KABANATA 24

263 23 5
                                    

BUMALIK SIYA


Janice's Point of View

"Claire anong nangyari sa'yo?"
Kinakabahan na ako ngayon sa kung anong isasagot niya. Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko na tila takot na takot.

"Janice....

                 ...... Nandito nanaman siya!"

          Agad kong binuhay ang ilaw sa kwarto niya at sa CR. Hinila ko na siya sa kama niya para maupo at para makapag usap kami ng maayos.

"Claire, magsabi ka ng totoo. Sinong siya?" kailangan kong alamin para kahit papaano ay maintindihan ko siya kung anong ginawa niya kanina.

"Janice, wag ngayon. Hindi ko kaya. Madilim pa sa labas. Natatakot ako. Alam kong nasa paligid lang siya. Mamaya, pagsapit ng araw tsaka natin siya pag usapan. Para magkaroon ako ng lakas ng loob." mahabang paliwanag niya. Naiintindihan ko. Aantayin ko ang pagsikat ng araw.

          Buong madaling araw kaming gising ni Claire. Nawala bigla ang antok ko dahil sa nangyari. Nililibang ko pa siya ng kung ano ano pero ramdam ko parin ang takot niya.

Sinong siya?

---

          7 am. Maliwanag na ang araw. Linggo ngayon. Tinawag na kami ng tito at tita dahil kakain na raw. Agad naman kaming nag ayos ni Claire para lumabas. Pagkakain ay ikukuwento na niya.

          Sa hapag naman ay tila sumigla siya. Masaya kaming nagkamustahan nila tita. Namiss kase namin ang isa't isa. Last semester pa ang huling sleep over ko dito kaya naman naipon ang kwento.

          Simpleng mayaman lang sila. Hindi sila kumuha ng katulong dahil mas gusto nilang sila ang gagawa sa lahat. Pero ang laki ng bahay nila.

          Heto kami ngayon ni Claire sa kusina at nagliligpit. Tahimik na ulit siya. Hindi pa daw ito alam ng parents niya. Hindi niya daw sinasabi dahil baka daw mag alala ang mga ito. Pinangaralan ko naman siya kahit hindi ko pa alam ang kwento niya. Hindi niya dapat ilihim ang ganito sa parents niya.

          Matapos kaming magligpit ay dumiretso na kami sa kwarto niya para simulan ang kwento.

"Janice, please. Ano man ang sasabihin ko sa'yo ngayon. Huwag na huwag mong sasabihin sa iba. Mangako ka" panimula ni Claire.

"Oo, pangako" sagot ko.

          Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"I think, I was followed..

                                        ...by a shadow"

          Bigla akong napaayos sa sinabi niya. Shadow? Paano. At ikinuwento na niya ang lahat.

           Matagal na daw ito. Noong bata pa siya ay napapansin na daw siya ng magulang niya na parang laging may kalaro. Aware naman daw siya na may kalaro siya dahil nakikita niya ito pero anino lang. Madalas daw niya itong kasama at kahit sa pagtulog ay naroon ito.

           Lumipas ang mga taon at nagdalaga siya. Nawala na daw ang anino. Nagkaisip na siya at narealize na hindi normal na tao ang kalaro niya noon kaya naman kinikilabutan siya tuwing naaalala iyon.

           Hanggang nitong mga nakaraang linggo lang daw ay muli itong bumalik. Pakiramdam na niya ay may kasama siya lagi kapag mag isa. Napadalas na din ang pagtataxi niya pauwi dahil sa tuwing umuuwi siya na lakad ay parang may sumusunod sa kanya. Alam niyang meron dahil may anino siyang nakikita ngunit pag haharapin niya ito ay wala naman.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon