KABANATA 52

197 21 7
                                    

Janice's Point of View

"Okay ka lang?"

          Tanong ni Sir sa akin. Nandito kami ngayon sa kotse niya pauwi. Ang tahimik ko ngayon sobra. Kanina pa ako hindi umiimik eh. At kanina pa ako nawalan ng ganang umimik. Paano naman kase, ilang minuto akong nakatunganga lang don at nanonood sa kanilang dalawa ni Maam Zenia.

          Ni hindi nila ako pinapansin. Ano hangin lang ako don? Sumama lang yung damdamin ko kase parang nabalewala ako eh. Oo namiss nila ang isa't isa dahil sa pagkakarinig ko eh. Ilang taon silang hindi nagkita. Pero sapat ba iyon para kalimutang nandoon ako? Hello, girlfriend po ako ha. GIRLFRIEND.

          Akala ko naman okay na dahil ipinakilala naman ako ni Sir Gadreel Kay Maam Zenia as girlfriend. Kaso hindi pala, nginitian lang ako ni Maam sabay balik na ulit sila sa pagkakamustahan. Kaya minabuti ko nalang magstay sa kotse. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko.

"Hoy!" Tinusok niya ako sa gilid.

"Ano?" Medyo iritado kong sagot sa kaniya. Huwag ngayon ha, mainit ang ulo ko.

"May problema ba?" Biglang lumambing yung boses niya. Hmmp. Kulang pa.

"Wala, masama lang pakiramdam ko!" Sagot ko sa kaniya, sabay dungaw sa bintana. I need air.

"Ganon ba? O sige, bilisan ko ng konte para makapagpahinga ka na agad." Sabi niya sabay balik sa pagmamaneho. Katahimikan ulit. Pero ang utak ko ay sobrang gulo at ingay. Ano ba kase sila? Bakit ganon sila magkamustahan. Naiinis ako. Pinagseselosan ko ata si Maam Zenia ng walang dahilan eh. Pero kase yung mga hawak niya kay Sir. Ugh. Basta.

"Mahal!" Tawag sa akin ni Sir. Idinantay niya yung kamay niya sa kamay ko. Hmp.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"May gusto ka bang itanong sa akin?" Malambing pero makahulugan niyang tanong. Tinutukoy niya ba yung about kay Maam Zenia? Sasagutin niya ba lahat ng tanong ko? Oo marami akong tanong na gustong masagot.

"Wala naman!" Sagot ko na pilit ang ngiti. Ayan ka na naman sa paiba iba ng isip Janice. Bipolar ka nga. Nahiya kase ako bigla eh. Baka kase pagtawanan niya lang ako pag nalaman niya kung bakit ako ganito ngayon.

"Sigurado ka?" Mas lumambing pa siya. Shemay ka naman Sir. Galit ako sa'yo eh. Bakit ka ganyan. Pinisil niya pa yung kamay ko. Mukhang desidido naman talaga siyang sumagot sa itatanong ko kaso nahihiya lang talaga ako.

"Opo, sigurado!" Wala na talo na ako. Napangiti na ako ng totoo. Paano naman hindi ako lalambot sa mga ngiti niya. Huhu. Papalampasin ko ito Sir. Pero pag inulit mo pa, yari ka na talaga sa akin. Kahit na fallen angel ka pa.

          Matapos noon ay bumalik na siya sa pagmamaneho. Hindi niya na kinalas ang mga kamay namin. Nakakainis ka talaga. Alam na alam mo kung paano ako mapapaamo.

          Nang makarating kami sa tapat ay agad niyang tinanggal ang seatbelt niya at bumaba. Umikot siya para makarating sa tapat ng pinto ko. Ay hindi siya nagteleport ngayon. Napangiti tuloy ako.

"Halika na!" Pang aalok niya sa akin. Nakuha niya na naman ang kiliti ko. Wala na, hindi na ulit ako galit sa kaniya. Tinanggap ko naman ang kamay niya. Akala ko ay babalik na siya sa kotse niya ngunit hindi pala. Sinabayan niya akong maglakad hanggang sa tapat ng kwarto. Pasimple naman akong napapangiti. Walang umiimik sa amin pero ramdam na ramdam ko siya. Pinipisil pisil niya kase yung kamay ko eh. Parang sira. Haha.

          Nung makarating sa tapat ng pinto ay binitawan niya na ako para mabuksan ko iyon. Pero nanatili lang siya. Pinanood niya pa ako. Naconcious tuloy ako bigla.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon