KABANATA 23

281 23 8
                                    

MABAGAL

Janice's Point of View

🎶Gusto kitang isayaw ng mabagal

     Gusto kitang isayaw ng mabagal

      Hawak kamay, pikit mata

     Sumasabay sa musika ah hah.

     Gusto kitang isayaw ng mabagal 🎶

          Ang bilis ng tibok ng puso ko. Unti unti na siyang lumalapit sa akin. Sa tindig niya, pananamit niya at paglakad niya. Isang tao lang ang kilala kong ganon.

Sir Gadreel!

Sigaw ng utak ko.

          Napatingin ako sa speaker dahil sa tugtog. Pag baling ko ay nasa harap ko na siya ngayon.

"Pwede ba kitang isayaw?"

          Kumpirmado, siya nga! Pero paano? His voice, mas lalong nakakahulog. Waaah.

          Hindi pa man ako nakakasagot sa gulat ay agad naman na niyang hinatak ang bewang ko. At sa pagkabigla ay napahawak ako sa dibdib niya. Ang aggressive mo Ser.

Shet.

         Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatitig lang ako ngayon sa mukha niyang nakamaskara.

         Maya maya ay dahan dahan na niyang hinawakan ang pulso ko at ipinatong sa mga balikat niya.

🎶Heto na ang kantang hinihintay natin

     Heto na ang pagakakataon na sabihin sayo

      Ang nararamdaman ng puso ko

      Matagal ko ng gusto sabihin ito🎶

WAAAHH!

SIR GADREEL. BAKIT MO AKO GINAGANITO?!

          Walang umiimik sa aming dalawa ngayon. At sa hindi malamang dahilan ay tila natuto akong sumayaw. Nakakasabay ako sa paggalaw ng mga paa niya.

          Yumuko ako ng konti para hindi niya mahalata na sobrang pula ko na ngayon. Magkakulay na kami ng gown ko. Oh Em.

🎶Pag natapos na, ating kanta

     At wala ng musika ah hah

     Kakantahan ka ng acapella sa iyong tenga

     At nanamnamin natin ang pagsasama 🎶

          Matatapos na ang kanta kaya naglakas loob na akong humarap sa kaniya. Tinitigan ko ng mabuti ang mga mata niya. Hindi ako pwedeng magkamali. His brown eyes na nagiging blue minsan.

"You're more beautiful, tonight"

          Hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Sobrang halo halo na. Lalo ng sabihin niya ang mga katagang iyon. His compliment. Narinig ko na iyon ng maraming beses kanina pero bakit noong siya ang nagsabi ay tila gusto kong maniwala. Na tila totoong maganda ako ngayong gabi.

          Pero may isa pang dapat gawin para masiguradong siya talaga itong kaharap ko. Kailangan kong makita ang mukha niya. Hindi ako pwedeng basta basta magdecide na siya nga ito lalo at hindi ko nakikita ang mukha niya. Kaya naman dahan dahan kong inangat ang kamay ko papunta sa maskara niya.

Ikaw ba talaga iyan ,Sir Gadreel?

Malapit na

Konti nalang

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon