Janice's Point of View
Shete anong nangyayari? Tama ba yung narinig ko? Liligawan daw ako ni Sir? Napisil ko bigla yung kamay niya sa gulat. Hala bakit ko pinisil. Malalaman niyang nanginginig ako.
Tumitig lang siya sakin. Pagkatapos ay ngumiti. Shocks , sabi na eh. Alam ko naman ang isasagot ko sa tanong niyang iyon. Pero ayaw bumuka nung mga bibig ko. Pakiramdam ko kase mauutal ako at mapapahiya. Pero naghihintay si Sir. Teka, inhale, exhale. Okay sasagot na ako.
"Actually, I shouldn't be asking. I'll just do it. Hmm? I will court you!"
Yung puso ko wait lang. Abnormal na talaga. Baka atakihin ako nito. Hindi na ako nakasagot dahil iyon ang sinabi niya. Waaah. Bakit ganon yung dating sa akin. Hindi na siya humingi ng permiso para ligawan ako dahil gagawin nalang daw niya. Siguradong pulang pula ko na ngayon. Alam nyo yung speechless? Ako yun ngayon.
"Janice, hindi ako marunong manligaw, pero gagawin ko para sa'yo. Bigyan mo lang ako ng chance na patunayan na totoong gusto kita. Hindi kita mamadaliin. Kahit umabot pa ng habambuhay. Kung para sa'yo, handa akong maghintay!"
Wait lang naman ho Sir. Hinay hinay ka sa mga ganyang banat. Hindi ako prepared. Gustong gusto ko ng sumigaw pero hindi pwede. Nakakahiya sa mga mayayamang kasabay namin. Hindi daw siya marunong manligaw pero dahil sa akin gagawin niya. Woy, sobra na yun Sir. Tsaka kahit habambubay aantayin niya ako? Kahit nga ngayon palang Sir eh. Sayo na. Iyong iyo ang puso ko. Oo na agad, Sir. Joke. Hala Janice ang landi mo. Kelan ka pa nagkaganyan. Waahh. Eh kase si Sir. Kung ano anong sinasabi. Hirap na hirap na akong magpigil ng kilig. Kaya naman tumango nalang ako sa kaniya bilang pagsang ayon sa sinabi niya. Pagkatapos ay tumungo ako sa lamesa. Shete. Pulang pula ko na.
Binitawan niya na ang dalawa kong kamay kaya napatingin ako sa kaniya. Bagama't may mga latay ay nangingibabaw parin ang kagwapuhan ng fallen angel na ito. Di ko na alam ang gagawin sa kaniya.
"Hatid na kita?" tanong niya.
Ay oo nga pala. Tapos na kaming kumain. Yung sa venue and food. Sobrang approve sa akin. Kaso para kaseng hindi ako komportable eh. Pero okay lang kase kasama ko naman si Sir.
Nang makarating sa bahay ay umuwi na rin siya agad. Sakto lang kase nga magrereview din ako para sa finals namin.
'Pwede ba kitang ligawan?'
Waaaahh. Yun na naman yung nagflash sa utak ko. Ako na ba yung nagwagi? Hala ang yabang ko naman don. Eh kase naman. Masyadong pinapalakas ni Sir ang confidence ko sa mga ginagawa niya. Feeling ko tuloy ako ang Miss Universe, joke. Haha.
Makaakyat na nga lang para makapagsimula na sa pagrereview.
"Janice! Congrats!"
"Ay anghel!"
Nagulat ako don sa nagsalita, nasa itaas na siya ng hagdan. Si Azrael.
"Anghel nga ako!" nakangiti niyang sabi. Natawa tuloy ako. Ang goodvibes talaga lagi pag nanjan siya sa paligid. Tumakbo na ako sa hagdan palapit sa kaniya.
"Azrael! Waaah!" excited kong tugon ng makalapit ako sa kaniya.
"Alam ko na! Hilig mo ring kausapin ang sarili mo no? Nabasa ko tuloy!" natatawa siya. Naku ha, kung hindi ka lang anghel baka nabatukan na kita.
"What?"tanong nya. Okay nakakunot na ang noo niya. Allow ba silang gumanyan? Haha.
"Joke lang!" yun nalang ang sinabi ko
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorreurHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...