Janice's Point of View
Bumalik sa pagiging kalmado ang lahat. At malaki ang nagawa doon ni Maam Zenia. Masyadong positive vibes ang dala niya. Parang walang nangyaring kababalaghan nitong mga nagdaang araw.
Medyo kinilig naman ako nung kindatan niya ako kanina. Wahh. Kilala niya kaya ako?
Usapan siya ngayon sa buong branch namin. Masyado kase siyang mabait sa lahat. Hindi siya mahilig mag utos dahil kapag kaya niya ay siya na mismo ang gumagawa noon.
Marami din siyang ginuguide sa mga tranaho nila. Kung paano ang proper look, proper na posture, sa pagluluto, pagpapack ng take outs at iba pa. Masyado siyang on hands sa amin pero hindi iyong nakakainis. Malumanay siyang gumalaw. Na parang matutuwa ka pa kapag nautusan ka niya.
Noong lunch break namin ay tinipon niya kaming lahat upang sabay sabay kumain. Oh diba ang bait niya. Makikisabay siya sa mga empleyado niya. Masyado kaming masaya na nakalimutan agad namin ang insidente sa storage room.
Naging topic din namin siya ni Sheena sa counter. Paano naman kase, para siyang Goddess sa ganda. Talagang mapapalingon ka kapag makakasalubong ka niya.
Umayos ang lahat sa isang iglap. Naging kampante na kaming muli sa mga trabaho namin. Noong sumapit ang alas diyes ay agad kaming nagtipon tipon nila Sheena, Glen at Bryan. Plano naming dalawin si James. Sabi kase nung mama niya ay nagkamalay na ito. At ito na din siguro ang tamang oras para malaman namin ang katotohanan sa nangyari sa kaniya.
"Guys!" tawag sa amin ni Maan Zenia. Bukod kase sa aming apat eh naiwan parin siya. Ang sipag ni Maam.
"Po Maam?" sagot naman naming apat.
"Sorry, kase narinig ko yung usapan niyo kanina at balak niyong bisitahin si James, tama ba?" tanong niya sa aming lahat.
"opo Maam eh!" sagot ni Glen.
"Bakit po?" dagdag pa ni Sheena.
Nakatingin na kaming lahat ngayon kay Maam.
"Pwedeng sumama?" tanong niya sa amin na ikinagulat ng lahat.
"Sigurado po ba kayo Maam?" tanong ko. Eh kase hindi niya kilala si James eh.
"Curious din kase ako. Tsaka nag aalala. Pwede kaya?" malambing niyang sagot sa aming lahat.
"Sige Maam." nakangiting pag sang ayon ni Bryan.
Siyempre, sang ayon na rin kaming lahat. Sino ba naman kami para pagbawalan si Maam. Isa pa ay nagmamalasakit lang siya sa tao.
Nag offer pa sa amin si Maam na sumabay na sa kaniya kase may dala siyang kotse. Nakakahiya nga lang kaso nag insist siya.
Grabe ang bait ni Maam. Makwento siya sa biyahe. At talagang malambing siyang manalita. Kaya naman hindi namin maiwasan na gumaan ang loob sa kaniya.
Pagdating namin sa hospital ay agad naming hinanap ang room na kinaroroonan ni James. Naabutan namin doon ang mama niya. Kinausap lang namin saglit pagkatapos ay lumabas na para bigyan kaming magkakaibigan ng time.
Tulala pa rin si James noong makita kaming lahat. Ngunit nagbago noong mapatingin siya kay Maam. Bigla siyang naging normal ulit.
"Guys?"
Nagulat kaming lahat ng magsalita siya.
"Naalala mo na kami? Nakakaalala ka na?" lumapit na kaming lahat sa kaniya.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
TerrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...