KABANATA 5

416 38 3
                                    

TRABAHO sa BAKASYON

Janice's point of View

          Nagising ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan akong tumayo sa kama ko.

          Teka, kama ko? Agad namang nawala ang antok ko pang diwa ng malamang narito ako sa loob ng apartment ko. Teka, nahimatay lang ako pero tanda ko ang lahat ng nangyari. Wala akong natatandaan na umuwi ako ng bahay.

          Nakakita ako ng sobrang nakakatakot na multo sa jeepney kagabi at sinundan niya ako hanggang sa huling eskinita bago sumapit ang apartment ko.

          Paano ako nakarating dito? Muli kong inalala ang huling nangyari.

          Noong dumidilim na ang paningin ko ay may nakita akong isang lalaking paparating. Tinawag niya ang pangalan ko ng dalawang beses habang tinatapik ang mga pisngi ko, pero hindi ko maaninag ang mukha niya. Masyadong malabo at madilim ang lugar para makita ko ang buo niyang mukha. Napahawak ako sa katawan ko at tila naramdamang muli ang mga bisig niya na bumuhat sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

          Sino? Sino ang lalaking iyon na nagligtas sa akin, sino? Napahinto naman ako sa pag-iisip ng mapatingin sa orasan.

"Sh*t"

          Mag aalas-sais na ng umaga. Unang araw ko ngayon sa trabaho ko bilang isang Personal assistant sa mahiwagang palapag ng 13th floor.

          Agad na akong tumayo at naghanda para pumasok. Hindi ako maaaring malate dahil nakakahiya kay Maam Lisa. Sabi niya ay aantayin niya daw ako sa unang araw ko. Binilisan ko ang kilos upang makarating ako ng alas otso ng umaga. Iyon kase ang oras ng aking pasok.

          Matapos mag ayos at maghanda ay umalis na ako ng bahay. Kinilabutan nanaman ako ng makakita ng Jeepney. Ano ba yan, kahit na natrauma ako ay wala akong nagawa kaya sumakay na ako. Hindi naman kase ako mayaman para magtaxi no, ikakain ko nalang ang ibabayad ko don.

          Nang makarating sa Building ay bigla naman akong namroblema ng maalala na wala nga pala ang 13th floor sa numericals ng elevator kaya paano ako makakarating doon? Hays. Problema talaga ito.

"Janice? Ikaw nga, anong ginagawa mo dito?" napalingon naman ako ng biglang may tumawag sa akin mula sa likod .

"Maam Riza!" agad naman akong tumakbo para salubungin siya.

"Kamusta? Diba last day mo kahapon. Namiss mo kami agad no?" pang-aasar sa akin ni Maam.

"Totoo Maam, namiss ko kayo agad. Pero hindi po ako sa office pupunta eh. May inaasikaso lang po ako dito." nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Ahh ganon ba? Daan ka minsan sa office ha. Miss ka na rin ng mga katrabaho mo don for sure. O siya una na ako ha, malalate ang Maam. Alam mo na workaholic" at nagtawanan naman kami. Nagsimula ng lumakad si Maam Riza palayo ng biglang may maalala ako.

"Maam Riza!" tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya ng nakangiti.

"Kamusta na po si Maam Lisa, yung kakambal niyo?" matagal ko na kase talagang gustong itanong ang tungkol dito. Kaso lagi kong nakakalimutan, natapos na ako't lahat sa OJT ko.

          Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tila nagulat siya sa tanong ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa kakambal ko?" gulat na tanong niya. Sa tono ng pananalita at ekspresyon ng mukha niya ay tila mali na nagtanong ako.

"Ay pasensya na po. May nakabanggit po kase sa akin na may kakambal kayo. Nacurios lang po ako na baka po 'sing bait mo siya" mukhang ayaw niya pag-usapan kaya mabuting huwag ko nalang sabihin na nameet ko na ang kakambal niya.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon