KABANATA 49

215 19 10
                                    


Janice's Point of View

          May nakapanood na ba dito nung Alladin? Waah. Feeling ko tuloy ako si Princess Jasmin. Hindi nga lang kami nakasakay sa magic carpet pero nililibot namin ngayon ang buong Pilipinas. Buhat buhat ako ngayon ni Sir. Yung pang bagong kasal.

          Jaw dropping talaga yung mga napupuntahan namin. Hindi ako mayaman kaya wala akong kakayahang magtravel around the country kaya naman sobrang saya ko ngayon. Isa ito sa mga bucket list ko na plano ko sanang tuparin kapag mayaman na ako. Pero hindi ko na pala kailangang antayin iyon.

          Ang daming kayang gawin ni Sir. Lagi niya talaga akong napapasaya sa mga ganito niyang surpresa. Hindi ako makapaniwala na sa loob lamang ng isang gabi ay nalibot ko ang buong bansa. May mga pinapasukan kase kaming mga portals. Instant lang dahil nasa destination na kami agad.

          Parang hindi ko naramdaman ang pagod sa buong shift ko dahil nakakarelax.

          Huminto kami sa isang dalampasigan. Ang ganda ng mga buhangin. Parang pinkish, ngayon lang ako nakakita ng ganon kaya manghang mangha ako. Maya maya pa ay nagsnap ng finger si Sir. Sakto namang nagpakita na si Haring Araw. Pinapanood namin ang bukang liwayway, nakasandal ako sa balikat niya. May mga lumutang na mangilan ngilan na buhangin tapos kumikilap ang mga ito dahil sa sinag na natatamo nila mula sa araw. Fantastic.

"Salamat Sir!"

          Niyakap ko siya ngayon habang nakasandal ako sa dibdib niya. Niyakap niya din ako pabalik.

"Para sa'yo. Kaya kong gawin ang lahat!" sagot niya. Napangiti nalang ako. Ayaw ko ng matapos ang araw na ito. Sa isang islang kami lang ang naroroon. Sa islang walang panganib na nakaabang. Islang hindi bawal ang aming pagmamahalan.

"Sir?" tumingin ako sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin.

"Hmm?" malambing niyang tanong.

"Bakit mo ako mahal?" tanong ko sa kaniya. Parang gusto kong malaman kung bakit nga ba.

          Umayos siya ng pwesto niya at humarap sa dalampasigan. Parang nag iisip siya. Matapos iyon ay tumitig siya sa akin. Matutunaw ata ako.

"Hindi ko alam!" sagot niya. Parang nadissappoint ako sa sinagot niya. Bakit naman hindi niya alam.

"Eh ikaw, bakit mo ako mahal?" ibinalik niya sa akin yung tanong. Bigla akong nag isip. Bakit nga ba? Ngunit walang lumabas sa utak ko. Bakit ganon. Bakit wala akong maisip na dahilan kung bakit ko siya mahal.

"Hindi ko din alam Sir" sagot ko sa kaniya. Napangiti siya. Hindi ba siya nadissappoint? Kase ako oo nung sinabi niyang hindi niya alam kung bakit niya ako mahal.

"Ibig sabihin non. True love!" sabi niya.

"Ha?" naguluhan ako sa sinabi niyang iyon.

"Dahil love is unexplainable. Walang rason kung bakit mahal mo ang isang tao. When you feel it. That's love."

"It doesn't matter who the person is. Walang pinipili ang pag-ibig. Basta masaya ka, palagay ka kapag malapit siya at nagiging totoo ka pag kasama siya. Dun mo marerealize na mahal mo ang isang tao."

"In Love. We don't need reasons. What we need is realizations!"

          Nakatulala lang ako habang sinasabi niya ang mga iyon. Ang gwapo niya kayang mag explain.

          Tama siya, masaya ako sa kaniya. Panatag ako lagi at higit sa lahat totoo ako pag kasama siya. Hindi ako takot ipakita sa kaniya kung sino talaga si Janice Panganiban. Hindi ko kailangang magpanggap sa harap niya. And that' s when I realized na minamahal ko na siya.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon