WHO ARE YOU, SIR GADREEL?
Janice's Point of View
Narito na kami ngayon sa loob ng Starbucks. Alam ko na ang iniisip niyo, kung bakit pa ako nandito at kasama siya matapos ang nangyari.
Ako na ang mag-uulit. Lumipad lang naman ang kotse namin sa ere kanina. Wow magic diba? Pero sa dami ng kababalaghan, katatakutan at nakakakilabot na nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw ay ngayon pa ba ako matatakot? At isa pa, kailangan kong kumpirmahin ang isang bagay mula sa kanya.
Siya kaya iyon? Ang lalaking nagligtas sa akin noon sa multong humahabol sa akin? The way he calls my name, katulad na katulad ng sa lalaking sumagip sa akin, magkaboses sila. Pero napaka-imposible naman ata, sa pagkakakilala ko dito kay Sir eh malabong siya iyon. Ang sungit sungit nga lagi eh. Napahinga nalang ako ng malalim. Hays.
Napapaisip ako ng mabuti sa kung sino at ano nga ba si Sir? Siguradong hindi siya tao at lalong sigurado ako na naloko nanaman ako ni Mang Efren.
Sa dami ng nabuong ideya sa utak ko ay ilan lang ang mga ito.
Una, multo. Hindi malayong totoo dahil may manager nga siyang multo eh. Pero lumalabas siya sa public places na parang tao. Nakikita ng tao.
Pangalawa, magician/wizard. Since napalipad niya kanina ang kotse. Di'ba sa harry potter lang nangyayari yon? Kaso wala siyang wand. Hmm.
Ikatlo, demonyo. Siguro nga, dahil sa ngiti niya. As in malademonyo talaga. Pero diba may sungay ang mga iyon? Si sir kase wala.
Ikaapat, engkanto. Hala, baka nagbabalat kayo lang siyang gwapo para mambiktima ng mga tulad ko. No. Pero dapat dati niya pa ako pinatay diba.
Ikalima, angel. Nahhh. Skip that part. Malabong malabo. Mababait ang mga angels.
At Ikaanim, Vampire. Maaari dahil ayaw niya ng masyadong maliwanag na lugar. Pero kasama ko siya ngayon sa labas. Hindi ba at dapat ay nasunog na siya?
"Bakit ganyan ka makatitig?"
Natauhan naman ako ng bigla siyang magsalita. Kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya.
"Sir, paano mo yun nagawa? Sino ka ba talaga Sir?" diretsahan kong tanong sa kaniya.
"Ah yung kanina ba. Wala lang yon" mahinahon niyang sagot.
"WALA LANG YON?.." napatayo na ako sa kinauupuan ko at napasigaw. Napansin ko namang pinagtitinginan na kami kaya dahan dahan na akong umupo.
"...Eh lumipad nga tayo kanina sa ere eh" pabulong kong sambit. Napatingin naman siya akin ng matalim.
"Did you just shout? At me?"nangigigil niyang tanong sa akin.
Bigla naman akong kinabahan. Nakakatakot siya, ngayon ko lang siya nakitang galit.
"S-sorry po Sir, nashock lang po kase ako sa nangyari kanina" kinakabahan na ako. Sana naman patawarin niya ako sa pagsigaw ko sa kaniya. Napapikit nalang siya ng mata. Nagpapakalma ata.
Pagkamulat niya ay nagkatinginan kami, bigla siyang ngumiti. Yung ngiti niyang nakakatakot.
"Fine, I'll tell you who I really am. Basta gawin mo ang ipapagawa ko sa'yo"
Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Napayakap naman ako sa katawan ko, huwag po.
Bigla namang kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
TerrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...