.
"All about Sir Gadreel
1. Scary/creepy"
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala paring ganap. Ang tahimik naman dito. Kaya naman naglakas loob na akong kausapin siya. Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/235138953-288-k572786.jpg)
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
TerrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...