KABANATA 56

183 17 8
                                        

Gadreel's Point of View

"Sir, kinakabahan na po ako. Saan po ba siya pwedeng pumunta at sino naman ang pwedeng sumundo sa kaniya kanina?" magkasama kami ngayon ni Claire dito sa kotse. Hindi ko na nga siya sinasagot eh. Kanina pa siya daldal ng daldal. Naririndi na nga ako pero hinahayaan ko nalang siya.

"Si Zenia!" bigla kong sagot. Wala din siya kanina doon diba, usually. Bigla bigla siyang sumusulpot dati sa aming dalawa ni Janice.

"Sino yun?" halos hindi na ako igalang ngayon ni Claire. Naiintindihan ko. Si Janice ang pinag uusapan namin dito at ang kaligtasan niya .

"Matalik kong kaibigan" sagot ko.

"Eh bakit niya susunduin si Janice? Anong kailangan niya sa bestfriend ko?" medyo pasigaw na siya.

"Gusto niya kaming paghiwalayin!" ngayon lang ako nakadama ng hiya ng ganito.

          At ngayon ko lang din napagtanto ang lahat. Siya iyong nakita ko noon sa bangin. Pinabilis niya ang oras ko para mahirapan akong hanapin noon si Janice. Bakit ngayon ko lang narealize na baka magkasabwat sila ni Kevin? Hindi ko kase siya mapaghinalaan noon dahil matalik kaming magkakaibigan. Pero ngayon ay sigurado na ako! Napapikit ako ng malalim sa isiping iyon. Touch her and I will not hesitate ko fight back at them kahit na matagal ang pinagsamahan namin.

          Nakiusap na ako noon kay Kevin na huwag ituloy ang mga plano niyang paghihiwalay sa amin ni Janice. Ang sabi ko ay hayaan nalang ako dahil doon ako masaya at ako ang bahala sa consequence noon ngunit hindi siya nakinig at itinuloy lang ang plano niya. Pinalagpas ko iyon lalo na yung sa bangin na halos ikamatay na talaga ni Janice. Kaya pinapangako kong dadanak ang dugo sa oras na malaman kong may nangyaring masama kay Janice.

"Ano?! Demonyo din ba yung Zenia?" tanong ni Claire. Nagulat naman ako don.

"Paano mo nalaman?" napahinto ako saglit don. Nangingilid na ang mga luha sa mata niya na makumpirma na demonyo nga si Zenia.

"Alam ko ang lahat dahil sinasabi sa akin ni Janice. Ito lang ang masasabi ko Sir. Wala akong pakialam kahit na fallen angel ka pa dahil hinding hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Janice!" madiin niyang pagkakasabi sa akin.

          Tinamaan ako sa sinabi niya . Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko siya maililigtas.

"Walang mangyayaring masama sa kaniya habang nabubuhay ako! Tahan na!" umiiyak na siya ngayon marahil sa pag aalala. Ayusin niyo lang Zenia at Kevin. Make sure na wala kayong kinalaman sa pagkawala ni Janice.

"Sir, please. Save Janice!" pakiusap pa niya.

"I WILL!" siguradong sagot ko.

          Pinatakbo ko na ng mabilis ang kotse ko sa lugar kung saan kami lamang ang tao. Lugar na mataas at lugar na malapit sa pupuntahan naming nilalang.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya agad ng makababa siya sa kotse.

"Kailangan ko ng tulong. Alam mo na rin naman ang lahat sa amin kaya okay lang na makilala mo siya!" sagot ko.

"Sino?" hindi ko na siya pinansin bagkus ay sinumulan ang pagtawag.

"Kapatid sa langit, boses ko'y iyong dinggin. Bumaba at harapin, ang makasalan mong kapatid" please, Azrael. Tulungan mo ako.

          Maya maya pa ay nagliwanag na ang langit. Kasabay ng kidlat ay bigla siyang bumaba sa lupa sa mismong harapan namin.

"Azrael?" napahawak na ngayon sa bibig niya si Claire.

GADREEL: The Fallen Angel (What's In The 13th Floor Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon