KABANATA 37

243 19 7
                                    

Janice's Point of View

"Ginulat mo naman ako, Azrael!" Medyo tumaas yung boses ko doon. Grabe kase talaga yong nangyari ngayon lang.

"Easy Janice, ako lang to" nakangiti niyang sagot. Pero imbes na mayabangan ako don sa sinabi niya eh napangiti pa ako. May kakaiba talaga sa lalaking ito.

"Dito ka rin ba nakatira?" Tanong ko. Dumiretso na ako sa paglakad. Sumabay naman siya sa akin.

"Hindi, sinabayan lang talaga kita!" Sagot niya. Kaya napatingin ako sa kaniya ng diretso. Nakangiti lang naman siya. Ang gaan talaga ng aura niya.

"Bakit mo naman ako sasabayan?" Naguhuluhan na ako.

"Utos ni Gadreel" binulong niya sa akin iyon.

"Ha? Bakit daw?" Agad kong mga tanong. Yun kaya ang importanteng sinabi ni Sir Gadreel noon kay Azrael?

"Nagtaka ka pa eh lapitin ka ng mga taga kabilang mundo. Tignan mo ngayon lang, muntik ka nanaman!" Sabi niya. Sabagay, pero bakit naman ako papabantayan ni Sir dito. Ano ba itong si Azrael? Fallen angel din kaya siya?

"....nag aalala lang sa'yo si Gadreel!" Dagdag niya ng mapansing tila may mga katanungan ako sa utak ko. Napangiti naman ako doon sa nag aalala sa akin si Sir, kaya ko kaya Ser. Waah. Pero may mas gusto akong alamin.

"Fallen Angel ka rin ba?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

"Hahaha. Kung fallen angel ako. Edi kahapon ka pa sana patay!" Natatawa niyang sabi.

Ano daw? Paano niya naman nasabi ang ganon? Napatigil tuloy ako.

"Walang mabait na fallen angel!"

"Si Gadreel lang!" Mga pahabol niyang salita.

Natigilan nanaman ako doon. Walang mabait na fallen angel? Ibig sabihin na totoo talaga ang lahat ng nabasa ko sa internet. Pero bakit si Sir, mabait. Anong dahilan. Mabait na ba talaga siya noon pa o ngayon lang noong makilala niya ako? Wah. Bakit ang assuming ko don sa part na ako ang nagpabait sa kanya.

"Oo ikaw ang dahilan!" Napatingin ako dito sa kasama kong si Azrael.

"Nababasa mo ba ang sinasabi ng utak ko?" Nakakunot na ako. Kase naman diba, kanina niya pa sinasagot ang mga tanong ko sa isip ko.

"Yup!" Nakangiti niyang sagot.

"Ano? Paano?" Bigla akong nahiya. Huwag ko nalang muna sigurong isipin si Sir kase malalaman nitong katabi ko, pero naman. Namimiss ko talaga si Sir eh. Paano ba.

Napatingin ako sa kaniya. Nakakaloko yung tingin niya. Waaah. Nabasa niya nanaman?

"Empath ako eh!" Sagot niya sa tanong ko.

"Ha? Ano yun?" Empath daw siya eh. Parang ngayon ko lang narinig ang word na yon.

"Ability yon to read minds" sagot niya. Namangha naman ako. May mga ganoon bang tao? Ay teka, tao ba ito?

"Kung hindi ka fallen angel, eh ano ka? Anong koneksyon mo kay Sir?" Bigla tuloy akong nacurious sa pagkatao niya.

Saktong umakyat na ako sa jeep. Inalalayan niya ako, ay gentleman naman niya. Lumingon ako para antayin ang sagot niya.

"I'm his brother!" Sigaw niya. Umandar na yung jeep. Hindi ata siya sasakay.

"And hindi ako fallen angel!" Sigaw niya kase medyo malayo na yung jeep. Hindi ko parin inalis ang mga mata ko sa kaniya kaso bigla itong naglaho.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon