MOST WANTED PRISON OF HELL
Janice's Point of View
"SIR!"
"SIR!"
Hingal na hingal akong pumasok sa office. Mag aalas otso palang pero inagapan ko talaga ang pasok.
"Ang aga mo ata" tila walang kaemo-emosyon niyang sagot.
"Sir. Idedetalye ko na ang nasaksihan ko kagabi" dali dali akong lumapit sa kaniya. Kumuha ako ng bakanteng upuan at umupo sa harap niya.
Napansin ko naman na parang nagulat siya sa ginawa ko.
"Atras ka ng konti. Ang lapit mo."
Para namang nahiya ako bigla. Ang lapit ko nga.
Umatras ako ng konti at nagsimula ng magkwento.
Simula simula talaga at detalyadong detalyado. With actions pa ako habang nagkukwento kay sir. Hindi kase ako makapaniwala sa nasaksihan ko kagabi.
Oo nakakakita na ako ng mga sinasaniban sa palabas pero iba pala sa totoong buhay. Sobrang nakakapangilabot at nakakapanindig balahibo.
Habang todo explain ako dito kay Sir ay tila naman hindi siya ganoon kaimpress. Poker face lang siya habang nakatitig sa akin.
"Sir!"
"Sir!"
Nagsnap na ako sa harap niya tsaka palang siya gumalaw. Nakatulala ba siya?
"Ha? Sige tuloy mo!" plain niyang sagot. Napakunot nalang ang noo ko. Hindi nakikinig.
So ayon itinuloy ko na ang kwento sa kaniya. Napag alaman ko rin naman na isa ngang demonyo ang sumanib kay Clarise. Ang pangalan ng demonyong iyon ay Lefar. Ang sabi ni Sir. Si Lefar daw ay isang demonyo na naghihintay ng tawag. Nakakulong siya sa impyerno ngunit everytime daw na may nagsasagawa ng spirit of the glass ay lumalakas ito at ipinipilit ang sarili na siya ang matawag ng mga taong nagsasagawa ng spirit of the glass para muling makatakas sa impyerno at makapaghasik ng lagim.
Wala itong pinipili o kinakatakutan. Kahit daw si Satanas na pinuno ng impyerno ay kinakalaban niya kaya naman ikinulong siya sa impyerno.
Tila kinilabutan naman ako sa narinig kong kwento ni Sir. Parang nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako para tumulong.
Sa huli ay nagdesisyon na akong tumulong. Nakakausap ko rin kase minsan si Clarise at alam kong mabait naman siya. Mas makakahinga ako ng maluwag kapag isa ako sa mga tutulong sa kanya.
Sinabi rin ni Sir na hindi umaalis sa katawan ng biktima si Lefar hanggat hindi tuluyang namamatay ang biktima. Inuunti unti niya raw kainin ang mga laman nito bago ihuli ang puso na ayon kay Sir ay siyang paborito nito.
Bloody hell!
Kaya pala kinakain ni Clarise ang sarili niya kagabi. Grrr. Napapilig ako para mahimasmasan.
Matapos ang paliwanagan namin ni Sir ay bumalik na ako sa desk ko. Wala pa siyang sinasabing plano sa akin. Baka mamaya.
Sumapit na ang lunch kaya sinundo na ako ni Maam Lisa. Nakakapagtaka lang dahil sumama nanaman sa amin si Sir. Ano bang trip niya?
Hindi kami masyadong makapagchikahan ni Maam dahil katabi namin si Sir. Madalas kase na siya ang topic namin lagi dahil sa mga rants ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)
HorrorHave you ever use an elevator? Most of us did. But what if one time, that elevator you used to ride everyday put you to a floor you shouldn't be. Are you brave enough to discover the mysteries that lies beyond that floor, or smart enough to realize...