PRECIOUS LIFE
Gadreel's Point of View
Namiss ko na agad siya. Kakaalis ko lang sa kanila eh. Ano ka ba naman Gadreel. Ilang minutes palang yung nakalipas.
Bumalik kaya ako, tapos ayain ko ulit siyang magmovie marathon. Tama, nakulangan kase ako don sa napanood namin kanina eh. Although wala namang ganon sa totoong buhay, I mean yung mga zombies. Pero naintriga ako sa concept eh. Masyadong magaling ang imaginations ng mga creators nung movie. I must admit na nakakahanga sila.
Pero balik tayo sa idea kong pagbalik doon. Marami pa naman siyang movies don sa laptop niya eh. Nagsignal na ako agad na mag yu U-Turn ako. Kaso napatigil ako.
Huwag na lang kaya. May pasok kase siya bukas eh. Ayaw ko namang mapuyat siya at mahirapan bukas sa trabaho niya. Sabagay, maghapon naman na kaming magkasama kanina eh. Ayos na yun. Bawi nalang ulit sa susunod. Umuwi nalang ako sa 13th floor. May mga naiwan pa kaseng konting trabaho para sa akin, tapusin ko nalang yun.
Naalala ko naman yung mga pinaggagawa namin kanina. Sobrang nag enjoy talaga ako eh. Biro niyo iyon. Nag arcade ka lang tapos naging hyper ka na. Akala ko pambata lang iyon eh. Nakakatuwa pa si Janice pag natatalo. Nakanguso lagi eh. Napaka cute pa naman ng babaeng iyon.
Naka pangalumbaba na ako ngayon sa lamesa ko habang nag iisip. Lintek, nakangiti na pala ako sa kawalan. Ang lakas ng impact niya sa buhay ko.
Siya nalang lagi ang iniisip ko at inaalala. Mga mukha niya na gusto laging makita, pati ang mga labi niyang gustong gusto ko laging halikan. At oo nga pala, ninakawan niya ako ng napakaraming halik ha.
Akala niya ba nanlambot at natulala ako non? Edi tama siya ng akala don. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sakin eh. At pagkatapos akong nakawan ng mga halik ay sabay tatakbo ng mabilis? Pasalamat lang siya at hindi pa ako makagalaw non sa gulat dahil talagang gaganti ako sa kaniya.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Hulog na hulog na ako sa kaniya. Wala na, tuluyan na akong nabihag sa malalambing niyang galaw at pusong mapagkalinga niya. Teka nga , bakit ba ang lalim ko ng managalog ngayon. English ako lagi dati ah. Malamang impluwensya na naman ni Janice. Sa kaniya na umiikot ang mundo ko ngayon. Hindi ko alam kung alam niya iyon. Basta ako, mahal na mahal lang siya.
Gusto ko siyang samahan sa pagtanda niya. Alam kong hindi tumatanda ang itsura ko. Basta nais ko siyang makasama habang nandito siya sa mundong ito. Gagawin ko ang lahat para magtagal siya dito. Para mas makasama pa ng mas matagal.
Ang ending, hindi na rin ako nagtrabaho. Inisip ko lang siya buong magdamag. Wala eh, malakas na ang tama ko sa babaeng iyon.
Janice, bakit mo ba ako ginaganito?
---
Kinabukasan.
Nakatulog na pala ako kakaisip sa kaniya. Napatingin ako sa orasan at napatayo agad ng makita ang oras. Ala una na ng hapon. Lintek, bakit ako nalate ng gising. Dumiretso na ako agad sa CR dito at naligo.
May mga gamit talaga ako dito sa office, halos dito na ako nakatira eh. Malamang, alangan bumalik muna ako sa impyerno para magpalit. Isa pa, walang tubig don. Puro apoy. Kaya ngayon alam niyo na. Hindi sila naliligo doon.
Nagmadali na ako siyempre. Baka hindi ko na maabutan sa kanila si Janice, anong oras na eh. Masyadong crowded ngayon ang lansangan kaya naman hindi ako makapagteleport para mabilis lang sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/235138953-288-k572786.jpg)
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorreurHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...