KABANATA 29

248 24 8
                                    

Janice's Point of View

"Mag ingat kayo!"

"Mag iingat kayo!"

          Sabi ng multo na kasama ko ngayon dito sa makitid na cubicle. Hindi ko siya nagets. Mag iingat daw kami. Sa kaniya kaya? Kung sa kaniya, eh bakit kami pag iingatin? May masamang loob ba na babalaan ang mga magiging biktima niya? Parang wala naman. Kaya naglakas narin ako ng loob na mag salita.

"Bakit mo 'to ginagawa sa mga kababaihan, may galit ka ba sa kanila?" Tanong ko.

          Tinitigan niya ako. Oo wala siyang mata pero common sense nalang, nakaharap kase siya sa mukha ko.

"Hindi ako ang gumawa ng mga iyon. Siya!" Sagot niya.

Ha?

"Siya? Sinong siya?" May iba pa bang multo dito maliban sa kaniya?

"Si Rebbeca!" Medyo galit ang tono niya sa pagbanggit ng pangalang iyon.

"Si Rebbeca! Ang pinagsimulan ng trahedya dito matagal ng panahon ang nakakaraan. At ngayon ay bumalik siya upang buksan ang panibagong sumpa!" sagot ng multo.

"Po? May trahedyang nangyari dito matagal ng panahon ang nakakaraan? Bakit hindi po namin alam!" At pagkatanong ko noon ay nagsimula na siyang maglahad.

"Si Rebbeca noon ay ang tinaguriang pinakaMaganda, pinakaMatalino at pinakaTalented ng aming henerasyon. Halos lahat ng kalalakihan ay nagkakandarapa sa kaniya, makakuha lang ng atensyon niya. Maliban sa isa, si Danilo. Ang aking kasintahan!" Malungkot niyang sinabi ang pangalang Danilo.

"Si Danilo na kasintahan ko ay lihim palang minamahal ni Rebbeca na kaibigan kong matalik. Hindi ako ang pinakamaganda noon pero may angkin din naman akong karikitan kaya nabighani sa akin si Danilo. Ngunit lingid sa aking kaalaman ay nagkikita pala silang dalawa ng hindi ko alam. Sinabi sa akin noon ni Danilo na wala siyang interes kay Rebbeca dahil ako ang mahal niya" pagpapatuloy niya. Nakikinig na ako ngayon ng mabuti sa kwento niya. Parang ang sakit naman ata non.

"Ngunit isang araw ay nakita ko sila na naghahalikan. Hindi pa ako makapinawala noong una. Kaya lumapit ako sa kanila at ng masiguradong sila nga ay bigla kong nasampal si Rebbeca. Napuno ng galit ang puso ko. Nasa kaniya na ang lahat, luho, talino, ganda at atensyon. Pero bakit siya ganid at pati ang akin ay gusto niyang makuha." dati pa pala talaga may mga sulutang nagaganap.

"Hindi ko napigil ang galit ko kaya pinagkalat ko ang lahat. Hiniwalayan ko si Danilo at tinalikuran na ako ni Rebbeca. Nasira ang imahe niya sa lahat. Nalaman ko nalang sa mga kaklase ko pagkalipas ng ilang araw na sila na ni Danilo. Pinilit kong hindi masaktan at maghinanakit kaya hinayaan ko sila. Ngunit makaraan lamang ang ilang linggo ay natagpuang bangkay na si Danilo kasama ang lima pang babae na hinihinalang naging kalandian niya habang sila ni Rebbeca." Ang playboy naman nung Danilo na iyon. Pero hindi iyon sapat para patayin siya.

"Pinuntahan ko si Rebbeca sa bahay niya ng mabalitaan ang nagyari at para kumprontahin siya ngunit nagulat ako sa nadatnan ko. Madaming kandilang itim at pula sa paligid. Naabutan ko siya noong may isinasagawang ritwal. Isinusumpa niya na papatayin niya ang lahat ng babae ni Danilo at kabilang na si Danilo doon. Pinigilan ko siya ngunit napagbuntungan niya rin ako ng galit"

"Parang hindi na siya iyon. Napakagulo ng buhok niya at dungisin na siya, may mga dugo din sa bibig niya. Nakipagkasundo siya sa isang demonyo. At kapalit ng pagsasakatuparan ng sumpa ay ang kaluluwa niya. Dinukat niya ang isang mata ko, sobrang sakit pero hindi pa ako namamatay. Nakita ko pa na kinain niya iyon. Ng maubos niya ay muli na niyang dinukat ang isa ko pang mata. At iyon nalang ang naaalala kong huli bago ako mamatay."

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon