KABANATA 45

232 20 6
                                    

Janice's Point of View

          Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ito na yon, sigurado na ako. Matagal akong nalito sa nararamdaman ko noon. Gusto ko siya dati pa. Pero habang lumalalim ang pagsasama namin at pagkakakilala ko sa kaniya ay tuluyan na akong nahulog sa kaniya. Brown eyes na nangungusap, nakakatunaw kung tumitig at mga labing mapupula na tila nang aakit.

          Ngayon ko lang ito naramdaman. Ang umibig, bago ito sa akin. Wala akong alam sa ganitong bagay. Hindi ko akalaing dadating ang araw na ito. Na darating si Sir sa buhay ko para ituro sa akin ang kahulugan ng pag ibig. Na ang pag ibig ay hindi hinahanap, ito ay darating sa tamang panahon at oras. Ang pag-ibig ay walang pinipili. Kahit pa ilista mo sa notebook mo ang mga katangian ng taong gusto mong makasama. Basta't makilala mo ang para sa iyo ay mababaliwala ang lahat.

          Natutunan ko na ang pag-ibig ay biyaya. Sobrang sarap sa feeling ang mainlove. Parang lagi kang nasa alapaap. Lagi kang inspirado na gumawa ng tama. Parang nasa iyo na ang lahat. At pinaka huli, ang pag-ibig ay mahiwaga. Biruin niyo. Sinong mag aakala na ang isang ordinaryo at normal na taong katulad ko ay makakakilala ng isang napakamisteryosong nilalang, seryoso, nakakatakot, creepy, cold, walang gana, walang galang at higit sa lahat, gwapong fallen angel?

          Kung paglalaruan man kami ng tadhana, bakit? Bakit kami pinagtagpo at bakit kailangan pang mahulog kami sa isa't isa kung sasaktan lang kami sa huli. Bakit ba kase bawal at bakit hindi nalang naging mortal na tao si Sir. Ang daming panghihinayang sa utak ko. Mahal ko na talaga si Sir Gadreel to the point na ilalaban ko ang amin hanggang kamatayan.

          Masaya lang ako sa piling niya. Siya ang nagbigay ng kulay sa mundo ko. Siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na gumawa ng mabuti. Ipakita ba naman sa'yo ang impyerno. Sino namang hindi mapipilitang gumawa ng mabuti kapag ganon, hehe.

Sir, sana tayo nalang habambuhay.

          Ang haba ng pag iisip ko. Kanina pa ako dito sa study table ko habang nakaharap sa isang canvass. Hindi ko alam pero biglang naisipan kong magpinta at oo siya ang iginuguhit ko. Ang napakagwapo niyang mukha, isabay pa ang napakalawak na ngiti niya. Wala akong ni isang picture niya kase nga bawal iyon hindi ba? Pero siguro naman ito pwede na.

          Anong magagawa ko, kabisado ko na ang mukha niya. Siya lang lagi ang laman ng utak ko, pati puso hehe.

"Perfect!"

          Napangiti ako ng matapos ang isang painting niya. Wala akong kahit na anong talento maliban dito, kaya na rin ako nag architecture. Nais kong magdesign ng mga structures pero nang makilala ko si Sir ay nagbago. Gusto ko na din magpinta ng mga mukha ng tao. Hays. Ang laki ng impluwensya mo sa akin Sir.

          Itinabi ko ang unang canvass pagkatapos ay pinalitan ng isang malinis na bago. Ikalawang painting na balak kong siya ulit. Nagsimula akong gumuhit tuloy tuloy siya. Tila kabisang kabisa ko ang aking ginagawa. Ito naman ang itsura niya noong unang beses kaming nanghuli ng demonyo, yung dati niyang personal assistant. Itsura niya noong nagbago ang wangis niya. Scary pero hindi ako natakot. Iyon ang itsura niya bilang isang fallen angel. Fallen angel na minahal ko.

          Ang bilis ng oras, hindi ko namalayan. Umaga na pala. Natamaan ako ng sinag ng araw. Natapos ko na rin ang ikalawang pinta. Napangiti ako. Siyang siya.

          Inayos ko ang mga gamit ko. Dumiretso na ako sa kama ko at humiga. Ilang minuto lamang at tuluyan na akong nakatulog.

---

"Ma'friend! Kamusta ang date niyo ni Sir!" napakaingay ni Claire. Napatingin tuloy ako kay Ram. Kasama kase namin siya ngayon sa canteen. Lunes ngayon.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon