Janice's Point of View
"Hoy! Janice, kanina ka pa jan tulala. Anong nangyari sa'yo?"
Napakurap naman ako ng biglang magsnap ng finger si Claire sa harapan ng mukha ko.
Nandito kami ngayon sa isang bench habang nag hihintay ng susunod na klase. Vacant time kase namin.
Kagabi lang yung ginawa kong pagtatapat kay Sir Gadreel kaya naman sariwang sariwa pa sa isip ko ang lahat.
Flash back!
Matapos niyang sumagot ng 'basta'
sa mga tanong ko sa kaniya ay tumalikod na ito at dumiretso sa paglalakad. Kaya naman nataranta ako at biglang nasabi ang mga salita na talagang hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ng hindi oras."Sir.....
..... I Like You!"
Matagal siyang huminto sa tapat ng pinto at sa halip na humarap sa akin ay dumiretso siya ng lakad paalis.
Nagstay pa ako doon ng mga ilang minuto dahil sa kahihiyan. Nakakahiya sobra!
Balak ko pa sanang magtagal sa silid kaya lamang ay bigla akong nakadama ng lamig. Shet.
Kaya tumakbo na rin ako palabas.
End of flashback.
Wala akong mukhang maihaharap kay Sir bukas lalo at may klase siya sa amin. Mag absent kaya ako? Huhu. No, baka ibagsak niya ako.
Natapos na ang vacant namin kaya nagtungo na kami sa room namin.
Wala pa si maam kaya tambay lang muna kami ng konti. Bigla namang tumabi sa amin si Ram. Mukhang maganda ang gising niya ngayon.
"Hey, malapit na birthday ko! Sa isang linggo na. Aanyayahan ko sana kayo. Sana makadalo kayo." pagkasabi niya noon ay may iniabot siya sa aming sobre. Invitation letter. Pangmayaman ha.
"Woah. Talaga? Advanced happy birthday!" sabat ni Claire na nagniningning ang mga mata.
"So, aasahan ko ba kayo doon?" tanong ni Ram.
"Oo naman, diba Janice?" nakangiting sagot ni Claire.
Sa totoo lang ay wala akong hilig na dumalo sa mga party na ganyan. Bukod sa tinatamad ako eh nakakahiya din.
"Hindi ako sure eh, try ko" pilit kong sagot.
Nakita ko namang sumimangot ang mukha ni Ram. Nahalata niya ata na hindi ako interesado.
"Hala, ang KJ naman ng bestfriend ko" siniko na ako ngayon ni Claire. Parang nagtatampo na din.
"Eh, formal attire daw kase eh. Wala naman akong formal dress!" reklamo ko. Eh kase naman, pang mayamang event iyon. Medyo nakakahiya kaya.
"Yun lang ba? Walang problema, ako na ang bahala sa susuotin mo" pagkasabi noon ni Ram ay ngumiti na ito. Tila nabuhayan ng pag asa.
"Oh yun naman pala eh. Sige na ma'friend, sama na tayo" pangungulit ni Claire.
"Eh nakakahiya naman, Ram. Ikaw na nga yung may birthday tapos ikaw pa ang gagastos sa susuotin ko, eh bisita lang naman ako. Ayoko non" sagot ko nalang. Tsaka bakit niya naman ako bibigyan ng maisusuot. Special ba ako?
"Eh. Pumunta na kase kayo. Minsan lang naman eh, tsaka kasama buong klase" sagot niya.
Wala na akong nagawa, mapilit silang dalawa eh. Pagtulungan ba naman ako. Pero sinabi ko na hindi na kailangan ni Ram na bigyan ako ng masusuot. Magrerenta nalang ako ng formal dress sa divisoria. Mura lang naman siguro iyon.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
TerrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...