Janice Point of View
Parang galing ako sa isang napakahabang panaginip. Panaginip na napakasakit, panaginip sa sana panaginip lang talaga. Pero hindi, dahil ang panaginip na iyon ay totoo.
Alam kong namatay ako ng gabing iyon. I can feel it. I still feel the pain. Sakit na dulot ng lason na pinilit ipainom sa akin ni Kevin at Zenia.
Habang lumalalim ang lason sa katawan ko ay mas sumasakit. Pamanhid ng pamanhid ang buong katawan ko noon. Para akong nasusunog sa init. Kinapos ako ng hinanga at tuluyan na akong nawalan ng buhay.
Ang sabi nila, kapag namatay ka daw. Kakawala daw ang kaluluwa mo sa iyong katawan upang mag gala at magmuni muni. Pero iba ang nangyari sa akin. I was dead. Pero ang kaluluwa ko ay nanatili sa katawan ko na tila nakakapit parin at parang ayaw bitawan ang katawang lupa ko.
Para akong gising pero hindi nila alam. Hindi sila aware at wala silang kamalay malay.
Napatingin ako sa kanilang tatlo ngayon. Sinubukan ko parin siyang hanapin sa kanila. Nag antay pa ako ng ilang segundo pero wala talaga. Napatingin ako kay Claire. Mugto na ang mga mata niya, alam kong inaantay niya lamang ang signal ko at lalapit na siya agad para yakapin ako.
Pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit sobrang hirap gawin. Napangiti na din siya sabay lapit sa akin para yakapin ako ng napaka higpit. Doon ko na ibinuhos ang mga luhang pilit ng kumakawala sa mga mata ko kanina pa.
I know everything. Alam ko ang mga naganap habang nakahimlay ako. I heard it all. And napaka hirap non para sa akin dahil wala akong magawa, hindi ko sila masagot sa mga sinasabi nila.
Na nag alala silang lahat sa akin. Si Cliare halos mabaliw na nga eh. Si Azrael na tumunton sa akin, at malaki ang naitulong sa naging pagkabuhay ko. Si Ram na nagsilbing lakas ni Claire para sa akin.
At si Sir Gadreel....
Akmang bibitaw na si Claire sa pagkakayakap niya sa akin ng bigla ko siyang hilahing muli. Mas hinigpitan ko ang yakap at sumubsob sa balikat niya.
Si Sir Gadreel na nagsakripisyo ng kalayaan niya para sa akin.
It's really hard for me. Lalo ng magpaalam na siya sa akin. I can't see him. I only heard his voice. I tried to pull my soul out sa katawan ko para makita siya at makausap sa huling pagkakataon pero hindi ko nagawa.
Parang dinudurog non ang puso ko. Sobrang nakakalungkot at sobrang sakit. Bakit? Bakit kailangang mangyari sa amin ito?
Ang bilis naman non. Ang daya naman. At ang sakit naman.
'Mahal na mahal kita!'
Paulit ulit ko mang sabihin pero sobrang sakit talaga. Wala na siya eh, hindi ko na siya makakasama kahit kailan.
Ang nag iisang lalaking nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Lalaking naniniwalang maganda ako, lalaking palaging nagliligtas sa akin pag nanganganib ang buhay ko, lalaking nanjan sa lahat ng problema ko, lalaking sasabayan lahat ng trip mo kahit labag sa kalooban niya, lalaking masungit, lalaking bipolar, lalaking creepy ngumiti, lalaking isip bata minsan, lalaking fallen angel pala, lalaking mahal na mahal ako at higit sa lahat, lalaking mahal na mahal ko.
Bumitaw na ako ngayon kay Claire sa pagkakayakap niya. Nakapanood lang sa amin si Ram at Azrael.
"Ma'friend!" sobrang lungkot nong pagkatawag niyang iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...